Unedited
----
"MERRY CHRISTMAAAAAS!!!" Nag echo sa buong bahay ang malakas na sigaw ni Ranz na pwede nang gumising ng isang barangay. Nakakatuwa kasi pag pasko talaga, masaya ang mga tao.
Naghahanda na ang lahat para sa Noche Buena mamayang ika-12 ng hating gabi. Kami ni mama ay naka station sa kitchen duties. Syempre wala ang Noche Buena kung walang pagkain. Ang mga lalaki naman ay nagliligpit/ naglilinis sa buong bahay. Nakakatawa nga kasi ang dami pa nilang dahilan kanina para ma excempt pwera may gagawin daw sila, magbabasa ng dyaryo (ehem papa), magrerehearsal at iba pa, natigil ang lahat nang titigan sila ni mama. Siya kasi yung tipong tao na malumanay at mabait kausapin pag malamig ulo, pero pag nainis siya, gooodluck sayo. Kaya ayun wala sila choice kundi tumulong samin.
Pagkatapos namin idefrost ni mama ang mga karne na gagamitin namin mamaya, pinaakyat muna ako sa kwarto at pinatulog kasi daw mamaya walang tulugan. Syempre, who am I to say no? Sino ba naman ang hindi gustong matulog. Umakyat ako at nakasalubong si Vince sa corridor. Dito pala siya na assign. Hindi naman kalakihan ang bahay namin kaya onting kembot lang tapos na yun. Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya kaya dire diretsyo ako sa kwarto ko. Pagpasok ko nang kwarto ay naguilty ako, parang ang snob kasi. Hay. Oh well tapos na yun.
ping.
Hm, tinignan ko cellphone ko at nakita ang new message from Jesse.
Jesse..
Boyfriend Jesse.
sihlsdhflkdsjfdsfjl HALA! Nakalimutan ko na dito pala siya mag sspend ng Christmas kasama kami. Nako, pano yan? Lumunok ako nang malalim at binuksan ang message niya. Pls pls sana hindi siya maka attend. Ang pangit pakinggan pero lalo na kung papaalisin ko si Vince, magtataka pamilya ko, dito kasi siya nakatira.
From: Jesse
Babe, punta ako dyan mga 9 pm :) Merry Christmas.
patay.
Sa ngayon ay para nakong baliw sa kaka ikot sa kwarto ko. Pano ko kaya sasabihin sakanila na umalis si Vince? O kaya pano ko naman sasabihin kay Jesse na wag nalang siya pumunta dito? AH- HAH! Sabihin ko nalang kaya na sa labas na kami mag Christmas. Yes yes, good idea. Natutuwa na ko sa idea ko nang maisip ko ang magiging reaksyon ni mama. Nako, baka itapon ako sa south China sea. Ugh, okay tapon idea.
Hindi na talaga ako makapakali at lumabas ako nang kwarto para ewan ko, hindi ko talaga alam. Para siguro makahinga nang malalim? Kapalan ang mukha ko at sabihin ang totoo kay Vince? Pag labas ko ng kwarto ay wala na siya sa corridor pero may naririnig ako na usapan sa baba. Halos lahat ata sila andun. Bumaba ako at nakita kong may kausap si Zion sa cellphone niya at nakahuddle yung iba sa sala.
Tumingin ako kay Mama at tinanong, "Bakit, ano meron?"
"Ahh, hindi may gig sila mamayang Christmas sa isang bar kaya hindi sila makaka celebrate dito."
O
M
G
Parang may kumantang choir sa likod ko. Solve na ang problema ko. Ay teka,
"Lahat sila?" Panigurado ko.
Bago pa maka sagot si mama ay siningitan na ni Vince, "Parang ayaw mo ata kami dito ah?" Ang tanong niya.
"Ha?! Hindi noh. Okay naman kayo. Ha-ha-hahaha" Nagface palm ako sa utak. Viv, kelangan pa talaga may tawa sa dulo. Kumunot ang noo ni Vince na parang nagtataka/ may iniisip na malalim, sabay tayo at punta kay Zion. Nagusap sila ng mga 5 minutes bago bumalik.
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomanceOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...