18 - How to Let Go - Part 1

346 13 8
                                    

Unedited

-------

Pat. Swish. Pat. Swish. Pat. Swish.

Tunog lang ng pag takbo at mahinang music ang naririnig ko ngayon. Sinigurado kong magising nang maaga para makapag isip isip sa mga bagay bagay. Narealize ko kahapon na I need to straighten out my life before matapos ang New Year. Dapat mamaya ay may sagot nako sa pinoproblema ko.

Should I let go of Jesse or Vince? or maybe both?

Talagang plan ko na maayos ang lahat mamaya. Naka ilang rounds pa at napagod na ako sa kakatakbo. Tahimik ang village namin ngayon. Parang calm before the celebration mamaya. Lahat nag peprepare sa kani kanilang bahay o kaya naman ay nagiisip isip rin. Ako klaro na ang isipan ko. Hindi ko kayang itali si Jesse sa isang relationship na mukha naming hindi ako handa. Siya din naman, nakikita kong may unfinished business pa sila ni Maia. Kami naman ni Vince hindi ko alam. Pero talagang goal ko ang makausap siya nang masinsinan, closure kumbaga para magkaroon kami nang fresh start.

Tumingin ako sa taas at nakitang kusa na pala akong naglakad papuntang bahay. Tahimik at tila'y walang katao tao. Sila mama at papa, natutulog pa. Sinasavor ang kanilang time out of work. Sweet moments na bihira makamit lalo na't busy sila palagi. Sila Zion naman, missing in action, baka nagrerehearse nanaman. Big break kasi nila yung gaganaping concert dito kaya todo kayod. Si Ranz, as usual, kasama ang barkada. Ako naman kaya? Ano agenda for today?

Normally before New Year nag gget together kami ni Stacey, pero for sure hindi naman mangyayari yun. Pumunta ko sa kwarto ko at chineck ang phone. No missed calls and no text. Hindi parin kami naguusap ni Jesse since iniwan niya ako dun sa bahay niya. Tinext ko si Jack,

To: Jack

Jack! pre celebration luuuuunch!

ping.

From: Jack

Yes babe! may kwento ako sayo, it's about time I open up. Lezzgo g na ngayon, kahit breakfast to lunch pre celebration.

To: Jack

okay! Sa usual?

ping.

From: Jack

yepp coffee na dis!

Usual namin na hang out ang Starbucks coffee malapit sa school, dun kami nag uunwind at nagkkwentuhan lalo na pag may gusto kami iopen up. Nagshower ako at nagbihis ng very casual and comfortable clothes, alam mo na, jeans and over sized t-shirt. Syempre comfort over fashion ang beshy mo. Lumabas ako at nagbook nang Uber. Ewan ko ba, yung panahon ngayon parang ang pangit magcommute. Makulimlim kasi na parang uulan para bang umiiyak ang ulap.

Mga 30 minutes ang inabot nang travel time ko. Medyo traffic pero keri lang. Lumabas ako at naaninag na andun na si Jack, nakaupo sa may window. Ganun kasi kami pag naguusap may drama effect na lilingon kunware sa labas mala music video parang charot lang.

"Jack!" Bati ko sakanya. Tumayo siya at nagsmile sabay hug saakin.

"Beshy kamusta ka na? Miss you huhu." Ang sabi niya. Umupo na kami pareho, nagulat ako ng may inorder na siya na drinks. Actually hindi yun ikinagulag ko kasi minsan, nag sasalitan kami sa pagorder. Nagulat ako kasi imbes na dalawa, tatlo ang inorder niya.

"May bisita ba tayo?"

"Ay teh, sayo ang Starbucks? Bisita talaga?"

"Shunga, I mean, are we expecting someone?" sabi ko na may fake british accent.

"Not for tea, honey." Ang sagot naman niya na may fake british accent din. "Oo meron ako iniintay ngayon."

"Sino?"

"Hulaan mo." Awow pinahula niya pa talaga ako. Hmmm,

"Don't tell me, bati na kayo ni Stacey?" Sana. Ayoko na kasi pumasok ang bagong taon na may kaaway.

"psh, bes, as if! Parinig kaya siya nang parinig sa twitter. Ewan ko dun. Hindi, yung kadate ko." Ang sabi niya. Sabagay blooming si Jack, mukhang happy in love.

"Sino? Kilala ko?"

"Speaking of which, ayan na siya."

Tumingin ako sa likod at nakita si....jace?!

"SI JACE?! AS IN EX BF JACE???" Ang tanong ko.

"Shhh! Bes naman, announce to the world?!" ang sabi niya saakin habang tinatakpan ang bibig ko nang kamay niya.

Umupo si Jace sa tabi niya at nagsmile saakin. Huh no. Sinaktan niya kaya si Jack. Tinitigan ko siya ng masama. Syempre as Jack's Best friend hindi kaya ako magpapaloko agad noh.

" Hi Viv, ang init nang pagtanggap saakin ah." Ang sabi ni Jace.

"Kasing init ng impyernong mapupuntahan mo pag sinaktan mo ulit si jack." Ang sabi ko habang naka cross ang arms ko.

"Viv, c'mon, hear us out." Ang sabi ni Jack.

Huminga ako nang malalim at tumingin nang maigi kay Jack. "I'm trying pero pag nakikita ko siya naalala ko yung months na depressed ka before ka naka move on."

"Aww Viv, alam ko na hindi naging madali ang breakup namin nuon pero it's different now." Calmadong tugon ni Jack

"How different?" Tanong ko.

"Mas matured na kami to accept our flaws, differences and shortcomings" ang sabi ni Jack. "Nung time na nagbreak up kami, nawalan kami ng communication. Nagkaroon nang break down and sa relationships that's a no-no. Dapat constant understanding yan sa isa't isa." Ang explain saakin ni Jack.

Nagtinginan sila ni Jace, and all I can see is pure love para bang tingin palang nagkakaintindihan na sila.

"and I will make up big time sa mga nagawa ko nuon," ang sabi ni Jace habang nakatingin siya kay Jack.

"Ano ka ba,clean slate remember?" Ang sagot niya kay Jack. Nagtinginan sila nang ilan pang seconds at tumingin na saakin si Jack.

"At ikaw Viv, nakikita ko na may love problem ka. Nararamdaman ko rin yun. You know, all you have to do is erase the bad thoughts o kung ano mang negative na nagawa niya just for the time being, then listen. Listen to what he has to say. Pag natapos niya na sabihin ang gusto niya sabihin, that's when you judge.

Some people deserve the second chance Viv."

Some people deserve the second chance.

----

Hi guys! An update. Sorry sobrang late 😢 sobrang hectic talaga sa work. Try ko mag update often. Thank you din pala sa mga nagbabasa!

Btw, if may time kayo, stay connected with me 😊
Say hi if you want!

Twitter: http://www.twitter.com/frstnc
Instagram: http://www.instagram.com/frstnc

✔ Ex - LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon