Brother?
Hanggang ngayon hindi parin ako naka get over na magkakilala pala ang current boyfriend ko at ang long time crush ko. Worse? Magkapatid pa. Ang bobo ko naman, pareho silang Hernandez ang surname pero ni minsan hindi ako nag doubt na related sila. Hay.
Tinignan ko ng maigi si Vince, same parin naman. Matangkad, macho tsaka may killer smile parin. Although, mas mukhang nagmature lang siya ng onti hindi ko alam kung dahil ba sa pagsuot niya ng amerikana o dahil sa pinagdadaanan niya sa buhay lalo na't alam ko na masyado siyang pressured ng mga magulang niya dati kaya siya umalis.
Tinignan ko silang dalawa ng pabalik balik, wala naman hawig sa isa't isa. Brown hair pareho, may dimples, maputi, yun lang. Facial similarities naman wala talaga eh. Kaya nga siguro hindi ko napansin.
"......distracted yata sakin, bro." Sabi ni Vince. Ahh naguusap nga pala sila. Tinignan ko si Vince at kumunot ang noo. Mayabang parin kahit kelan.
Magsasalita na sana ako nang unahan ako ni Jesse,
"Pwede ba, matagal ka nang wala, sana pinanindigan mo nalang hindi yung babalik ka dito tapos lalandiin mo pa girlfriend ko. First time palang tayo nagkita since umalis ka, madami na nagbago Vince. At huli sa lahat, wag mo akong tatawaging bro. Sa pagkakaalam ko, strangers na tayo ngayon." Sumbat ni Jesse.
Ouch. First time ko narinig siya nagalit ng ganun. Normally kasi ang pinapakita niya sakin palaging caring, mabait, shy - never angry. Nakakapanibago.
Lumingon sakin si Jesse at sabing "Halika na Viv." Kinuha niya kamay ko at ginuide ako palabas. Pero before kami nakaalis sa balcony ay may pahuling salita si Vince,
"Hindi naman ako bumalik para sayo." Ang sabi niyang mahinahon. Napatingin ako sakanya, at nakitang nakatitig siya sakin. Eye contact. OH MY.
Hinila ako palabas ni Jesse bago pa ko makapagsalita. Tinignan ko siya. Tila nakita niya rin siguro ang silent eye to eye namin ni Vince. Tahimik kami habang binayaran niya nalang sa cashier ang pinagkainan namin pati papunta at pagsakay sa kotse. Nung nakasakay na kami sa kotse at pabiyahe sa bahay ko ay saka lang siya nagsalita,
"Magkakilala kayo?"
Nako.
"Ahh, hindi naman kami close pero nakita ko na siya dati sa school hindi ko lang alam na siya pala ang kapatid mo." Ang sabi ko. Hindi naman sa tinatago ko yung dare. Ang awkward lang kung ioopen up ko pa yun. Galit na nga mas lalo pa magagalit. Hindi na siya umimik pagkatapos nun hanggang nasa bahay na namin. Pumarada siya sa harap at hindi kami nagimikan ng mga ilang minuto.
Awkward.
Hindi ko alam kung bakit ganito katahimik. Okay naman kasi dapat bakit pa lumitaw si Vince. On the other side naman nakalma na ang puso ko na alam ko nang okay siya. Madami kasi ako iniimagine na nangyare sakanya. Atleast may closure na. Hindi na ako palaging magiisip sa kalagayan ni Vince.
"Paso..
"Abou..
Sabay kami ni Jesse nagsalita. Double awkward.
"Okay ikaw muna?" Ang sabi ko sakanya. Syempre gusto ko rin siyang bigyan ng moment mag explain kung bakit sobrang hostile ng pakikitungo nilang magkapatid.
"Wala, sasabihin ko sana na sana kalimutan mo nalang yung kanina. Wag nalang yun yung redeeming date natin, yung pang bawi ko after nung dinner natin sa parents ko."
Aww. Hanggang ngayon naguguilty parin siya. Ako nga yung dapat magsorry, dapat sinasabi ko na yung nangyari samin ni Vince para maclear na ang lahat. Pero hindi parin. Wala kasing ibang nakakaalam. Pati si Stacey hindi alam ang nangyari. Ayoko malaman ng iba, gusto ko moment namin, samin samin lang. Pero syempre hindi ko rin naman alam kung ganun din si Vince.
"Ano ka ba, sa paulit ulit mong pag sorry ang sasabihin ko ay okay lang. Hindi naman ikaw may kasalanan. Ibang tao naman. Naiintindihan ko." Yun nalang sinabi ko. Sana maintindihan din niya side ko pag nalaman na niya. Naiintindihan ko naman siya. Swerte ako na boyfriend ko siya. As in. Pero syempre may pagkakataon na ang puso at isipan hindi nag jijive. Hindi pa kasi umaabot sa puso ko si Jesse.
"Tsaka hello, dinala mo kaya ako sa pinaka romantic dinner. Nasiyahan ako talaga." Ang sabi ko sakanya. Hinold ko ang hand niya para mareassure siya na kinilig parin ako sa ginawa niya.
"Thank you babe ahh." Kiniss niya ako sa cheek at nagpaalam. "Goodnight."
Inintay ko siya makaalis before pumasok ng bahay. The usual, wala nanaman ang parentals, another appointment. Pag Christmas season, patok talaga late night celebrations nila buong month. Speaking of celebrations, matagal na hindi ko nakakausap si Stacey. Ewan ko ba dun. Bigla nalang nag MIA tapos sineeseen lang messages ko. Nung pumunta naman ako sa bahay niya pinaintay niya lang ako ng ilang oras tapos di naman lumabas. Nagaalala na talaga ako.
Pag akyat ko sa kwarto ay maririnig ang malakas na tunog na nanggagaling sa kwarto ni Ranz. May pa concert nanaman sa loob. Pumasok na ako ng kwarto at nahiga.
Hanggang ngayon hindi parin ako makaget over sa nangyari. Si VINCE, V I N C E. Ang long time crush at first kiss ko andito na ulit after 2 years na hindi ko siya nakita? Tsaka ano ba ibig sabihin niya na "hindi ikaw ang binalikan ko dito", para kanino ba yun, nakatitig kasi siya saakin kaya hindi ko alam. Ibig sabihin ba nun bumalik siya para sakin at hindi kay Jesse? kung ganun pa man, eh bakit hindi niya ko cinontact? o pinaparinggan niya ako na wag ako umasa sakanya? Huh, eh kahit na makikita naman niya na may boyfriend ako kaya naka move on nako? Bakit naman patanong ang move on ko.
AARGHH sakit sa ulo. Ano kaya itext ko siya? Kinuha ko phone ko at hinanap ang number niya, hmm ano kaya isesend, "Bakit ka bumalik?" Noope, delete. "Hi?" yuck parang naghahabol, delete. "Kamusta ka na?" Hindi ka makaget over gurl, delete. Ano ba talaga, gulong gulo na isip ko.
Pati si Jesse hindi rin nagtext. Imessage ko nga.
To: Jesse
Thank you pala tonight ha. Naappreciate ko talaga xx
Intayin ko nalang reply. Hay. Bakit ko ba to pinoproblema. Pero kasi si Vince yun. Pero may boyfriend nako, kahit alam ni Jesse na hindi pako get over sa first love ko, hindi parin tama na palaging nasa isip ko siya.
Okay learn to move on din pag may time.
Ping
O ayan baka si Jesse na.
Stacey?
After being MIA for 2 weeks, tinext niya nako. Binuksan ko ang message,
From: Stacey
we need to talk.
Normally pag ganyan talagang hindi maganda. Tungkol saan kaya,
To: Stacey
Tungkol saan?
ping
From: Stacey
Basta. Tungkol sa relationship natin as friends.
Tumaas ang kilay ko sa kaba. huh? Ano daw. Okay iaadd ko na to sa mga problema ko ngayon. Ano ba to, mas maganda pa sigurong tulugan ko muna mga problema, bukas ko na harapin.
___
Hi guys! Medyo nabusy lang ako this week. 2 consecutive updates! <3 Medyo filler lang tong chapter, next one will be full of friend drama.
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomanceOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...