5 - How to Get Over a Horrible Dinner?

579 21 1
                                    


"Ahh nagaaral ka pa..." tumingin siya sakin ng maigi at linagay ang kamay sa table. "Magkatotohanan tayo, ano gusto mo sa anak ko? Pera? Stability? Status?" Sinabi ni Mrs. Hernandez sabay ngumiti ng parang demonyita. Yung tipong akala niya na nakakatulong siya saakin at tamang tama ang hula niya.

Ngayon lang ako nabastos ng ganito.

Napatahimik ako dun at ang kamay ko paunti unti nang hinahawakan ang baso para ibuhos sa kanyang mamahaling mukha. Kanina pa niya ineemphasize ang estado ko kumpara sakanila.

"MA! TAMA NA!" Sigaw ni Jesse.

"What, I'm just being frank." ang sabi niya na para bang walang mali sa nabanggit niya.

"Son, gusto namin ang makakabuti sayo.." sabat ni Mr. Hernandez. "Maia still loves you. Nakita namin siya sa Japan last weekend nagbabakasyon, babalik na siya sa pinas anak. Hindi ba nag break kayo kasi kelangan niya magaral sa abroad? Ito na yung chance mo ulit."

Ouch. Nakalimutan ata nila na andito pa ako.

"Ma, Pa, you know nothing about me. I loved Maia. Past tense. Tapos na yun. Ngayon, pls respect my decision. Girlfriend ko si Viv..." Pagtanggol niya sakin. Hinawakan niya kamay ko at tumingin saking mata, "I love her."

Clanksh!!!

Hindi ko alam kung saan ako mas magugulat, sa tunog o kay Jesse. Kahit palagi na siya nagsasabi sakin, this is the first time na sinabi niya ito with conviction.

Nabitawan ni Mrs. Hernandez ang baso niya at hinawakan ang kanyang ulo. "Anak, confused ka lang. Pinapasakit mo ulo ng mga magulang mo. Hindi mo ba nakikita?! Wala silang negosyo, walang pagkikitaan ng malaki. Eh ikaw? Pagkatapos mo sa pagaaral ay nasa taas ka na agad. Hindi ba halata na pineperahan ka lang niyan?" Tumingin siya saakin ng matalas.

Ni minsan at kahit kanino ay hinding hindi ako magpapa api ng ganito. 

Tumayo ako sa aking upuan at sinabi "With all due respect Ma'am, Sir, hindi po ako nandito dahil gusto ko. Pero bilang respeto sainyo at kay Jesse kaya po ako pumunta. Hindi ko rin naman hinahangad ang malaking pera. Simpleng buhay lang okay na ako. At kung sana nung umpisa nakinig kayo samin edi sana nalaman niyo na hindi po ako ang lumapit kay Jesse. Ganumpaman, ang laki ng respeto ko sa inyo kanina bago niyo binuksan ang bibig niyo dahil napalaki niyo ng maayos si Jesse. Kaso hindi pala, grabe kayo manghusga. Nakakapagtaka at may anak kayong mabait..."

Slap.

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa sampal na binigay sakin ni Mrs. Hernandez. Inangat ko ang kanang kamay sa pisngi ko. Hindi ko akalaing isang stranger ang unang makakasampal saakin. 

"MA!" Nagulat na sigaw ni Jesse. Wala atang nag eexpect na sasampalin ako ni Mrs. Hernandez dahil pati dad ni Jesse ay nagulat.

"You have no right, NO RIGHT to judge us as parents. Outsider ka dito. Know your place!" Ang pagalit na sabi ni Mrs. Hernandez. 

"No MA! YOU HAVE NO RIGHT to say all those things to Viv. Wala ka alam. Pwede ba, you should've minded your own business. Sana nagtravel nalang kayo ulit, like you usually do. Wag yung biglaang gusto niyo malaman kung ano nangyayari sa buhay ko. Kaya nga umalis si Kuya, maybe he saw the REAL you!" Galit na sabi ni Jesse. Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas at papunta sa kotse niya. 

Binuksan niya ang pinto ng kotse, "Viv, let's go." 

Disaster dinner. 

Hindi ko alam na ganito pala ka intense ang mangyayari. Kanina naman okay pa sila. Binuksan ang pinto at ginreet kami agad ng mga magulang niya. Makikita mo na talagang magara ang bahay. Mala spanish mansion ang dating at may garden pa sila sa labas. Two story building ang bahay nila. 

Hindi ako overdressed, normal lang kasi formal din naman ang dinner. Hinandaan kami with full meal course; soup, appetizer mga ganun. Pero yun nga hindi umabot sa dessert kasi nagkaroon ng fall out. Nagsimula yung full blown away nung nagtanong si Jesse sa kanilang work appointment sa Japan. Bigla nalang na mention si Maia. Ex girlfriend at kababata ni Jesse. Nagaral ng ballet sa NYC at nagbakasyon sa Japan. Dun nako talagang linait lait ni Mrs Hernandez dahil din sinabi ni Jesse na ayaw na niya kay Maia. Meron pang parte na kahit may girlfriend na si Jesse, inaasahan parin ng mga magulang niya na magkabalikan sila ni Maia. 

Masakit pero ganun talaga. Ang mga bagay na maganda ay meron paring mga distractions. 

"Andito na tayo." Tahimik na sabi ni Jesse. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang bahay ko. Parang ang bilis pala ng byahe. 

Tumingin ako kay Jesse at biglang naisip ang nararamdaman niya. Hinawakan ko ang kamay niya at sinabing "Okay lang yan, deadma nalang. Alam naman natin na hindi totoo ang mga sinabi ng mom mo.  Hindi din naman natin maiiwasan na ganun sila. Syempre tama naman sila malaki kayo sa business world. Pero para saakin alam kong hindi naman ganun ang intensyon ko wala ako masamang balak, kaya para saakin balewala lang."

Pag alam mong tama ka at wala kang ginagawang masama, deadma lang sa mga nagdodown sayo. 

"Sorry talaga, nakakahiya kasi alam mo yun, ako ang namilit sayo na pumunta tapos ganito lang pala." 

"Ano ka ba! Pag pinipilit kita magkaraoke kahit sintunado ka okay lang din naman sayo. Sus okay lang yun. Oh sha sha, sinisilip na tayo ni nay. Goodnight!"

"Goodnight! and promise babawi ako." Pangako ni Jesse. 

Inintay ko siya makaalis bago pumasok ng bahay. Sinalubong ako ni ma at pa para bang nanghihingi ng details.

"Wala balita parentals. Napagod ako tulog nako. Goodnight." Nag kiss ako goodnight at umakyat na ng kwarto. Humiga ako agad at nag amok. Syempre kahit deadma naman masakit parin yung mga nabanggit nila. Nasa malayo ang isip ko ng hindi ko namalayan ay nakatulog nako. 

Kinabukasan

"Nak!" Sigaw ni ma.

"Yes ma?"

"Bilhan mo ako sinigang mix at talong sa grocery. Wala na pala tayo hindi ko namalayan." Malapit lang ang grocery saamin. Mga 20 mins walk o 10 mins jeep kaya saakin okay lang. Madami din naman ako kelangan bilhin na grocery, a.k.a. Cheetos/es...hmm meron bang plural nun. 

Ewan basta.

Kinuha ko ang wallet ko at nagbihis ng maong shorts at plain shirt. Simple lang.

"Sige ma! alis nako ahh." Nagpaalam ako at nagcommute papuntang grocery. Wala naman traffic kaya less than 10 minutes ay nakarating na ako. Swerte kami kasi nakatira kami malapit dito. Ito yung tipong lugar kung saan ay madami ka mapipilian. Yung tipong pinupuntahan talaga ng mga tao kahit malayo sila para lang makapag grocery. 

Pumasok ako at kumuha ng mini cart para sa mga bibilhin. hmm, sinigang mix. check. Talong. check. Susunod naman ang para sakin, CHEETOS! yes. Pumunta ako sa aisle ng mga junk foods na kasing column din ng mga alcoholic drinks at soft drinks. Naghahanap ako ng makakain pa ng may napansin ako. 

Isang lalaki.

Medyo malayo siya pero kita naman ang kanyang tindig at porma. Naka blue maong jeans siya, boat shoes at polo shirt. Medyo malaki ang katawan, may sexy muscles na bakat na bakat sa kanyang polo shirt. Buhok niya ay naka cleancut. Yung parang ceo vibe ang pinapalabas niya. Pero ang pinaka napansin ko sa lahat ay ang mukhang lower half ng tiger na nakasilip sa sleeves ng polo shirt niya.

Vince.


✔ Ex - LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon