"Ano?"
"Hindi mo ba narinig?"
Lumapit siya saakin, much much closer than before, linean ang head hanggang magkatouch na ang nose namin. Oh my gosh, naririnig niya na siguro ang malakas na pagkabog ng puso ko.
"Gusto ko lang iklaro mo para naman hindi ko isipin na hallucination lang ang lahat ng ito."
"Okay, pero last na to ahh. I like you, Vince."
Naglean back siya at parang nagisip muna biglang nagsmile. Nainis na ako sa part na to kasi nagconfess na ako sakanya tapos may time pa siya mangasar?
"Hay nako, bahala ka nga dyan. Binabawi ko na." Sinabi ko sabay alis. Pero bago pa ako maka step para umalis ay hinawakan niya kamay ko.
"Narinig ko Viv, pero pinoprocess ko pa sa isip ko ang mga sinabi mo eh. Nakakatuwa kasi."
"Ano yan joke?"
"Hindi, tsaka wag ka na magalit. Ang tagal ko inintay to."
"Huh?"
"Oo, alam mo ba isa ka sa rason kung bakit ako bumalik?"
"Ano?"
"I like you too, Viv."
At yun na nga. Ito ang pinakamagandang scenario sa isang confession. Ang aminin din ng crush mo na gusto ka rin niya. At this point, naiisip ko lang na ang swerte ko naman at bakit ko pa inintay. Bakit pa kami nagsuffer ng medyo matagal kung pwede naman itanggal ang 'what if' sa relationship namin.
"Totoo?"
"Yes. Viv."
"So ano na tayo?"
"Friends parin, pero ngayon official na akong manliligaw mo. Ayoko naman kasi na biglaan tayo na. You don't deserve it at magpapaalam pa ako sa mga magulang mo. Syempre pinatira din nila ako dun."
"Pano sa parents mo?"
"Wag sila. Ayoko na mastress ka pa. Kay Jesse, kausapin natin sila. Pero parents ko? Wag nalang."
"Naiintindihan ko naman. Halika na?"
Ginuide niya ako papunta duon sa mga telescope sa gilid. "Tumingin ka. Maganda ang view.." Sabi niya at tumingin sakin. Tinignan ko siya at nagsmile.
"Bakit?" Ang tanong niya.
"Maganda ang view tapos sakin ka tumitingin?"
"Eh mas maganda ka eh."
Sparks nanaman. Kilig nanaman si ate girl.
"Sus, pero palagi kayo magkasama ni Ms. Valdez. Tss."
"Ows...."
"Anong ows?"
Tinip niya ang head niya at tumawa. "Selos ka naman?"
"Ha? Hindi noh. Sinasabi ko lang baka nag I like you ka sakin kasi napilitan ka lang."
"Anong napilitan?"
"Kasi ano.."
"Ano?"
"Wala."
Nagstaring contest kaming dalawa. Chinachallenge ang isa't isa na bumigay at umamin. Ganito ang gusto ko kay Vince. Kahit na palagi kaming nagkukulitan, ang saya parin. Napapasaya niya ako kahit chinachallenge niya ako, alam ko naman na joke joke lang yun, walang seryosohan. Kahit pa nag aalitan kami palaging nauuwi sa tawa.
"VINCE!"
At syempre, may sisira ng moment. Tumingin kami sa dumating, isang haggard na Ms. Valdez at Stacey. Lumapit si Ms. Valdez kay Vince at nagsmile. Hindi pa ata ako napupuna. Pero okay narin yun kesa naman na tignan pa niya ako. Kaya ayun, umalis ako ng palihim. Napansin ni Vince pero tumango siya. Naiintindihan niya naman na kelangan rin muna namin ilay low ang relationship. Lalo na assigned teacher siya habang wala pa yung teacher namin.
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomanceOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...