10 - How to Handle Unexpected Surprises?

505 22 1
                                    

unedited

__

"Vince?!" Tumingin ako ulit ng maigi at rinub ang mga mata ko baka sakaling namamalik mata lang. Hindi, siya parin. Nandyan parin ang tall, muscular at hot, HOT na Vince na nakita ko dun sa restaurant. "VINCE?!" ang sigaw ko ulit.

"Sige lang, Viv. Iannounce mo pa sa buong mundo ang pangalan ko para isipin ng neighbors natin kung ano ano ginagawa natin dito." Ang sabi niya ng naka smirk.

"Hoy, excuse me. Wala tayong ginagawang kababalaghan noh!" Ang sabi ko habang cinross ang kamay ko sa aking chest na para bang may pinoprotektahan ako.

"Hm, alam ko naman kung ano talaga nasa puso mo eh. Fyi, wala naman ako sinabi na ginagawa natin ahh" Ang sabi niya habang lumalapit siya sakin hanggang mag nose to nose kami.

"A-a-a-ano ginagawa mo?!" Ang sigaw ko sabay takbo sa may sofa para magka space kami. By now, namumula na ang mukha ko sa...ano nga ba? Hiya? kilig? tuwa? galit? hindi ko masabi.

"Vince, tigilan mo na pinsan ko."

Pinsan? Tumingin ako sa may hagdan at andun nga. Ang pinsan naming si Zion na nagaral sa Amerika ng music. Actually Zandro talaga ang first name niya pero nag start siya ng banda, ang "Thunder by the bay" at ginawa niyang screen name ang Zion. Indie band sila, mas sikat sa Youtube at local gigs sa Amerika. Hindi ko alam na bumalik na pala si Zion.

"Zee? kelan ka bumalik?" ang tanong ko sakanya.

"Hi Viv! Kagabi lang. Mas nauna bumalik si Vince kasi may inasikaso pa ko sa condo ko dun kaya medyo natagalan."

"Bakit kasama ito?" Tinuro ko si Vince.

"tsk tsk tsk, Viv, hindi ko alam na hanggang ngayon wala ka paring manners." sabi ni Vince.

"Wow ah, close tayo?" Ang balik ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit parang may special powers si Vince sa pag papakulo ng dugo ko. Nagiinit talaga ako sakanya.

"O-kay. Hindi ko alam kung ano nangyare sainyong dalawa, hindi ko nga alam na magkakilala kayo...

"HINDI!.." ang tutol ko na siyang sinabayan naman ni Vince ng

"Close kami.."

..Oh sha sha, may project kami kaya ako bumalik ng Pinas, mini concert sa mga fans namin. 3 months rehearsal ang nasa contract, tapos sa kalagitnaan ng March gaganapin ang concert." In explain ni Zion.

"Ahh, pero di ko gets, bat kasama si Vince? at bakit siya andito?"

"Second vocalist siya at bassist ng grupo, Viv." ang sabi niya sakin.

Ha?!

What a small world. Si Vince na first love at kiss ko kakilala ang pinsan ko, kagrupo pa tapos kapatid pa siya ng boyfriend ko. O diba, galing din eh noh. Luck is really not on my side. Paano ko na iiwasan si Vince? Eh parang pinaglalapit kami ng tadhana.

Tumingin ako sakanila ng pabalik balik sabay sabi, "hindi ko talaga ineexpect na magiging friends kayo, lalo na bandmates pa. Wow, full of unexpected moments today ah." Sa sobrang shocked ko sa nangyari ay dumiretsyo na ako agad sa kwarto sabay lock sa pinto.

Aba kelangan ko ata mag regroup ano. Pag nalaman to ni Jesse eh baka pagmulan pa ng away namin kahit wala naman ako kasalanan. Hmm, ano kaya gagawin ko?

knock. knock. knock.

Tumayo ako at binuksan ang pinto. Sumalubong sa paningin ko si Vince, nakatayo at pa katok na ulit ang kamay. Hindi ko alam ang sasabihin dahil para bang iniintay niya ko magsalita. Okay, Viv, normal opening statement lang. Ano ba, Hello? Hi? Kamusta ka na?

✔ Ex - LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon