unedited
__________________
Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing.
"Okay, that's all class, remember to turn in your homeworks next week."
Phew.
Kakabalik pa lang ng classes, madami na agad school works. Ahhh, the long road to success.
Tumayo ako at linigpit lahat ng nakakalat sa desk ko sabay labas ng classroom. Wala ako iniintay whatsoever kasi nga normally si Stacey kasama ko pero yun nga since fall out namin, I'm pretty much a loner now. Okay lang naman din saakin, I rather have a few true friends than many fake friends. Oh, and hindi naman sa sobrang ayaw ko talaga maki mingle, it's just that pag college iba iba ang schedule, wala talagang constant.
Hmm, next class, ughhh math.
Vince.
Pinaka dinidread ko.
Si Jesse din pala.
Face palm.
Hmmm, wag nalang kaya ako pumasok. Yes, good idea! Paalis na ako palayo sa classroom nang makasalubong ko si Vince.
asdfghjkl;
Talk about wrong timing. Hmm, should I pretend na hindi ko siya nakita? Yes yes, Malaki naman itong corridor and medyo madaming students na naglalakad. Hence, hindi naman impossible na hindi ko siya nakita.
Nagswerve ako palayo sakanya at dahan dahang sumiksik sa ibang students, malapit ko na siyang lampasan ng biglang may umatake saakin. Isang matigas na bakal ang tumulak at nagpabagsak sa isang petite girl na katulad ko.
At parang isang masamang panaginip ay nahulog ako ng isang malaking THUD.
Ouch.
Parang nahilo ako duon ah. Hinihimas himas ko ang pwet ko sa sakit. Tinignan ko kung sino ang salarin, may pagkamalas nga talaga, isang poste ang natamaan ko. Hay nako Viv, bakit naman kasi hindi ka tumitingin.
"Okay ka lang?"
Tama bang tanong yun? Narinig ata ng buong Pilipinas ang pagkahulog ko, nanlalamig na ako sa sakit at ang paningin ko naglalaho na tapos.....WAIT, familiar yun ahh. Tumingin ako sa nagsalita at anak ng.....familiar nga. Fail ka nanaman, Viv.
Vince - 1
Viv - 0
Tumayo ako bigla at nagsmile sakanya. Wag magpahalata na nabunggo ka kasi iniiwasan mo siya.
"Okay naman po ako....sir."
"Okay then, magriring na ang bell, let's go to class." Ang sabi niya saakin ng naka smirk. Ohhohohoh so alam niya na pala na iniiwasan ko siya.
Vince - 2
Viv - 0
Lumunok ako ng malalim at tumango. Sabay takbo papuntang classroom. Ayoko na magkasabay kami papasok, baka kung ano pa isipin ng mga tao, Lalo na andun din sa class si Jesse at kakahiwalay lang namin.
Pumasok ako sa classroom at nakitang medyo puno na. Yung mga seats din na dati kong inuupan ay occupied na. Tumingin ako sa kanan, andun squad ni Stacey with the queen B herself, nasa gitna. Tumingin naman ako sa left, andun naman si Jesse pati mga kaibigan niya. Puno na ang gitna, sa harap nalang natitira, dapat pala hindi na ako pumasok.
"Ahem."
Tumingin ako sa likod at nakitang nakatayo si Vince at nakatingin sakin, biglang nagsitawanan ang mga kaklase ko. Ako nalang pala ang hindi nakaupo. Pumikit ako at mabilis na umupo sa harap, gitna pa. Tinignan ko ng masama si Vince, sana maisip niya ang ibig sabihin ng tingin ko. Madali lang naman,
"Wag ako sa recitation Vince kung hindi lagot ka sakin mamaya."
Yun lang naman.
"I know you guys are still hung up on your holiday vacation, so we'll just tackle a simple lesson for today. Turn your books to page 251."
Yep. That's Vince for you. Always on the point.
"So the equation..."
First 30 minutes, nag snooze lang ako. Math is still math, my worst subject. Plus, hindi pa ako ready magdigest ng lessons, too hungover sa vacation. In fairness, ang gwapo ni Vince magturo. Every time he writes on the board, nagfflex ang arm muscles niya. Halata kasi fit yung suit niya. Super sexy.
Siiigh.
"Viv.."
Oh my. Nagsuot siya ng glasses. Ohh lala.
"Viv..."
Huh. Tumingin ako sakanya, at nabitawan ang ballpen ko. Isang malakas na clank and nag echo sa tahimik na classroom.
OMG Viv, rectify the situation! Dali.
"Yes sir!" ang sabi ko.
Nagsmile siya saakin at tinanong, "Are you ready for the reporting next meeting?"
Kumunot ang noo ko, reporting? Anong reporting?! Oh em, before vacation nag assign nga pala siya, nakalimutan ko. Pero syempre hindi ko pwede sabihin na hindi ko alam or hindi ako ready.
"Um, yes po." Ang sabi ko. Tumingin ako sa study table ko na parang sobrang interesting nito.
"Okay, then. That's all. Class dismissed." Ang sabi niya sa class, sabay tingin saakin, "Viv, stay behind."
Phew.
Inintay ko makalabas mga classmates ko before tumayo sa sit ko at lumapit kay Vince. Nakaupo siya sa teacher's table at nag aayos ng mga papers. Nang marinig niya na palapit ako tumingin siya saakin at may binigay na papel.
Individual Reporting Form
"Kelangan na ito for next meeting?" tanong ko sakanya.
"Yes, para malaman namin na understood talaga ng students ang topic nila." Ang sagot niya sabay ayos ulit sa mga papel niya.
Tumango ako at nag aalangang umalis kasi baka may sabihin pa siya pero parang wala naman. Mukha talaga siyang sobrang busy, nakakapanibago na makitanv serious si Vince.
"Okay, sige. Thank you" ang sabi ko sabay alis.
"Wait" ang pigil niya sakin nung pabukas ko na ang pinto.
"hmm?" tumingin ako sakanya. Malinis na ang desk at paalis na rin siya, dala dala ang briefcase niya with all the schoolworks. Mukha siyang matured, more of a man and less of a boy.
"Clear ba sayo ang quadratic formula, Viv?" Tanong niya habang papalapit saakin.
"ummm..." lumunok ako ng malalim at hindi makasagot. In truth, wala ako kaalam alam kung ano yun. Magaaral pa ako medyo, o ewan. Actually hindi ko alam kung ano gagawin ko kasi si Jesse ang naging tutor ko sa math. Pero now na break na kami, nakakahiya naman tanungun siya about this.
Nagulat ako sa kamay na nagpat sa ulo ko. Lumaki ang mata ko at tinignan si Vince. Nakaextend ang kamay niya at hinimas ng onti ang buhok ko.
"Don't worry, Viv, I'll help you." Nagsmile siya saakin ng sincere. "let's solve your math problems together" ang sabi niya sabay labas sa classroom.
And just like that, that smile ignited the feelings I'm trying to hide.
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomanceOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...