Vince ^
------Vince?
Ang lalaki sa panaginip ko ay isang aisle lang away from me. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko pa madyado nakikita mukha niya kasi naka side view pero sa tayo niya at sa lower half ng tattoo niya ay malaki ang kutob ko na siya nga iyon.
"Miss, excuse me."
Grabe, hindi ako makalapit dahil parang binalutan ng yelo ang legs ko.
"Miss, miss.." may kumalabit sakin.
"huh?" tumingin ako, isang matandang babae ang bumungad sakin.
"Kanina pa kita tinatawag. kukuha kasi ako ketchup, eh naka balandra ka dyan, paano ko kaya makukuha?" sabi niya ng pabagsak.
Ay, matagal na ata ako nakatayo dito.
"Sorry po." mabilis akong umalis sa kinatatayuan ko. Phew. Nakakahiya naman tinignan pa ako ng mga tao. May malas ata ako sa mga matatanda parang lately galit sila sakin.Ay si Vince!
Pag tingin ko ulit sa lugar kung saan siya nakatayo ay missing in action na siya. Pinilit ko siya hanapin sa buong grocery pero hindi ko na nakita. Baka guni guni ko nanaman. Hay.
Bumalik na ako sa bahay at pagkatapos ibigay ang pinamili ko kay ma ay dumiretsyo ako sa kwarto at humiga sa kama.
Nakita ko ba talaga si Vince? Siya ba talaga yun? Bakit naman kasi hindi niya ako cinontact dati at ngayon.
Flashback
Pagkatapos ng halik ay hinila niya ako palabas.
"Woah, hindi ko alam na ganyan ka, Vivi." ang sabi niya ng naka smirk. Lumabas ang kanyang dimples. Swooon. Normally ang mga dimples cute, pero sakanya nagpadagdag ng pagka macho.
Namumula ang pisngi ko sa hiya. "w-w-wag ka nga dyan! Dare yun noh" sinabi ko sakanya ng matapang.
"Okay" sagot niya na para bang hindi siya naniniwala. Lumapit siya sa akin hanggang halos isang sinulid nalang ang layo ng katawan namin.
"a-a-ano ginagawa mo?!"
"ang cute mo naman, Vivi. Syempre.." mas lalo pa siyang lumapit. Ano to kiss ulit? Minsan lang to Viv. You go gurl. Yes. Pumikit ako at inintay ang halik niya.
Maya maya ay narinig ko ang tawa niya. Tumingin ako at nakitang pinipigilan niya ang tawa niya.
"lumapit ako para kunin ang phone mo Vivi." pinakita niya sa akin ang cellphone ko na hawak niya.
Ano ba to nakakahiya.
"P-p-pano mo yan nakuha?"
Mabilis niyang sinave ang aming number sa isa't isa at nagpaalam.
"ayan. Alam ko na number mo. See you sa school, Vivi." pinat niya ang aking ulo at bumalik ng club habang ako ay nakatulala sa lugar kung saan siya huling nakatayo.
--
Criiiing criiing. Criiing criiing.
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Huh, hindi ko akalaing nakatulog ako sa kakaisip sa kanya.
"Heeello?" ang sabi ko habang humihikab.
"babe, Andito na ako sa labas ng bahay mo"
Napatayo ako sa kama at tumingin sa oras. 7pm?! Oonga pala may date kami ngayon!
"ayy wait! Hindi pa ko tapos nagready. 15 mins! Doorbell ka muna, sa loob ka nalang ng bahay magintay, sorry talaga."
"Ano ka ba, okay lang naman."
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomanceOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...