Wow? Inintay niya talaga ako para mag tatay tatayan. Hindi ba dapat si papa o mama ang nagsasabi niyan? Eh okay nga lang sakanila kanina nung dumating ako.Kinamayan pa nila si Rayver bago siya umalis. Tapos ngayon, si Vince na hindi ako pinapansin simula nung dumating si Mitzie kung ano ano ang tatanungin?
"Sa labas."
"Saang labas?"
"Wala, may pinuntahan lang. Bakit ka andito?"
"With Rayver?" tinitigan niya ako habang tinanong yun. Nakaupo parin siya sa kama, habang ako naman ay naghahanap ng damit pang tulog.
"Alam mo inaantok nako eh, napagod kasi. Pwede bang lumabas ka na?" Wala ako sa mood para kausapin siya. Ilang days na after nung France field trip namin na hindi niya ako pinapansin tapos all of a sudden, ganyan ang mga tanong niya.
No way.
I'll make him work for it.
"Na kasama si Rayver? San kayo nagpunta?"
"Wala, pwede ba umalis ka?"
"Anong wala? Lunch hanggang gabi wala kayo?"
"Teka nga lang, bakit mo ba tinatanong?" Lumingon ako sakanya para mag eye to eye kami. By this time tumayo na siya.
"Concerned.." Bungad niya.
Na siya namang pinutol ko sa tawa. "Concerned? concerned sa alin? Kay Rayver? Wag ka magalala mabait naman yun, katropa mo pa nga eh."
"Teka nga, ano ba problema mo? Kanina ka pa nung lunch wala sa mood."
"Edi wow, tinanong mo pa."
"Alam mo ang labo mo rin, ang ayos ayos natin sa France, tapos pag uwi, away agad?"
Tumawa ako ng pilit at tumingin sa likod. Naiiyak na kasi ako kaya ang hirap makipagusap ng face to face.
"Viv, ano ba problema?"
Lumingon ako sakanya, hindi mapigilan ang pagtulo ng luha at tinulak siya palabas. Hindi naman siya nagpabigat o ano, thankfully. Before ko sinara ang pinto sinigaw ko muna, "IKAW! Ikaw ang problema ko kaya lumabas ka na!"
Sinara ko ang pinto with force. Wala na akong pakialam kung marinig pa ng pamilya ko o ano. Naiinis kasi ako may gana pang magtanong si Vince. Tapos ano? Maayos kami sa France? Talaga! Eh wala pa naman si Mitzie nun.
Humiga ako at umiyak hanggang makatulog.
_____
Gumising ako kinabukasan ng sobrang aga para hindi maabutan si Vince. Oo, ang peg ko ngayon ay tom and jerry. Iiwasan ko hanggang ewan, pag lumamig ang ulo ko siguro at goodluck dun. HA! yes, walang pang nasa sala at kitchen. Naghahanda pa ata sila. Biruin mo yun? For the first time na una ako.
Kumuha ako ng papel sa bag ko at nagsulat ng note kela Mama. Syempre baka magtaka yun kasi wala ako sa bahay kung ano pa isipin.
"ATE!"
Nako huli ako!
Lumingon ako ng padahan dahan sa likod at nakita si Ranz nakadungaw sa may stairs. 'Shhh!' Ang sinabi ko sakanya sabay wave goodbye. Lumabas na ako agad kasi baka may nakarinig pa ng sigaw ng bugwit na yun.
Infairness, maganda pala maging maaga. Fresh air tsaka wala masyado traffic. Mga half hour lang binyahe ko papunta sa school.
Wala masyado tao kaya pumunta muna ako sa garden at nagmuni muni- in short, tingin sa paligid, hooked earphones at nagdadrama habang tumitingin ng mga posts ng kaibigan ko sa ig.
Super dinedread ko talaga mag math class mamaya. I-cut ko nalang kaya? Kaso kasi goal ko talaga maging honor eh kaya nga iwas ako sa cutting classes. Sige na nga basta hindi ko siya titignan. Pero knowing him? I doubt na hindi niya ko papansin. Baka nga ipa recite niya sakin buong libro eh. Lalo na't galit kami sa isa't isa.
Bahala na, edi dun siya kay Mitzie.
*criiiiiiiiing
School bell?
Tumingin ako sa oras, classes na pala. Grabe ang tagal ko nakaupo dito pero parang ang bilis lang ng oras.
-------
Okay, Viv, breathe. Kahit anong mangyari, wag na wag na wag mong papansinin si Vince. Act professional.
You're a student and he's a teacher.
Yes, okay. Pumasok na ko sa class at nakitang medyo madami na pala tao. Thankfully, nagsave ng seat si Stacey sa dulo.
Thankfully rin ay wala pa si Vince.
Kaso nga lang, dumating na rin siya sabay ng pag upo ko. Hay. Nawala ang hopes ko na sana nag absent nalang siya.
Anyway, okay okay naman kasi hindi niya naman ako pinarecite sa class lampas 30 minutes na siya nag eexplain ng topic na syempre hindi ko naman maintindihan.
At ayun nga, natapos na ang klase nang hindi niya ako tinitignan o hindi din tinatawag. Buti naman naging mature na siya. Siguro naisip niya na bigyan ako ng space. Nakakalungkot lang kasi hindi parin niya alam kung ano kasalanan niya.
After classes ay umuwi nako agad, wala naman kasing ganap sa school at gusto ko mapagisa. Pero parang may rewind ang panahon dahil pag pasok ko ng kwarto ay andun ulit si Vince.
"Ano ginagawa mo dito? May kwarto ka naman."
Tumayo siya at lumapit. "Viv, I'm sorry kung ano man ang nagawa ko."
"Kung ano man? Edi so hindi mo pa alam kung ano ginawa mo?"
Umiling siya na dahilan kung bakit ako natawa.
"Osige naaawa naman ako sayo eh. Nagagalit ako kasi..."
"Vinceee!" tawag ni Mitzie, medyo malapit lapit sa kwarto ko ang sigaw.
"Mitzie?" ang tanong ko kay Vince. "Bakit ka tinatawag ni Mitzie?"
Tumingin siya sa oras at huminga ng malalim. "May lakad kasi kami ngayon." Ang sagot niya.
"Ahhh lakad. Sige alis ka na. Hinahanap ka na eh."
"Hindi ako aalis hanggang hindi mo sinasabi kung ano problema."
"Vincee! Andito ka pala oh. Malalate na tayo sa concert niyan eh." Ang dungaw ni Mitzie sa kwarto ko.
"Concert? Anong concert?"
"Yung indie band na magpeperform sa moa. Mitz pwede mag intay ka nalang sa baba muna?"
"Oookay." Umalis si Mitz at tinitigan ako pabalik ni Vince.
"Okay, baka kasi malate ka sa lakad mo eh. Ganito nalang, si Mitzie o ako? Sino pipiliin mo?"
"So ano to, selos ka lang pala kay Mitzie? Viv naman, alam mo naman na friends lang kami ni Mitzie."
"Ahhh, friends with your ex na hindi mo na ko nabigyan ng oras, ganun ba?"
"Viiiince!" ang sigaw nanaman ng haliparot na yun.
"Teka lang, Mitz."
"Teka lang? TEKA LANG? okay. Kung ayaw mo umalis, ako ang aalis."
"Viv!"
Lumabas ako ng kwarto at kinuha ang bag ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero ang alam ko lang ayaw ko sila makita.
Lumabas ako ng bahay pero before pa ako makatakbo palabas ng village ay nahabol na ko ni Vince.
"Viv, wala naman kami ni Mitzie. Friends lang kami. Alam mo naman sayo ako may gusto diba?"
"Talaga? Bakit di mo pinapakita? Alam mo, mas gugustuhin ko pa sanang hindi ka nalang umamin na gusto mo ko eh. Edi sana hindi na ako aasa. Pwes, ngayon alam ko na."
Bago pa siya makapag reply ay, thankfully, may manong tricycle na dumating. Agad agad akong pumasok at sinabihan si manong na sa labas ng village amg punta ko.
Nang makalayo layo na kami kay Vince ay saka ko na nabuhos ang lahat ng nararamdaman ko. Ang hirap palang itago ang sakin na nararamdaman mo kasi hindi mo talaga mapipigilang umiyak.
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomanceOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...