"Ma! Nakita mo ba yung jacket ko na makapal? Yung may fur fur sa bandang leeg?" As usual, si Viv nagkakawalaan nanaman ang mga damit. Hindi ko nga alam kung bakit eh, wala naman paa yung mga damit ko."Eh ano ito?" sabi ni Ma, hawak hawak ang jacket na hinahanap ko.
"Wa! Ang galing talaga ng mudra ko oh. Isang tingin lang alam na kung saan yung gamit." Napangiti ako at yinakap si Mama. Alam ko naman kasi na sesermonan niya ako. Alam mo na pang pagaan ng luob, dapat lambingin.
"Oh sha sha, sa susunod gamitin ang mata sa paghahanap at wag puro bibig, ha?"
Ayan na nga. Sabi na nga ba eh. Ngumiti ako at yinakap ulit siya. Syempre hindi ko rin matiis na bolahin ng onti.
"Aanhin ko ang mga mata ko sa pag hahanap kung may mama naman ako na magaling?"
"Hay jusmiyo iha." Napailing nalang si mama.
"Syempre joke lang naman yun hehe. Next time maghahanap na akong mabuti. Siya nga pala ma, thank you ahh tinutulungan mo ako magempake.”
"Syempre naman, sino pa ba ang tutulong sayo? Nagaalala nga ako eh kasi hindi pa alam nang papa mo itong field trip. Baka hindi ka payagan, alam mo naman yun, overprotective."
"Kaya nga ma, nag eempake na tayo para pag paalam ko, zoon out na agad."
Napatawa si mama at sabay sabi "Loko ka talaga."
Inabot kami ng mga 30 minutes sa pag empake. Madali lang kasi onti lang naman damit dadalhin ko.
"Oh anak, itago muna natin to at baka makita pa ng papa mo eh magalit pa yun kasi nagempake ka na bago ka nagpaalam. Ako muna magoopen up sakanya mamaya ahh."
"Sige sige ma. Ilalagay ko muna to sa banyo ko tapos ilolock ko. Salamat mama. Tsaka nga pala, aalis muna ako. Magkikita kami ni Jack sa mall."
"Osige, kamustahin mo ako dun sa batang yun ahh, hindi na bumalik rito."
"Okay ma!" Ang sabi ko. Nagpaalam na ako at umalis sa bahay. Nagusap kami ni Jack nung isang araw na magkikita kami ngayon, nakwento ko kasi sakanya na medyo okay na kami ni Stacey. Actually di ko talaga alam pero magaan na ang feeling ko sakanya.
Nang makarating na ako sa venue na pupuntahan namin ay tinext ko siya na andito na ako. Siya namang reply niya na papunta na daw siya.
Umupo ako sa coffee shop at nagorder ng Vanilla latte. My favorite. Nagmumuni muni lang ako, nakatingin sa transparent glass ng makita ko na si Jack. Kinawayan ko para puntahan niya ako.
"Bes!"
"Uy chaka ni ate girl, nakaorder na siya oh. Wait lang ah order lang ako."
Pagkatapos niya magorder ay umupo na siya at nginitian ako. "So? Ano na balita?"
"Well, ganun parin hindi parin bumalik yung dati na sobra close perooo.."
"pero?"
"Okay na kami. Magaan na ang loob ko sakanya. Kumbaga no hard feelings na."
"Buti naman beshy noh. Nakaka awkward kaya kayo. Naguusap na kami ngayon eh. Nakwento ko si boyfie pero okay naman ang flow ng paguusap namin. Wala naman echos echos na irapan o ano."
"Feel ko kasi beshy, move on na ata siya kay Jesse. Si jesse kasi may girl na bago and I feel naman na mahal nila isa't isa. Pag ganun kasi bes, nakakaguilty ipaghiwalay kahit na mahal mo yung tao."
"Alam mk sa tingin ko Viv ah, hindi talaga maganda, pwera may pagmamahalan dyan na nagaganap o wala, pag nasa relationship na, mali talaga ipaghiwalay."
"Welll..totoo naman yun. Pero alam mo para saakin okay na yun, finish na ang issyu. Wala narin naman kami ni Jesse tsaka past is past noh."
"Eh ikaw over ka na kay Jesse?"
"Alam mo bes, ngayon na napagisip isip ko, yung relationship namin ni Jesse ay isang malaking bolahan. Hindi lang namin inaamin sa isa't isa pero may mahal kaming iba."
"Yun nga pala. About time na magopen up ka na saakin noh. Sino ba yun?"
"Wag muna ngayon bes. Ayaw ko kasi i-jinx eh. Nasa friendship stage pa kasi kami. Mahirap naman na unahan ko isigaw sa mundo na crush ko siya. Ayaw ko naman yun."
"Charot lang beshy. Pero I respect you. Mukhang seryoso ko talaga sakaya."
"Naman bes. Ikwento ko nalang sayo in the future."
---------
Natapos na kami mag heart to heart at magcatch up ni Jack. As usual pag kasama ko siya nawawala ang mga problema ko tsaka I feel lighter. Syempre may mapapagsabihan ng sama ng loob.
Pero meron parin akong problema at hindi ito tungkol sa love kundi sa aking pudra. Strikto kasi siya lalo na sa mga field trip na overnight. Or overnight talaga. Palaging sabi niya na babae kasi kaya mahirap. Totoo din naman pero alam mo yun syempre gusto ko parin makapunta sa mga ganun for bonding and experience.
Kaya naman buong way ko pabalik ay parang nangangatog ngatog ako sa kaba magpaalam. Inunahan ko rin kas siya na nagempake na pero ganun talaga ninja moves eh. Tsaka ipapaalam naman ni mama ng una so I'm crossing my fingers. France ito noh.
Pagpasok ko sa bahay ay naghahanda na si mama ng pagkain at nakaupo na si papa, ranz at si Zion. Mia si Vince pero hindi ko na tinanong kung asan siya baka naman busy..or may kadate?
Hay nako, Viv. Eto nanaman tayo. Focus! Priority mo ang field trip, wag muna si Vince.
Clearing my throat, nag game face on na ako.
"Heller peopleee." Ang bati ko sakanila.
"O masaya ka ata." Sabi ni mama.
"Syempre naman ma, maganda kaya ang panahon ngayon. Very safe ang mga lugar, perfect for travelling." Tumingin ako kay mama, para isignal na iopen up niya na ang field trip ko. Pero tinawanan niya lang.
Huh?
"Perfect for travelling sa France ba?" tanong ni papa.
Lumaki ang mata ko at tumingin pabalik balik kay ma at pa. O-kay? Umupo ako sa table at inintay ang sermon ni papa.
Mga ilang minuto pa ay nabagot na ako kasi hindi dumating ang iniintay ko.
Weird.
Tumawa ako ng pilit sabay sabi, "so pwede ba ako pumunta papa?"
"Oo naman." Sabi niya. Binaba niya ang binabasa niyang newspaper at tumingin saakin, "kampante na ako magiging safe ka dun."
Huh? Wow. First time ata ito. "Pa, okay ka lang? Nakainom ka ba?"
Natawa siya nang lubusan na siya namang kinulot ng noo ko. Hala, ano nangyare?
"Ano ba namang tanong yan anak?" Ang sabi niya saakin.
By now, tumatawa na silang lahat. Nakitawa ako ng onti syempre para makiramay pero hindi ko talaga alam kung ano nangyayari.
"Okay na anak, may kasama ka naman."
Huh?
"Kasama??"
"Oo, ako." Ang biglang bungad ng boses ni Vince.
Lumaki mata ko at tumingin sa likod, "Ha??"
"Teachers and students Viv kasama." Ang sabi niya na parang nageexplain sa bata.
Napanganga ako at natulala, kasama si Vince sa France?!
"Viv sara mo bibig mo at baka mapasukan ng langaw yan." Ang sabi ni Zion.
Oh my gosh.
------
Next update: May 26,2018
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomanceOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...