"Nope, ang chaka beshy!"
"Jack!"
"Baket? Hindi ba gusto natin magmukhang pilipinang nagaral sa Amerika?"
Hay nako Jack talaga. Nandito kami sa mall ngayon para bumili ng 'perfect' outfit sa pinaka iniiwasan kong araw. Hindi sa oa ako at ayaw ko makita ang mga magulang ni Jesse. Unang una ay hindi pa kami masyado matagal ni Jesse. Wala pang one year. Masyado pang maagang magpakilala sa parents. Pangalawa ay inuudyok ng parents niya ang ex niya na nagaaral sa Amerika, ano pa kaya ako? Simpleng tao lang.
"Hindi Jack, basta yung mukhang may aral, karespe respeto, ganern beshy." ang sagot ko kay Jack.
Normally ay si Stacey ang kasama ko pag may fashion troubles kasi magaling siya mamili ng damit ngunit last minute siya nagcancel masakit daw ang tsyan niya. Ewan ko ba dun sakanya, parang iniiwasan niya ako lately.
Pero wait. Back to the problem. Mamaya na ang dinner na ito. Oo, last minute preparations talaga kasi kagabi lang sinabi ni Jesse. Tsaka sa mga magulang niya kelangan palaging rush. Masyado kasi sila busy sa business nila kaya palaging out of town.
"Eto beshy?" inangat ni jack ang isang floral dress na may A-line skirt. Hmm, okay naman siya pero medyo mukhang tita dress. Yung nakakatanda.
"Hindi ba parang mukhang pang matanda yung dress?"
"ehm, beshy achieve naman ang pagiging mature, char. Hahaha oonga sige wag nalang to." Binalik niya ito sa stante at patuloy na naghanap.
Ako naman tumitingin sa kabilang banda ng store. Madaming damit dito pero alam mo na puro pang party. Yung tipong damit na pag sinuot ko sa dinner ay susunugin ako nung nanay niya. So no, kelangan namin humanap ng iba pa.
Pinuntahan ko si Jack na may ka flirt na lalaki. Kinalabit ko siya sabay taas sa aking kilay. Lumingon siya at nagsensyas ng kamay niya, wait lang daw.
Okay.
Ngayon ay nag eexchange na sila ng papel, number ata. Awow. Ang galing talaga mag damoves ni Jack. Lumapit siya sakin nang nakangiti.
"Vayvi! Ang cute niya noh!" sabi niya ng pabulong.
"pfft. Okay lang naman."
"hay nako ms. Kj ka talaga. Halika na lipat na tayo ng store."
Makalipas ang dalawang oras ay wala parin kaming nahahanap kaya pumunta muna kami sa kainan.
"Hay nako beshy paano ba naman tayo makakahanap eh napaka choosy mo sa damit."
"eh jack ano ka ba. Kinakabahan kaya ako. Lalo na may gustong iba yung mga magulang niya."
"bes, wag mo isipin ang iba. Basta mahal ka ng isang tao, yun ang pinakaimportante. Kaya halika na, maghanap na tayo ulit."
Pumunta kami sa forever21 at naghanap ng dress. Madami mapag pipilian dito kaya ito na yung last resort namin.
Habang naghahanap ay may napansin akong dress sa gitna ng mga pink colored na damit. Slightly lighter ang shade niya, closer to pale pink. Simple at plain na sleeveless dress tapos A line skirt sa baba. Not too short and revealing. Yung tipong balance lang sa pag ka formal at casual.
Eto na. Kinuha ko at tinuro kay Jack.
"wow! Necklace nalang ang kulang dyan! Maganda na yan." Excited niyang sinabi.
Pagkatapos namin mamili ay tinext ko si Jesse. Sinabi ko kasi sakanya kagabi na wag niya ako didistorbohin ngayon kasi kelangan ko magprepare.
To: Jesse
Tapos na! xx
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomanceOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...