12 - How to Avoid Awkward Convo?

404 14 0
                                    

Unedited

------------

"Itong brand maganda."

"Hindi, ito kaya, nakita mo ba sa packaging palang talo na yung sayo?"

"Viv, kelan pa naging packaging ang basehan sa masarap na pagkain?"

"Ikaw kaya nauna , sabi mo maganda."

" Maganda quality, Viv, maganda quality." ang sabi sakin ni Vince na parang nageexplain sa bata.

Hmph. Tinignan ko siya ng masama sabay kinuha sa kamay niya ang spaghetti sauce na tinuturo niya. "Sige na nga." Hindi na ko makikipag away kasi mag Ch - Christmas na. Peace dapat noh. Gusto niya kasi yung imported. Ako naman gusto ko yung lasang pinoy. Anyway. bahala na.

Tumawa siya ng tahimik sa likod ko. Pano ko naririnig? Well, pag dating kay Vince parang may sixth sense ako, na iimagine ko na mga reaksyon niya. Tumingin ako sa likod at tinignan siya. O see, tama nga. Tinatawanan niya ko. Nagsmirk siya sakin at kinuha ang basket at listahan sa kamay ko, "Bilhin na nga natin yung iba." Ang sabi niya habang nagpipigil ng tawa.

Ano kaya nakakatawa dun, timang to.

Sinundan ko siya habang kinukuha niya mga kelangan naming para sa Noche Buena. Hindi ko alam kung bakit pag dating kay Vince, lahat swabe at cool tignan. Nag ggrocery lang siya pero parang nagshshoot siya ng romantic action film. Makikita din sa paligid na tumitingin ang mga (pangit at malalanding) babae sa kanya. Hindi ako nagseselos ah. Oh, tignan mo yung isang timang na to...lumapit pa talaga at kinausap si Vince.

Lumapit ako sakanila at sabay sabi sa babae, "ano?"

Tumingin siya sakin at nag ngiting aso. "ahh wala, hindi ko kasi maabot yung coffee dun sa taas. Nagpapatulong lang ako"

Ha patulong talaga, madami naman mga employee sa tabi tabi pwede mag pa assist.

"ah, di bale na, ako nalang kukuha." Nag tip toe ako para maabot ang coffee. Kung tutuusin maabot naman talaga kung hindi lang nagpapapansin. Binigay ko sakaya ang coffee na gusto niya sabay hinatak si Vince paalis sa aisle.

Nang makalayo layo na kami ay tinignan ko siya. Naka smirk na naman.

"bakit?" ang painis kong tanong.

"nagseselos ka ba?" ang sabi niya na pabiro.

"syempre hindi!" kinuha ko ang listahan ng bibilhin namin sakanya at naglakad paayos.

Hmm ano pa ba, Vinegar, apple...oo hindi talaga ako nagseselos.

Hindi talaga.

AGHSYD bahala na nga.

"mam, ano po kelangan nila?" ang tanong sakin ng nasa meat section.

"hindi ako nagseselos!" ang bulalas ng bibig ko.

"ano mam?" ang tanong sakin ulit habang tumitingin na sakin yung mga tao sa paligid.

Shems, Viv ano ba pinagsasasabi mo?!

"a-ah wala, joke lang." ang sabi ko habang naka ngiti.

"isang kilong ground beef" ang singit ni Vince.

"yes, yun" ang sabi ko. Sige pa Viv, pahiyain mo pa sarili mo. Narinig niya kaya? Aba syempre. Hay nako. Kahit kabilang mundo nga siguro narinig eh. Face palm. Hindi na muna siguro ako pupunta sa grocery na to. Hiya ko abot mars na.

Binigay samin agad nung lalaki yung beef na siya namang kinuha ko agad at linagay sa cart namin.

Tinignan ko si Vince at sinabing " okay na. Icheck natin kung complete." Magreply ka ng maayos Vince pls. Nagwiwish nako na sana palampasin nalang ni Vince yung nangyari. Hindi ata kakayanin ng hiya ko na maulit ulit sa isipan ko ang kahihiyan.

"Okay." Malumanay niyang sinabi.

Hmm. Si Vince, hindi nagjoke?

What a miracle.

Tinignan ni Vince ang papel ng mabuti sabay kunot ng noo.

"May mali tayo." ang sabi niya.

Huh.

"ano?" ang tanong ko.

"kasi andito nakalagay bilhin natin ground beef pero ang nakuha natin 'hindi ako nagseselos."

NOT.

"Che!" ang sabi ko sakanya sabay sapok sa braso niya. "akin na nga yan." kinuha ko ang papel sa kamay niya at naglakad papuntang cashier. Hinanap ko yung pinaka onting pila sabay pumirmi dun sa pwesto. Tumingin ako sa likod at nakitang tumatawa si Vince habang sumusunod sakin.

Hay Viv. Nakakahiya. Selos? Hindi noh. No. May babaeng malanding lumapit kay Vince kukuha kuno ng bubblegum sa stante. Girl please pwede ka naman kumuha sa ibang cashier bakit dito pa.

Pero hindi, Viv, focus! Hindi ka nagseselos. Oo hindi talaga. Concerned lang ako sakanya. Hay nako naman Viv!

"Mam, may grocery card po kayo?"

Ay kami na pala. Hinanap ko ang card sa bag kong kasing gulo ng isipan ko. Hindi ko mahanap as usual.

"Wala kami card miss." ang sabi ni Vince. Swooon. Ang deep ng boses niya.

NO VIV, FOCUS!

Okay okay. Konting panahon nalang. Makakauwi nako magkakaroon nanaman ng distance kami ni Vince. Mawawala nanaman tong feelings na namumuo ngayon.

Natapos ang pag punch ng cashier sa items namin. Si Vince nagkarga kasi macho daw siya. Joke. Nag offer siya dalhin ang mga nabili namin kasi daw tinatrain niya arms niya or pwede rin kasi gentleman siya.

Lumabas kami sa parking at hinanap ang valet guy. Masyado kasi madami tao ngayon kaya full parking, napilitan kami mag pa valet nalang.

"Manong!" ang sigaw ni Vince ng makita niya ang binigyan namin ng susi.

"ay sir! Alis na po kayo?" tanong ni manong habang papunta saamin.

"Oo kuya, paki hatid nalang dito yung kotse, madami po kasi kami dala." Ang sabi ko ng mahinahon.

"Sige po mam. Pero matatagalan po onti kasi traffic sa pag labas ng parking, nagsisiuwian na po kasi mga tao." sabi niya ng mabilis sabay umalis at tumakbo papunta sa kotse namin.

After mga 2 minutes na nakatayo kasama si Vince, saka ko lang narealize na kami lang pala ni Vince at 2 minutes na walang convo, walang anything.

Shems. Mahina pa naman ako sa mga akward moments. Hayy. Okay sige magiintay lang ako ng tahimik.  Hindi naman siguro weird yun.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay may narinig na akong nabubuksang wrapper at nabiak na wafer. Hanggang ngayon tinitiis ko parin na tumingin sakanya, kinakalikot ko nalang ang phone ko na para bang sobrang busy ko.

Humarang ang kamay ni Vince sa view ko ng tetris. Yes, tetris talaga ang inatupag. May hawak siyang half kitkat, tinignan ko siya at sinesenyasan niya ako para kunin ko yung bigay niya.

" Peace offering ba to?" ang sabi ko sakanya.

"Pwede rin. Peace offering or conversation starter? Kahit ano." Ang sabi niya sakin.

"mm, okay." Kinuha ko yung kitkat at kinain. Mmmm. Favorite ko talaga chocolate.

"Kamusta ka?" ang sabi niya sakin.

"Okay naman. Nakakapanibago kasi kinakamusta mo ko." hindi mo naman ako kinontact. Gusto ko ituloy pero wag nalang.

Kumuha si Vince ng lighter at sigarilyo sa back pocket niya. Hmm, si Vince nagssmoke? Ngayon ko lang nalaman to. Bad boy siya nung college pero more on pranks, asta ganun, never on bisyo. I guess people change talaga noh?

"Nagssmoke ka pala?" ang tanong ko sakanya.

"Ikaw, kayo pala ni Jesse?" ang balik niya sakin.

Wow, 0 to 100 real quick si kuya.

Back to awkward air nanaman. Dapat pala hindi nalang ako nagtanong ng medyo personal na sakanya. Ayan tuloy.

--

✔ Ex - LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon