2 years earlier"Excuse me, excuse me makikiraan po" Pinipilit kong sumingit sa mga taong nagsasayawan dito sa bar para makapunta sa table namin. Ang hirap dahil puno ngayon ng nagsasayawang lasing ang dance floor lalo na't halloween party pa.
Sa wakas pagkatapos ng pag tulak at pagpipi sa akin ng mga lasing ay natanaw ko narin ang table namin. Duon lang kami sa regular table, walang upuan, nakatayo. Dalawa kasi ang klase ng table dito sa bar, may vip kung saan ay nasa loob sila ng kwarto na transparent ang salamin at and regular malapit sa dancefloor.
"Stacey! Omg akala ko nawala nako." pabungad kong sinabi.
"Kaya nga kanina ka pa namin tinatawagan Viv." nagaalalang sagot niya.
"Viv wag ka na ulit hihiwalay samin magisa ah, akala namin may nangyare na sayo. Hinahanap ka na nga ni jace." sabi ni jack.
Apat kaming magkakasama ngayon. Si Stacey, ang aking girl best friend at schoolmate sa college. Si jack naman ang guy best friend ko nung high school, maalahanin yun. At ang huli ay si jace, boyfriend ni jack. Pinakilala niya ito nung isang linggo, mukha namang okay sila pero hindi ko pa rin sure. Nako noh, ilang beses na ba na heartbroken eto si jack.
"hoy viv, ano na?"
"huh?"
"Gurl, pay attention" Sinabi ni jack habang pumapalakpak. "gusto namin maglaro nang truth or dare, g ka ba?"
"suure. Pero walang inuman ahh." Hindi ako mahilig uminom, alam niyo naman ang panahon ngayon. It's better to stay safe than to stay drunk. Charot lang.
"ano kaya yun bes? Nasa bar tayo, walang inuman?" aniya ni Stacey.
"sige ganito nalang muna tawagan ko si jace kasi parang di na bumalik hahaha"
Na para bang may mind communication sila, biglang sumulpot si jace sa likod ni jack.
" uy di ko talaga siya maki.." ng mapunta ang tingin niya sakin saka niya lang narealize na andito pala ako nagpipigil ng tawa. "hay nako vivian"
"oh sha sha, laro na tayo ng truth or dare, okay ang special rule dito ay para kay Viv kasi ayaw niya uminom." sabi ni Stacey habang pinapaikot ang kanyang mata. Okay, bes. Minsan ganyan talaga siya mairitahin pag hindi nasusunod ang gusto pero dahil kaibigan mo papalampasin mo diba. Focus on the good things not the flaws kumbaga.
"okay ano yun?" sagot ko.
"dare ka lang parati." sabi ni stacey.
"ay! Ang daya naman nun." protesta ko.
"call!!" sabayang sabi ni jace at jack.
"majority wins, sis. Okay na kami dyan. Let's start!" ang madaliang sinabi ni Stacey.
Pagkalipas ng 30 minutes ay makikita ng lasing si jace. Hay eh ayaw ba naman sagutin ang mga truths. Galit na nga si jack kasi simpleng tanong hindi masagot. Tinanong lang namin siya kung matagalan ba sila, hindi rin masagot inom lang ng inom, kaya ayan naiiyak na naiinis si jack. Si Stacey naman kung ano ano pinapaggawa sakin. Kanina pinadare ako magsulat sa mirror ng girls cr gamit lipstick. Ngayon naman gusto ako ipakiss sa isang hindi ko kilala.
"Sige na okay, last na to Viv. Alam mo hindi ka talaga makakuha ng boyfriend niyan kung palagi kang demure. Sigeee na pls. Last na to wag ka kj." Sabi niya habang yinayakap ang aking kanang kamay. Okay nakalimutan kong sabihin na lasing narin pala si Stacey. Eh kapareho niya rin si Jace ayaw mag salita. Tinatanong namin siya tungkol sa mystery guy na matagal niya na gusto, tahimik lang siya.
"Sige na nga ahh, last na to tapos uwi na tayo."
"Last na pero 11 palang bes" sabi ni Stacey sabay pout sa kanyang bibig.
"Oo pero delikado kaya magpalate noh. Sige ka, gagawin ko dare or hanggang 3am tayo dito?"
"Sige na nga. Ayun ha. Dapat senior" tumawa siya habang tinuturo ang isang vip room na okupado ng mga gwapong popular students samin.
"ha? Ano ka ba! Baka dumugin ako ng mga fans nila noh. Ayaw ko nga!"
"Okay, 3am here we gooo!" hay Stacey, alam na alam niya na ayaw ko nagpapalate.
"Sige na nga. Didiskartehan ko nalang." Hay jusko hindi ko alam kung ano gagawin. Tinignan ko ulit ang vip room. Sabagay malapit lang naman samin. Kaso ang weird pag kumatok ako at magoffer ng libreng kiss. Kadiri.
Nasa loob ang limang bad boys sa school. Lahat sila senior, mayayaman at chick boy. Well, actually kulang sila ng isa. Si Vince Hernandez nawawala. Siya yung parang leader ng grupo. Hindi nila inaamin pero mas swabe siya gumalaw kesa sa iba niyang mga kaibigan. Plus, captain at MVP pa siya ng basketball team namin.
Hay mas okay sana si Vince nalang pero mukhang palabas si Jacob. Yes. Okay pano ba sabihin. Pakiss, libreng kiss, dare kiss lang pls. Arghh. Pano ba?
" Ano meron?" May bumulong sa tenga ko.
"Wala naman may tatanong lang ako kasi..." Tumingin ako sa bumulong sakin at chocolate brown eyes at cute dimples ang bumungad sakin. Ay, di ko na malayan na sumagot ako.
Linapit niya ang mukha niya sakin..shems magkanose to nose na kami! sabay pat sa aking ulo. "Ang liit mo Vivi" KILALA NIYA KO?! Oh my gosh kilala niya ko. Killergs!
"k-k-kilala mo ko?!" tinanggal ko ang kamay niya saaking ulo "tsaka ano ba!" Oh my sparks habang hawak ko ang kamay niya.
"Syempre naman, ang isa sa top ten sa buong school natin, Vivi kung gusto mo pala hawakan kamay ko eh sana nagsalita ka nalang hindi yung manggugulat ka." Sabi niya ng nagssmirk. Kitang kita ang cute dimples niya na ang sarap sanang hawakan.
"Bahala ka nga Vince!" Okay opportunity ko na. Yess. Bawal sabihin na dare, malapit din naman ang mukha niya, may sparks at crush ko naman siya dati.
Hindi ko na pinayagang magisip pa, tinaas ko ang aking kamay at hinawakan ang kanyang mukha at biglaang kiniss siya sa labi.
Oh my.
Sparks x 1000000
At ang halik na dapat peck lang ay nabura nung humalik din siya pabalik.
----
At simula nun, kahit anong hanap, kahit anong sulyap sa mga bestfriends niya ay hindi ko na siya nakita muli. 2 years narin nakakalipas at hindi ko parin siya makalimutan. Siya kasi yung tao na minahal ko kahit hindi ko naman lubusang kilala. Kaya nga paano mo naman makakalimutan ang isang taong naka imprenta na sa puso mo? Ako hindi ko din alam. Siguro pag nakita ko na siyang masaya, duon lang ako makaka move on.
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomansaOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...