"Okay, okay, gets ko na. So basically kelangan ko ito ilagay dito para magmatch sila?" Tanong ko kay Vince.
Pagkatapos namin kumain, dumiretsyo na kami agad sa sala para mag tutor session sa reporting ko. Ako nagsuggest ng location kasi hindi ko kaya sa kwarto noh sobrang cramped up ng space. Nagpapasalamat pa nga ako na nag shirt na siya eh. Hindi ata ako makakaaral ng mabuti kung shirtless parin siya. Ngayon pa nga lang medyo nahihirapan na ako magconcentrate. Pero atleast matatapos na kami. Mga two hours bago ko nagets, nakakahiya pero ganun talaga, kulang kulang ako pagdating sa math."Tapos na?" Tanong niya sabay silip sa worksheet ko na ginawa niya para saakin. Habang nagiintay siya tapusin ko sagutin ang equation, nagtetext lang siya sa cellphone. Sino kaya ang katext niya? May girlfriend na kaya siya?
"Viv?" Lumapit siya at pinitik ang kamay sa harap ng mukha ko.
"Huh?"
"Andyan ka pa ba? Parang natutulog ka na atang bukas ang mata." Tuya niya.
"Hala hindi noh, sobrang attentive ko nga eh."
"Sige nga, ano sabi ko?" Nagsmirk siya.
"Basta yun na yun. Naintindihan ko na siya. Promise. Thank you ah. Pwede ko na gawin yung report ko." Kinumbinsi ko siya na okay na to para bitawan niya lang ang pang asar saakin. Medyo gets ko nanaman. Pwede na siya gawan ng powerpoint, tsaka kelangan ko narin gumawa late na, maaga pa ako bukas. Come to think of it, sobrang focused namin kanina, hindi na kami ginulo nila pa at ma. Maski si Ranz hindi na rin bumati. Phew. For sure aasarin nanaman nila ako after nito.
"Anyway Vince, gawin ko na powerpoint ko sa kwarto. Thank you ahh. Sobrang thank you." Ang sabi ko sakanya habang liniligpit ang mga kalat naming papel.
Tinulungan niya ako at nang matapos na ay tumayo na ako para umalis pero may pumigil saakin. Hinawakan niya ang kamay ko para tumingin ako sakanya.
"Ano yun?" tanong ko.
"Pag may kelangan ka, nasa kabilang kwarto lang ako ahh. Wag kang mahihiyang magtanong." ang sabi niya. Binitawan niya ang kamay ko at umalis, umakyat papunta siguro sa kwarto niya.
Wow. Isang salita niya lang titibok tibok na agad ang puso ko. Tsaka talaga ba Vince, "wag kang mahihiyang magtanong?" ano ka Ritemed? Kinilig naman si ate mong girl.
Kinuha ko na lahat ng gamit ko at umakyat narin sa kwarto. Okay let's do this!
------
6am na ako natapos sa powepoint kasi syempre may breaks habang gumagawa kaya ayun all nighter tuloy. Pero okay lang atleast natapos ko na rin tsaka sure ako na kung hindi perfect, medyo mataas score ko. Hindi ko narin ginulo si Vince, ang laki na ng natulong niya sakin tsaka siya pa mag ggrade, baka maging bias naman kung ganun.
Anyway, nagprepare na ako for school at lumabas ng kwarto. Andun na silang lahat sa breakfast table, except the bandmates. Wala din si Vince. Baka may rehearsal sila ngayon, medyo malapit narin ang performance nila. 2 weeks nalang kaya hectic talaga ang schedule.
"Goodmorning!" Ang bati ko sa pamilya ko. Bread, egg and bacon ang breakfast today. Okay rin para hindi ako magtagal sa pagkain.
"Goodmorning anak, mukhang energized ka sa school ngayon ah?" Tanong ni Mudra.
"Hay nako ma, kung alam mo lang. Wala kaya akong tulog noh kasi si.."
"Sino?" Sabat ni Vince.
"AHH!" Nagulat ako at nabitawan ang bag ko. Lumingon ako sa likod, andyan pala si Vince. Akala ko umalis na sila parang tahimik kasi sa taas. Hindi sa nagbabantay ako ah.
"Sino yung sinasabi mo?" Ang tanong niya ulit.
"Wala wala, ang sasabihin ko, excited ako sa school kasi magrereporting ako." Sabi ko na nakangiting aso.
"Hahaha edi maganda. Next time pag may pareport ulit, ikaw ang pipiliin ko." Lumapit siya sa mesa at umupo. Kumuha ng mga pagkain at nagsimulang mag breakfast.
Talaga to si Vince, hindi papalampasin ang araw ng hindi ako linoloko. Kinuha ko ang bag ko sa sahig, lumapit sa mesa at dumampot nang tinapay. Tumingin ako sakanila at nakitang pabalik balik ang tingin nila saamin ni Vince.
"Ma, Pa, Ranz! Ano ginagawa niyo?" Ang sabi ko. Si Vince kasi parang walang pakialam eh. Diretsyo kain parin.
"Wala wala." Ang sabi ni Mama ng nakangiti. habang si Papa at Ranz ay tuloy parin pabalik balik ang tingin. Bahala na nga sila. Hinug ko ang mga magulang ko at nagpaalam nang pumuntang school. The earlier the better. Feel ko lang talaga maging maaga ngayon.
Pagpasok ko sa school, wala pa masyado tao. First subject ko homeroom, dito kasi sa school namin kahit college na pinapagather muna kaming mga magkaklase bago magdidisperse sa kani kanilang mg subjects. Kaya ayun homeroom muna. Wala pa masyadong tao sa class room, ako palang tsaka yung iba na early birds na talaga. Ginreet ko sila at umupo sa pwesto ko, kinabit ang earphones at natulog.
Ahh, well earned rest.
"Huy gising!"
Nagulantang ako, hindi sa sigaw people, sa pagsipa ng upuan ko.
"Huh" Ang sabi kong bangag galing sa tulog. Tumingin ako sa paligid at madaming tao na. Pumikit ako at pinalo palo ng dahan dahan ang pisngi, pang pagising. Nang medyo okay na ako, tinignan ko yung nang gising sakin - as usual, si Stacey.
"Bakit?" Mataray na sinabi ko. Naiinis talaga ako pag may nanggigising saakin eh. Hindi kasi ako morning person, o kaya naman sobrang cheery lalo na pag kakagising lang.
"Pasalamat ka sakin, pumasok na si Ms. Lumabas lang para kunin ang field trip form, magagalit nanaman yun pag nakita kang tulog." Sinabi niya sabay upo sa vacant chair sa tabi ko.
Napanganga ako sa sinabi niya. Si Stacey? may pakialam? Nakaka-miss yung mga ganito naming moments. Naalala ko dati na ganun si Stace, palagi ako iniiwas sa pahamak.
"Okay, class. Nakuha ko na yung forms for our Field trip." Ang bungad ng teacher namin pagkapasok niya.
Field trip?
"Yung field trip na ito kasama na sa tuition yung plane ticket and accommodation, yung expenses niyo nalang dun ang shouldered by students." Explain niya. Every year may pabonggang field trip ang school na iniintay talaga ng lahat. "and we're going to France!"
Pagkasabi na pagkasabi niya na 'France', tilian lahat ng students. Kahit ako napatalon! Alam ko naman na binayaran yun pero puputi nalang ang uwak at hindi pa kami makakapunta nila Ma dun kaya nga nakakatuwa talaga. For sure naman papayagan ako kasi nabayaran na, sayang din. 3
"Lahat ng students and teachers invited, it's a four days event kaya pack what you need. This will serve as a break muna pero syempre pag may mga teachers kayo na nagbigay ng homeworks kelangan parin gawin iyon. Anyway, pass the papers and class dismissed."
Kinuha ko yung parental approval form at nagready na lumabas ng class. Report ko na pala next subject, confidence sapian mo ako. Kinuha ko bag ko at paalis na ako ng may pumigil saakin. Alam mo feel ko palagi nalang ako pinipigilan.
"Pwede ba tayo magusap?" Ang tanong ni Stacey.
Weird. Tumango lang ako at hinayaan ko siyang ituro kung saan kami maguusap. Turns out sa school garden lang naman niya naisip kausapin ako, wala masyado tao so okay lang din naman. Nasa class siguro sila, usually kasi may mga nagaaral dito kasi maganda ang ambiance.
"Ano yun?" Ang sabi ko.
"I'm Sorry."
For the second time today, napanganga ako. I'm sorry? Hindi ko siya ineexpect lalo na hindi masyado maganda ang nangyari nung last na usapan namin.
"Wala ako masabi, just that I'm sorry." Sabi niya.
Alam ko naman na hindi masalita si Stacey. So that's enough for me. As long as narealize niya mistakes niya, I don't see why not forgive her? Nasaktan din naman siya. Tsaka sobrang trivial lang naman na issue.
Huminga ako ng malalim at sinabi "That's enough for me. Sorry din." Nagsmile ako sakanya at nagsmile din siya pabalik.
"So friends?"
"Friends."
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomanceOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...