Alam mo yung feeling na naiinis ka pero kelangan mong magsmile. Yung tipong malapit ka na umiyak sa sobrang sakit nang nararamdaman mo?
Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Vince o di naman kaya manhid lang siya pero simula nang makaupo kami dito sa hainan hanggang maubos nalang ang kinain ay nakafocus lang siya kay Mitzie. Para bang may iba silang mundo. Iba ang usapan dito pero hindi sila nakikisama.
"Desseeeert!" Ang sabi ni mama.
"Salamat po tita." Ang sabi ni Mitzie.
Tita?
Tita?! Kelan pa naging tita ang nanay ko sakanya.
"Okay ka lang?" Ang bulong sakin ni Rayver.
Tumingin ako sakanya at nakitang nakakunot ang brows niya para bang nagaalala saakin.
"Oo naman" Ang sabi ko sakanya. "Pero alam mo ayoko kasi ng dessert."
Tumayo ako at pinuntahan si mama sa kitchen at nakitang nagpprepare siya ng halo-halo. Bago pa niya malagyan ang huling cup ay kinuha ko na ito.
"Oh anak? Bakit?"
"Ay, ma. May gagawin pa pala ako."
"Ha? Ano gagawin mo, sunday kaya?"
"Oo, meron lang ako pupuntahan ahh. Hindi naman ako magtatagal. Sige na ma, tuloy niyo lang dessert." Kiniss ko siya sa cheek. "Bye ma!"
Bago ko pa marinig yung response niya ay umalis nako. Tumingin sila sakin at syempre medyo nahiya naman ako umalis agad.
"Umm, may gagawin pa kasi ako. Aalis lang ako saglit..."
"Aalis?" Ang tanong ni Papa.
"Oo, alam na ni Ma. Okay sige bye!" Ang sabi ko nang madalian. Nang paalis na ako ay nagulat ako kay Rayver.
"Ay oonga, naalala ko. Viv di mo naman sinabi na pupuntahan mo yung ano, sasama rin ako. Sige po salamat sa pagkain." Ang sabi niya
Sabay mano kay papa.Huh? Pupuntahan ang alin?
Nakatunganga lang ako sakanya nagtataka kung ano ang pinagsasabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at ginuide ako palabas ng bahay at nagstop kami sa motorcycle niya.
"M-m-motor?"
"Uh-huh. Wag ka magalala Viv, magaling ako magmaneho ng motor. Nag rarace kaya ako minsan no. Tsaka may helmet dito."
Tumingin ako sa pinto ng bahay namin, half expecting na sana lumabas si Vince at suyuin ako. Pero hindi naman ito fairytale, hindi to teleserye na mageeffort ang guy ng ganun.
"Okay sige. At san naman tayo pupunta?"
"It's a surprise."
Once lang naman ako maging risk-taker. Sige itodo mo na.
"Okay."
Nag smile siya at sumakay sa motor na siya namang sinundan ko. Kumapit ako sa bewang niya nang mahigpit at inandar niya na ito.
Oo, inaamin ko natakot talaga ako nung una. Baka mahulog ako o kaya naman baka mabangga kami. Pero ang masaya ay dinaan niya kami sa high way. Mahangin at wala masyadong sasakyan. Hindi siya makukumpara sa hangin sa probinsya pero okay na rin. Kahit polluted, nakakarelax parin naman.
Nagpapasalamat ako kay Rayver dahil kahit onting panahon lang ay naglighten naman yung mood ko. Nagstop kami sa isang diner. Secluded siya yung tipong puro untouched land ang nakapalibot in the middle of the road.
"Asan tayo?"
"My safe haven." Ang sabi niya mysteriously.
Bumaba ako una at nagstretch. Ang sarap ng hangin dito. Nasa probinsya ata kami, halos wala kasing tao. Wait..... Parang nakita ko na tong scenario na to ahh.
Sa horror movie.
Unti unti akong lumingon sakanya.
"Um....hindi mo naman ako balak patayin diba?"
Tumingin siya sakin, natigilan ilabas ang helmet, at tumawa. Palakas ng palakas hanggang kinakapitan niya na ang tuhod niya sa kakatawa.
Okay.
"Anong nakakatawa?"
"Wala wala. Natutuwa lang ako sa hula mo. Anyway, para hindi ka na kabahan...hindi po, kakain lang tayo."
Dumiretsyo siya sa diner at sumunod ako. Napaka quaint at relaxing sa loob. Onti lang tao pero hindi siya yung tipong matatakot ka kasi secluded siya na lugar. Hindi, ang mafefeel mo dito ay peace and serenity. Sobrang calming sa utak.
"Oh, rayver!" Sigaw ng isang matandang babae behind the counter. "Napadaan ka ata."
Lumabas siya at bumati. Nagmano po naman si Rayver bilang respeto sa kanya. Mga onting minuto pa ay napansin niya na yung presensya. Isa, dalawa, tatlong mahahabang sigundo ang itinitig niya sakin hanggang napangiti siya ng buo.
"Wo - ho - hoow! Rayver hindi mo naman sinasabi na may girlfriend ka na pala!"
"h - h - haaaa?? Hindi po!" Nauutal na sinabi ni Rayver.
Wow. First time ko narinig si Rayver na flustered, normally kasi calm and collected lang siya. Nagmamatyag ng sitwasyon bago mag rereact. Pero to be honest, I like this side of Rayver. Para kasing real siya eh, no holds barreled feelings ang pinapakita niya.
"Friends lang po kami." ang sabi ko para naman hindi na nila asarin sa Rayver tsaka yun din naman ang totoo.
Tumingin siya sakin ngunit parang hindi parin naniniwala. Nagsmile siya at nagpakilala, "Ako nga pala si Mildred. Inaanak ko yang sila Reese at Rayver. Tinignan niya si Rayver ng buong pagmamahal.
Aww, sweet naman.
Nagmano po ako sakanya at nagpakilama rin, "Ako po si Viv. Kaibigan lang po ni Rayver. Kaibigan po." Kinlaro ko pa ulit para maintindihan niya na hindi talaga ako girlfriend ni Rayver.
Ngumiti siya sakin at sinabing, " Oh sha sha, halika upo kayo. Malayo layo pa ang binyahe niyo o."
Pinaupo niya kami sa pinakadulo at iniwan kaming dalawa ni Rayver.
"Umm, ano ginagawa natin dito?" Ang tanong ko.
"de-stressing."
"May ganun?"
"Oo, lalo na pag palagi ka nalang nakasimangot..o kaya naman nagseselos."
Selos? Alam niya?!
"Halata naman eh."
"H-huuh? Wala naman ako sinasabi?"
"Madali ka kaya basahin."
Totoo ba? Ibig sabihin alam din ni Vince na nagseselos ako? Pero ano? Wala siya ginagawa?
"Uhh, hindi naman sa ganun..."
"Wag ka na magexplain. Dinala kita dito para magenjoy. Masarap ang food at para magrelax. Kaya nga tignan mo na yang menu at magorder na tayo." Tinuro niya ang menu sa harap ko at finlip ang pahina. "Tip lang, masarap ang tapsilog nila dito."
"Okay, sige po ate isang tapsilog tsaka..." tumingin ako sa menu at naghanap nang iba, madami silang pagkain kaya sayang naman kung isa lang orderin ko. Tsaka 'destressing' nga ito. "isang bacsilog rin."
"Ako rin." ang sabi ni Rayver.
At yun nga ang hapong nagkaroon ako ng bagong kaibigan. Kaibigan na hindi ka ippressure kung ano ang nasa isip mo, ano ang problema mo. Nagstay pa kami dun ng mga hanggang 8pm, nagkkwentuhan sa childhood days namin. Ni isang salita tungkol kay Vince ay wala ako narinig.
Very refreshing nga eh. Nakalimutan ko na ang blessed ko pala kasi may tao na nageffort para pasayahin lang ako.
Pero syempre moment lang yun. Hindi naman forever light and easy ang mood. Kasi naghihintay sakin pag uwi ko ay isanh fuming na Vince. Nakaupo sa kama ko at nagtatampo.
"San ka nanggaling?" Ang bungad niya.
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomanceOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...