9 - How to Say Thank you?

484 16 2
                                    

Unedited

______________

30 minutes na ata ako nakatulala kay Stacey. Ewan ko. Napaka walang kwenta ko bang kaibigan? Hindi ko napansin na may gusto siya kay Jesse? Pabalik balik sa isipan ko ang consequences ng desisyon na gagawin ko. Let go of Jesse? Si Jesse na palaging andyan when I need him, na palagi ako chinecheer up? Na alam ko mamahalin ako maging sino man ako? O Keep Jesse but lose Stacey? Si Stacey na best friend ko? Partner in crime? Andyan palagi sa tabi ko?

Either way may masasaktan talaga.

Tumingin ako kay Stacey at sinabi, "Stace biglaan tong sinasabi mo sakin. Hanggang ngayon wala ako masabi. Hindi ako makapagisip ng maayos. Ang bigat kasi ng gusto mo mangyare. Walang kasalanan si Jesse tapos pag ginawa ko ang gusto mo masasaktan siya. Kahit ano kasi gawin ko may masasaktan. Ni minsan hindi ko nagustuhan ang manakit ng tao."

Cinross ni Stacey ang legs niya at linagay ang kamay sa table, "Viv, ngayon ko lang talaga na confirm na manhid ka. Hindi mo ba alam pareho mo kami nasasaktan. Si Jesse hindi ba nahuhurt din siya kapag hindi ka nagsasabi pabalik ng 'I love you'? O kaya ako nasasaktan din ako tuwing nag ppda kayo?

Tumungo ako para itago ang naluluha kong mata.

"Hay nako Viv, nagsayang lang pala ako ng oras dito. Well, consider this as my resignation for being your 'friend'" Tumayo siya agad at umalis. Dito na tumulo ang luha ko. Nakakahiya sa public umiyak pero hindi ko kinaya. Naging staple na si Stace sa buhay ko, palagi kami magkasama. Alam ko girls before boys pero iba si Jesse, ang hirap saktan ang isang mabait na tao lalo na at wala naman siyang ginagawa.

"Miss, may order na po ba kayo?" Ang biglang singit ng waitress. tumingin ako at umiling, pinunas ko ng tissue ang mga luha ko at umalis na. Naglakad lakad ako habang nagiisip, ano ba ang gagawin ko? Ano ba ang tamang desisyon? Bakit kasi hindi nagsalita si Stacey noong una palang? Bakit...

Natigil ako sa kakaisip nang naramdaman kong may tumapik sa likod ko.

"BES"

Tumingin ako sa likod at nakita si Jack na naghahabol ng hininga niya. "Phew, beshy ano ba yan kanina pa kita tinatawag. Hello, nagulat ako ang bilis mo pala maglakad. Saan ka pupunta at parang tilang naglalakad ka sa disyerto, tulala?

Naluha akong napasmile at sinabing, "w-wala, gusto ko lang makapagisip ng mabuti."

"Ano nangyare bes? Sino nang away sayo? Saan? Pupuntahan ko!" Ang sabi niya. Partly true at partly joke ang pagkasabi niya.

"Jaaaack" Sinabi ko sabay hug sakanya at binuhos ang luha ko. Yinakap niya ko at binulong, "shh okay lang yan beshy, andito ako makikinig sayo." Yan ang gusto ko kay jack, magaling siyang listener. Siya yung tipong tao na pag mali ka, sasabihin niya sayo ng direstyuhan.

Naglakad lakad kami ng onti at nakakita ng isang empty coffee shop. Pumasok kami at umupo sa dulo, yung wala masyadong tao. Umorder muna siya ng coffee namin, habang ako at nakaupo at nagiisip kung ano ang gagawin ko.

"Okay, beshy game." Sabi ni Jack at inabot ang Vanilla frappe sakin. Alam niya kasi na pag may problema ako palagi ko hinahanap ang vanilla. Huminga ako ng malalim at kinwento sakanya ang lahat pati ang mga self doubts ko sinaman ko narin. Pinipigilan ko umiyak habang nagkkwento. Pagkatapos ay nagkaroon ng silence na para bang nagiisip si Jack kung ano sasabihin niya. Iniintay ko lang mag sink in lahat ng sinabi ko.

"Ang sama kong kaibigan noh?" sinabi ko breaking the ice.

Tumingin siya sakin at sinabi "The thing is beshy, hindi ka naman masamang tao at in the first place wala ka naming kasalanan. Unang una, kasalanan ni Stacey kung bakit hindi siya nagopen up. Naalala ko nung nagtanong sayo si Jesse hindi mo naman agad agad sinagot, kinausap mo muna kami kung tama bang bigyan ng chance ang isang lalaki kung may mahal ka nang iba. Dapat nun palang sinabi niya na, na may gusto siya kay Jesse. Pangalawa, alam ni Jesse na may mahal kang iba. Alam niya na it takes time to get over someone na mahal mo. Kaya nga hindi niya ikaw pinepressure diba? Lastly, walang karapatan si Stacey na iquestion ang friendship mo kasi ni minsan wala kang intention na saktan siya. At lagi mong tandaan bes kung ano man desisyon mo, walang ibang tao ang dapat makialam o ipilit ka sa isang bagay na hindi mo gusto. Dapat kung ano man ang gagawin mo, talagang gusto mo gawin sa puso't isipan mo. Nobela besh, I know, pero ganun talaga."

" Pero bes, I don't want to lose them both."

"Beshy, you can't please everybody. Alam ko, maski ako, ayaw natin nang broken relationships. Pero ganun talaga ang buhay, walang perfect. Ngayon iisipin mo nalang kung ano ba mas tamang gawin kasi kahit anong mangyare, may masasaktan."

Inisip ko ang mga sinabi ni Jack. Sapul lahat ng sinabi niya sa mga pinoproblema ko. Iniisip ko ng mabuti ang feelings nila pero feelings ko hindi ko tinake for consideration. At this moment, everything became much clearer. Napapagisipan ko nang mabuti ang mga bagay bagay and it's not just losing Stacey or Jesse anymore, but also losing my freedom to choose what I want to do. Ang pinapaggawa kasi sakin ni Stacey parang nappressure ako magdecide within her own time, within her own terms. Hindi naman tama yun, ano yun agad agad sasaktan ko si Jesse ng wala naman nangyayare? And I think about the times na tinulungan ko si Stacey, na binigyan ko importansya ang friendship namin, dahil sa isang lalaki itatapon niya lahat yun? Pero still naiisip ko rin ang nararamdaman ni Stacey, mahirap din kasi kung mahal mo yung isang tao tapos may gusto siyang iba?

Tinignan ko si Jack, nakatingin siya sakin at pinapabayaan ako magisip ng desisyon ko. Nakaka touch na may maasahan ako in times of need and I'm really thankful for him. Everything became much much clearer. Alam ko na ang desisyon ko.

"Jack, thank you. Hindi ko alam kung ano gagawin ko without you. Everything became so much clearer Jack. Alam ko na kung ano gagawin ko. I want to choose myself, I don't want to be the person na iuuna ang requests nang iba Lalo na't alam kong mali iyon. Although, I still want Stacey to be a friend pero kung talagang ayaw na niya, I will accept it."

"Yes besh, alam mo nasasad ako syempre mag bffs din kayo. Pero the best way na mapapasalamatan mo ko is for you to love yourself. Lahat ng advices ko sayo, para sa makakabuti mo yun and nothing else.

"Thank you talaga Jack!" Yinakap ko siya ng mahigpit.

-------

Hinatid ako ni Jack sa bahay saka siya umuwi. Tumingin ako sa labas at nakitang andyan si Mama at Papa. For the first time, nasa bahay sila. Pumasok ako at sinigaw, "Mudra, Pudra! I'm Hooome!"

"Welcome home, V. I must say, you're hair is THE bomb." Sabi ng isang deep manly voice sa tabi ko na kahawig ng boses ni Vince.

Hala?

Naghahallucinate na ba ako?!

Lumingon ako agad at nakitang naka lean si Vince sa wall papasok ng kitchen namin.

Tinapon ko ang bag ko sabay sumigaw, "AHHHHHHHH!"

______

Sorry super late update ngayon, nabusy sa Christmas :(

Anyway guys! Merry Christmas <3

✔ Ex - LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon