Unedited
--------------"and so, when you put a below the number, you could form a quadratic formula. Thank you."
Tumayo si Vince at tumingin sa class, "Any questions?" ang tanong niya.
Tumingin ako sakanya at napasmile. Naalala ko nanaman yung kahapon. Paguwi ko ay nandun na si Vince, nagppractice with Z and the band. Nung nakita niya ako, binaba niya agad ang guitar at lumapit saakin. Binuhat niya ang bag ko at diretsyong umakyat. As usual, nagulat kaming lahat kaya nagmadali nalang din akong umakyat. Iwas sa tanong nila Zion.
Pag akyat ko ay palabas na si Vince sa kwarto ko, "15 minutes, magstart na tayo."
"Huh" Ang smartass comeback ko sakanya. "umm, Saan?" ang tanong ko.
"Sa kwarto mo kaya bilisan mo magbihis at baka may makita akong..."
Lumaki mata ko at pinalo ang book na hawak ko sa braso niya. "heh!" nagmadali akong pumasok ng kwarto at sinarhan siya agad.Well, after nun, tinuruan niya na ako sa quadratic formula. Nosebleed pero magaling naman magturo si Vince kaya naintindihan ko agad. Tinulungan niya rin ako sa report ko, kaya well...nung umaga ay nagulat nalang kami na ginising kami ni Ranz. Hindi ko alam kung sino mas gulat ko o si Ranz o pamilya ko. Si Vince casually lang tumayo at lumabas ng kwarto...
"No questions?"
Huh,
Ay hindi pala ako nakikinig sa class. Tinignan ko si Vince at ang classmates ko, huli akong nagdadaydream.
"Okay, thank you Vivian, you may sit down." Ang sabi saakin ni Vince. Nakakapanibago full first name talaga. Awkward din naman kasi kung nickname ang itawag niya sakin baka kung ano isipin ng iba. Andito pa naman si Stacey at Jesse.
Well, so far naman wala ako naging problema these first days. Baka naglaylow na si Stacey sakin kasi alam naman na nang lahat na break na kami ni Jesse. Kami naman ni Jesse, I think kelangan lang talaga namin ng space after everything else. Pag fresh pa kasi ang break up, medyo mahirap maging friends. It's possible na maging friends with your ex pero hindi yung madalian.
"Sorry, I'm late!" Isang sweet voice ang nag break the ice sa buong class. Lahat kami tumingin kung san nanggaling yun. Lumaki ang mata ko..
No way...
Maia?!
Lumapit siya kay Vince at nagbigay ng papel. "Sorry ang tagal kasi nila ibigay ang permit and receipt sa tuition kaya nalate po ako , sir."
"Okay, so we have a new student. Introduce yourself, please." Ang sabi ni Vince na parang hindi sila magkakilala ni Maia. Hmm, ano kaya ang iisipin ni Jesse? Tumingin ako sakanya at nakitang gulat na gulat siya. Humihiyaw ang mga lalaki sa class dahil sa ganda ni Maia.
"Umm, hello po. You can all call me Maia. Transfer student from the States. Pls be kind to me." Ang mahinhin niyang sabi. Halatang halatang naiinggit ang ibang girls, ahem group ni Stacey, dahil naririnig na ang mga bitter comments nila.
Tinignan ko si Maia, hoping na makita niya ako. She helped me before and mabait naman siya kaya wala naman saakin na tulungan siya. Pero mukha atang hindi niya ako napapansin kasi nakatitig lang siya sa direction ni Jesse. Tumingin ulit ako kay Jesse, pareho silang nakatulala sa isa't isa. Oh see, I was right. They still love each other.
"Okay sige, choose your seat next time. Class dismissed." Announce ni Vince.
Nag disperse lahat ng students except for me, Maia, Stacey, Jesse and Vince. Awkward. Seeing the two, feel ko naman kaya na nila ihandle sarili nila, tsaka it's about time na magusap sila ng masinsinan.
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomanceOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...