26 - The Field Trip Part 1

292 10 0
                                    


Binabawi ko na.

Binabawi ko na ang sinabi kong ayoko na maging 'what if' kay Vince. Alam mo kung bakit? Sobrang solid na ang desisyon ko kahapon, pero ano nangyari? May isang taong hadlang. Oo, si Ms. Valdez. Bawat kausap ko kay Vince ay palagi niyang hinaharangan. Pwera busy daw sila o may ipapatingin tapos ngayon naman nagpapapicture.

Nakakainis.

"Arggshdhgd" Napasigaw ako sabay layo sakanila.

"Shh, ano ka ba nasa Museum tayo. Tsaka nalingay lang ako ng onti nagwawala ka na dyan." Lumapit sakin si Stacey at tinapik ako sa braso. "Tignan mo, andami na tumitingin. Pati yung tour guide nating hottie tumitingin na dito, ay, I don't mind pero lahat kasi natingin tsaka para kang baliw dyan eh."

Tumingin ako sa paligid at oonga lahat tumitingin. Hay nako, pag naiinis kasi ako hindi ko na namamalayan mga ginagawa ko. Sumilip ako kela Vince, at ano ba naman ang ikinaka focus niya sa pag picture sa bruhildang iyon. Hindi siya tumingin.

Don't get me wrong ahh, ayaw ko napapahiya pero mas gugustuhin ko pang tumingin siya sakin dahil sa kabaliwan ko kesa naman magfocus siya sa kakapost nung babaeng yun. Ang maganda lang naman sa picture na yun, eh yung painting. Tsaka teka nga, pwede ba magpicture dito? Bahala na nga.

"Oo na. Masakit lang talaga ulo ko. Tsaka asan ba yang gwapong tour guide na sinasabi mo?"

"Yass, that's what I'm talking about." Hinila ako ni Stacey sa harap ng linya at sumunod kami dun kay kuya tour guide.

Oo, inaamin ko. Gwapo siya. May halong french and pinoy genes. Light brown ang buhok niya pero moreno siya. Hindi ko alam na magiging perfect fit yun pero sakanya bagay na bagay. At yung biceps niya nagfflex habang tinuturo ang mga painting sa paligid. Oo, capital H.O.T. siya.

Pero hindi ako interesado.

Hindi ko ba alam bakit ganun, meron na kasi laman ang puso ko. Minsan nga naiisip ko nalang bakit ba siya? Bakit ba si Vince? Hindi naman kami close, hindi pa nagusap ng masinsinan. Pamatyag matyag lang naman ako sakanya.

Pero pag nakakaaway ko siya o nakakatawanan kinikilig ako. Para bang alam ko na safe ako sakanya. Its complicated kumbaga. Eh siya, ano ba feel niya sakin?

Gusto ko talaga malaman. Ayoko yung lumampas ang pagkakataon na hindi kami naguusap. Kung ayaw niya, edi closure. Eh kung may gusto din siya edi masaya. Basta ganun nalang. Hinfi ko hahayaan na isang Ms. Valdez ang sisira sa plano ko. Ang tagal ko kaya inintay to noh.

Pero first kelangan ko ng opinyon. Hindi ko matatanong si Jack kasi busy siya ngayon at mahirap naman magusap sa chat. So that leaves me with one person - Stacey.

"Stace!"

"Oh?" Lumingon siya saakin pagkatapos titigan ang isang magandang abstract painting.

"May itatanong lang kasi ako. Medyo importante for me. What if kumalas muna kaya tayo sa group? Pwede naman daw mag lakwatsiya basta on time tayo for the next tour."

"Haaaa? Nakita mo na ba..." Tumingin siya sakin at nakita ata ang expression ko na seryoso kaya hindi niya na tinuloy yung sasabihin niya. "Okay sige, may nakita akong coffee shop dun sa kanto kanina parang mukhang masarap dun eh. Halika na."
Kusa na siya lumabas at nag lead ng way, habang ako naman ay sumunod. Ang cute nung coffee shop na sinasabi niya, maliit lang pero comfy at homey ang feel pag pasok. May chimes pa ang pinto pag binuksan mo. At amoy mabangong tinapay at aromatic coffee ang lugar.

Umupo kami sa dulo kung saan wala masyado tao at pwede kami makapagusap ng maayos.

"Oh teka, order muna tayo. Ano sayo, Viv?"

✔ Ex - LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon