Unedited
_________________
poke.
Kumunot ang noo ko sa naramdaman kong pag dampi nang isang feather-like touch sa pisngi ko.
poke.
Ano ba yun? Lamok? Tinaas ko ang kamay ko at pinahid sa pisngi ko. Istorbo sa tulog ko.
poke.
Ang kulit.
poke.
Tinaas ko ang kamay at sinampal sa pisngi ko na siya naman ikinagulat at ikinagising ko. Ay nilagang bagoong! Ano ba yun, umupo ako at hinimas ang bruised cheek ko sabay tingin sa paligid.
"AHH!" Ang gulat ko nang nakita ko si Ranz sa tabi ko nakatayo.
"Mama!" Ang siya naman sigaw niya.
Ah, ngayon ko lang naramdaman ang sakit nang ulo at uhaw.
"Okay ka lang?" Ang worried na tanong ni Ranz.
"Tubig." Ang bulong ko.
Pumunta siya sa bedside table at binuhusan nang tubig sa pitcher ang basong nasa tabi nito. Lumapit siya sakin at binigay ang tubig.
"Thank you." Ang sabi ko sabay lagok sa tubig na para bang isang taong hindi naka inom. Pagkatapos ko ay binigay ko sakanya ang baso. Ano ba nangyare?
"Two days ka na pabalik balik sa tulog ate, may lagnat ka pa." Ang sabi ni Ranz na tila ay narinig ang nasa isipan ko.
wait lang,
TWO DAYS?
"two days?! Ha?" ang tanong ko. Hindi ako makapaniwala. "teka paano ba ako nakarating dito?" naalala ko lang ay naglalakad ako tapos hindi ko na alam.
"Dinala kita."
Tumingin ako kung saan nanggaling ang boses. Sa pinto nakatayo si Vince, may dala dalang tray na may lugaw at orange juice. Lumapit siya sakin at linapag ito sa bedside table. Tumingin siya kay Ranz at nagusap sila nang onti. Hindi ko na napakinggan kasi nakafocus na ako sa pagkain. Ngayon ko lang narealize na gutom pala ako.
Umalis na si Ranz at lumapit sakin si Vince. Kumuha siya nang upuan at kinuha ang bowl nang lugaw sabay subo sa akin nang isang kutsara. Sa sobrang tagal magprocess nang utak ko ay cinut na ako ni Vince.
"Dapat bang kumanta ako nang airplane song para sumubo ka?" ang tanong niya.
"huh, p-p-ero uhh, haa?" ang genius na sagot ko. Sa pag ha ko ay bigla niyang sinubo ang kutsara. Naubo ako sabay lunok nang lugaw.
"grabe ka naman" ang sabi ko. See genius talaga ako sumagot eh pag dating kay Vince.
"Okay, ubusin mo ito. 2 days ka na walang kain." ang sabi niya. After mga ilang minuto ay naubos ko narin. Tinignan ko siya habang liniligpit niya ang pinagkainan ko. Hindi ko alam sasabihin. Nakakatouch kasi na sinusubuan niya pa ako.
"Ano nangyare?" ang tanong ko sakanya.
Sa tanong ko ay para bang nabuhusan siya nang malamig na tubig. Kumunot ang noo, nag nagflex ang jaw at binall niya ang fist na tila ay may gustong suntukin. Clear signs na naiinis siya.
Huminga siya nang malalim at pinangaralan ako. "Ano ka ba naman Viv, kung wala ka masasakyan ay bakit hindi mo nalang ako tinawag? Andun din naman ako. Hindi yung uuwi ka magisa, naglakad pa!"
"Bakit ba, ano naman sayo yun?" Nainis ako bigla, bakit siya sakin nagagalit, wala naman akong choice. Eh ano gagawin ko papasok ako dun sa bahay tapos magpapaka beggar sa harap nang magulang nila? No way.
"Hindi mo maintindihan, Viv. Paano kung hindi ako yung nakakita sayo? Nahimatay ka sa gitna nang daan, ilang scenarios ba ang kelangan ko iexample sayo bago mo maiisip na sobrang delikado ang ginawa mo?"
"Well, obviously ano ba gagawin ko? Wala ako choice!"
"Viv, lahat tayo may choices. Pero you chose to be in a dangerous situation. Just because of what? Just because hindi mo ako maasahan? I'm just one call away Viv! One effing call away!"
"one call, ONE CALL?! Eh ni isang tawag nga hindi mo nagawa these last two years tapos you expect me to think na you're there when I need you?! Get out."
Tumingin siya sakin, nagulat sa sinabi ko. Kahit ako nagulat. Hindi ako makaapaniwala na from 0 to 100 agad ang paguusap namin. Biglang nag escalate sa hatred..disappointment at hurt feelings.
Tinignan ko siya, nakatayo lang at humihinga nang malalim. By this time naiiyak na ako, ang oa ko grabe.
"Get out!" Inulit ko.
Sumunod naman siya. Tahimik na umalis dala dala ang tray nang pagkain. Huminga ako nang malalim. Hindi ko naisip na ganito ang magiging usapan namin.
Tumayo ako para pumunta sa cr, masakit sakit pa ang katawan ko. Tumingin ako sa mirror at nakita ang horror na reflection na nakabungad saakin. Hay. Buti nalang hindi natakot si Vince.
I regret my words. Inalagaan niya ako. At halata namang worried lang siya sakin kaya niya nasabi ang mga iyon. Totoo naman na talagang delikado yung ginawa ko. Naglakad sa gabi na ako lang magisa, sa panahon ngayon delikado na ang ganun.
Pabalik sa kama ay nakita ko ang bag ko naka patong sa labas nang cabinet. Binuksan ko at chineck ang phone. Lowbat. Kinuha ko ang charger at sinaksak ito sabay binuksan. Baka may namiss akong messages.
At totoo nga, 3 minutes later, nag fiesta na sa tunog ang phone ko. Multiple messages ang pumasok from Jack,Jesse....and Vince?
Chineck ko muna yung kay Vince. Puro where are you, asan ka may all caps pa. Mga 10 messages ata yun.
Next naman chineck ko ay ang kay Jack. Sabi niya tinawagan daw siya ni Jesse tinatanong kung nakita ako.
Lastly, chineck ko yung kay Jesse. Puro I'm sorry.
Tinitigan ko nang mabuti ang messages ni Jesse.
Nagisip namg mabuti.
Nung nakita ko yung message ni Vince, curious na curious ako. Yung para bang gusto ko na buksan agad, hindi makaintay.
While yung kay Jesse, parang alam ko na ang sasabihin niya. Walang butterflies in my stomach. At mahigit sa lahat para bang okay lang saakin na iniwan niya ako. Hindi nag cut deep.
Hindi katulad sa no communication namin ni Vince.
Now should be the time na I realize things for what they are. Na kahit anong pagkukubli sa katotohanan ay kung talagang ito ang nararamdaman I should accept it for the way it is. Wala nang pagtatago o pag tatakbo.
I still love Vince and I know what to do.
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomanceOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...