1 - How to Enjoy College

1.5K 31 1
                                    


Criiiiiiing!

Ang ingay naman nun hindi ba niya nakikita na busy ako!

Criiiiiiiing!

Aggh natamaan nanaman ako ni supremo. Nakitang kalaban ko pa ang isang malakas na bampira eh hindi makaintay. Ha! Naiwasan ko ang sipa niya. Oh ano ka ngayon supremo, ako naman ang ti...

Criiiiing!

Huh? Bakit bigla akong inaalok ni supremo kumain ng ice cream at kelan dumating si manong ice cream?

Bang!

"ICE CREAMM!" sigaw ko habang napatayo ako sa gulat.

"hahahahah, ate ano ka ba pinalo lang kita ng unan, ice cream agad?" Ang bungad ng nasa tabi ko. Ahh ang magaling kong kapatid pinalo nanaman ako ng unan sa mukha para magising.

"Aray naman Ranz! Diba sabi ko sayo pag gigisingin mo ako dapat hinay hinay lang, alam mo naman ang pinagdadaanan ko sa mga panaginip ko diba?" tanong ko habang tinititigan siyang maigi.

" Okay ate, sabe mo eh." Sabi niya sabay lakad paalis ng kwarto.

"Hoy hindi pa tayo tapos! Pinigilan mo ko iligtas ang mga inosente!" Ahh para lang akong sumigaw sa hangin at umalis na siya.

Okay, anong oras na ba? Tumingin ako sa orasan maliit, yung may bun sa ulo parang makaluma. Ayun, cute diba. HALA! 7AM NA?!?!

Dali dali akong bumangon sa kama at bumaba sa hainan. At nandun nga nakabungad ang aking pader at mudra kumakain ng agahan. Si Ranz naman ay nakabihis na at paalis na ng bahay.

"Ma! Pa! Bakit di niyo ko ginising?" Ang sigaw kong stressed na stress.

"At ikaw ranz, wag ka aalis dyan, intayin mo ko sabay na tayo pumasok!"

"Ate kaya mo yan. Madami naman uber dyan pwede ka na magbook. Basta ako ayoko malate. Sige na bbye!" Lumapit siya sabay tapik sa aking balikat. At nagkiss goodbye sa mga magulang namin sabay labas sa pintuan. Onting minuto pa ay narinig na ang tunog ng kotseng paalis.

"Nak, baka mapasukan ng langaw yang bunganga mo." tuya ni pa.

"pudra bakit niyo hinayaan si Ranz iwan ako?!"

"Anak, akala naman namin ng papa mo ay hindi ka papasok ng first day of school kasi kabadong kabado ka."

"Nay, yun nga plano ko pero nakita ko titser ko pala si Ms. Felix! Pag umabsent dun babagsakin niya agad!"

" kung ganun naman pala anak, bilisan mo na dahil 730 na, 8 man kaya pasok mo?"

"HA?!?!?" Dali dali akong tumakbo sa taas at pumasok sa aking kwarto. Okay, ano ba susuotin ko? Binuksan ko ang aking cabinet at naghanap sa bundok ng kaguluhan. Wag po ako husgahan. Palagi ako nagmamadali kaya walang time mag tupi nang damit.

Yas finally, pagkatapos ng isang dekada, nakita ko na rin ang button down skirt at plain red shirt ko. Ganyan muna susuotin ko. Kinuha ko na rin ang aking Parisian na bag at gladiator sandals at dali daling lumabas at bumaba.

"Okay na ma, hindi nako kakain, kukuha nalang ako ng normal taxi kasi wala na time mag uber!" Nagpaalam nako sa magulang ko at umalis ng bahay. Nakatira kami sa subdivision kaya kelangan pa munang lumabas bago makakuha ng taxi.

Naglalakad ako ngunit napakainit. Hay nako oo, pag talagang nagmamadali ka andyan lahat ng abala. Pawis na pawis nako wala paring tricycle na ligaw.

Sa wakas! Nakikita ko na ang ilaw sa labas ng tunnel. Joke, hindi. Sa labas lang ng subdivision. Pagkatapos ko pumara ng taxi ay tinext ko agad kay mama ang plate number. Alam mo naman ngayon, better safe than sorry.

Pagkatapos pa ng ilang minuto ay makikita mo na ang outline ng skwelahan. Nagaaral pala ako sa isang university guys, 4th year na sa kursong BS in business management. Yeheess, business talaga para bongga pag graduate. Actually gusto ko sana mag mass communication kaso baka manosebleed ako sa english kaya wag nalang.

"Andito na po tayo." Sabi ni manong driver.

"Salamat manong!" Binigay ko ang pera sakanya at lumabas na ng taxi. Ahh first day of school. Makikita ang mga estudyanteng excited makita muli ang mga friends nila..at isa nako dun.

Tinext ko si Stacey,
Asan ka?

At siyang reply naman niya:
Nasa classroom na, dali baka biglang dumating si ms. Felix, late ka na!!! Nagsave ako  seat btw.

Dali dali kong hinanap ang classroom, HALA charot. Minamalas ba ko. 12th floor?!?! Tae. Sino ba kasi ang nasa right mind nila at pinwesto ang classroom sa ganun kataas na building. Sagabal sa mga late!! Pagkatapos ko puntahan ito ay nakita ko ang haba ng pila sa elevator.

Hindiiii pwedeee.

Okay.

Stairs. Leg workout! Kaya ko to.

Nagsimula nakong akyatin ang bundok na nilaan sakin para ngayon. Step. Leg workout. Step. Victoria Secret Model. Step. Para hindi ako bumagsak.

Pagkatapos pa ng mga ilang minuto ay narating ko rin ang 12th floor ng basang basa sa pawis para bang basang sisiw. Dali dali naman akong pumasok sa claassroom namin.

Ngunit bumungad sakin ay ang mukha ni ms. Felix.

"ahh pumasok ka pa?" sabi niya sakin ng pagalit.

"pasensya na po mam, nagkaroon lang po  ng problema sa daan." sagot kong alibi.

"kung lahat ng estudyante ganyan ang problema, edi wala na grumaduate?" sinabi niya habang tinataas ang kanyang kilay.

Okay po mam. Chill. "hindi na po talaga mauulit mam."

Phew. Pinapasok niya na ko. Pagkatapos ng klase ay break namin ni Stacey, ang aking bff for life. Nagkita kami last year nung magkaklase kami sa math. Pareho kami nahihirapan kaya nagclick talaga kami. Sabi nga thicker bonds grow when you are faced with harsh times. Yes, harsh times talaga pag dating sa math.

"lezzgo beshy!" sabi ni Stacey at dinarag ang aking kamay papunta sa canteen.

" oh ano ganap?" sabi ko sakanya.

"wala naman, bakasyon bakasyon ganun lang."

"eh kamusta naman yung secret crush mo?" tanong ko sakanya. Matagal nako naiintriga sa secret crush niya at palagi niya hindi sinasabi saamin.

"Wala, may gusto siyang iba eh, sila na."

" ha?? Kelan pa?"

"last year lang." sabi niya habang biglang naging malungkot ang kanyang mukha.

"Di bale na beshy, madami pa dyan! Tutulungan kita." sabi ko sabay yakap sakanya. Matagal niya na gusto si mystery guy pero mukhang hindi nag work out. Hay. Puso nga naman.

"tingin ka sa likod mo." ang biglaang sabi ni Stacey.

"hmm, bakit?" ang tanong ko nang tumingin ako sa likod. Ay..gwapo. Papalapit samin ay ang matipunong boyfriend ko na si Jesse.

Ayyy, nagssmile na siya papunta dito. Ang cute cute lalo na pag nakikita mo ang dimples niya. Matangkad siya sa height na 6", brown hair, maputi, puppy eyes at killer smile ang makikita mo sa isang Jesse Hernandez.

Oo swerte talaga ako sakanya.

Pero minsan dumadapo sa aking isipan ang isang lalaking matagal ko na gustong kalimutan. 

Pero wag na muna isipin yun, college is college - para maenjoy mo kelangan mo iprioritize ang mga taong nasa harap mo, ang mga taong palaging andyan pag kelangan mo. At most importantly iprioritize ang future mo.

----------

Okaaay so tapos na ang first chapter. Sana nagustuhan niyo. First time ko magsulat ng Filipino book. Okay ba siya?

- Fris

✔ Ex - LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon