Unedited______________
"PICTURE!"
"Okay okay, eto na. Ayos na kayo!"
"Vince, usod ka ng onti. Oh ayan."
"Teka lang..MAIA DALI!"
"Ready na?"
"READY!!!"
"Okay, timer 5 seconds! Go!"
Click.
Magulo ngayon sa bahay dahil andito halos lahat ng tao. Ang pamilya ko, si Zion, Vince, Rayver, Reese, Maia and Jesse andito. Actually, kinabahan ako kay Jesse baka magalit kasi andito si Vince pero okay lang naman sakanya. Balewala na, parang nasanay na siya na palaging nakikita si Vince.
Although tinanong naman niya kung bakit andito si Vince. Sinabi ko na ang totoo na kasama siya sa banda at dahil masyadong demanding ang schedule niya, dito nalang siya natutulog. Surprisingly, okay naman sakanya. Feel ko narealize niya na we're really not meant to be. Sasabihin ko sakanya pag nagkaroon ng time. Ngayon kasi magulo pa ang mga tao.
Tumingin ako sa paligid, nagkakalokohan ang mga tao. Maingay at masaya - my kind of celebration. Parang nawala ang worries ng mga tao. Kami rin ni Vince, civil ngayon. Naguusap pero syempre with limitations. Hindi pa namin napapagusapan yung outburst ko nung isang araw. And yes, I plan to talk to him too.
"Viv." May kumalabit sakin, tumingin ako sa likod at nakita si Maia. Naka ngiti, tila'y may gustong sabihin pero nahihirapan siya. Mukha kasi siyang guilty.
"Maia! Hello, buti naman nakapunta ka" Ang bati ko sakanya. Magaan ang loob ko to be honest, mabait naman kasi siya, hindi niya ako tinrato ng masama, who am I to judge her quickly? Hindi naman porket ex ng boyfriend mo, masama na turing mo dun sa tao.
"Pwede ba tayo magusap?"
"Sure! San mo gusto?"
"Sa labas nalang maingay kasi dito." Ang sabi niya sabay bawi, "pero if gusto mo lang, kung ayaw mo okay lang dito." Naiilang niyang sinabi.
"Ano ka ba naman Maia, wag ka mailang sakin noh. Halika" Hinawakan ko ang kamay niya at sinamahan ko lumabas.
Tahimik pa ang gabi, mag te- 10 palang kasi kaya wala pang ingay. "Ano yun?" ang tanong ko sakanya.
"Sorry talaga dun sa nangyari, hindi ko alam na may girlfriend na si Jesse, wala naman sinabi ang mom niya saakin." Ang sabi niya.
"Oka.." Pinutol niya ang sasabihin ko. At nagsalita.
"Pasensya na talaga, I didn't mean to put a wedge on your relationship. Hinding hindi ko gagawin yun. It's just that there are times when I look at him na I remember all the good times we had. I loved him. I really did. And I think I still do. Pero never in my life na aahasin ko siya na may girlfriend siya."
"Then go for him" Ang sabi ko. Nagulat kaming dalawa pati ako nagulat. Hindi ko napagisipan ang mga lumalabas sa bibig ko.
"W-w-what?" Ang sabi niya, hindi parin makaget over sa sinabi ko.
"I saw him that day nung nakita ka niya. Ang nakita ko ay hindi lang kaibigan ngunit pagibig ng isang nawalay na girlfriend. Hindi din naman siya magrereact ng ganun kung talagang over na siya sayo."
"Pero kayo?" ang tanong niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at rineassure ang nababagabag niyang puso, "Napagisip isip ko Maia,hindi kami kasi mahal na mahal namin isa't isa kundi naging kami kasi we both loved the idea na may sasandalan ka. Nasaktan kami pareho and we wanted to find love again. Just give me time Maia, I'll straighten things out with us muna."
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomansaOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...