8 - How to Be A Friend?

485 19 0
                                    

Criiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing.

Oh, hindi ko pala napatay yung alarm ko kanina. Yehess, for the first time si Viv nagising nang maaga, before alarm clock yan mga bes. Naisip ko kasi mag sstart ako with a fresh day today. Ngayon ko haharapin lahat ng problema.

Tapos na ako magbihis for school, nang pumasok si Ranz,

"gooood..." tumingin siya sa kama at nagtaka.

Hay. Hello ranz andito lang ako.

After 10 seconds saka siya tumingin sakin at narealize na gising na ako, fully dressed and ready to go. Parang fast food lang, char.

"Ranz, nagloading ba?" Asar ko sakanya. Hahaha.

"ha ha ha, sige na ikaw na nagising ng maaga. Halika na, handa na ang breakfast."

Bumaba kami at nagmano sa parentals. "Hellooo mama, papa, GOOODMORNING!" Sigaw ko. Syempre minsan na lang ako magising ng maaga, iannounce na, diba.

Tumingin sakin ang mama ko, "wow for the first time."

Na tila ba alam ng papa ko na may problema ako, binaba niya ang dyaryo na binabasa niya at tumingin sakin ng maigi.

"Pa, nakakatakot naman yang tingin mo. Wala ako kasalanan no." Sabi ko. Ayaw ko nga madagdagan pa problema ko.

"ay defensive! Ibig sabihin meron yan pa!" tuya ni Ranz.

Tinignan ko siya ng naka kunot ang noo, "Hala wag ka nga dyan."

"Ano ganap Viv?" Sabi ni pa.

Umupo ako sa hainan, at sumubo ng isang malaking scoop ng kanin at bacon. Sinenyasan ko muna si Pa na wait lang. Syempre pag nagkkwento kelangan ng energy. May energy mas happy ang peg.

Pagkatapos ko ay kinwento ko na ang nangyari sa date namin ni Jesse. Syempre wala yung part na kilala ko kapatid niya. At lalo na yung kiss part. Baka maground na ko for life.

Wala naman sila masyado nasabi kasi hindi nila alam ang buong storya. Sinabihan lang ako na magingat kay Vince kasi baka bad influence at pangit naman na nakikipag friend ako sa ibang lalaki lalo na kung pwede pagmulan ng away namin ni Jesse.

Tumayo si ma, at hinatid kami ni Ranz sa pintuan, "oh sha sha, pasok na kayo."

"Yes po!" Sabay namin sinabi ni ranz at sakay sa kotse. Si Ranz ang magddrive ngayon. Dalawa lang kasi kotse namin, isa kela na at pa at isa para sa family car. Hindi naman kami mayaman pero normal lang. Hinuhulugan pa namin tong kotse para may masakyan papuntang school. Medyo malayo kasi.

"May tinatago ka noh?" biglaang tanong ni Ranz. Nabored na ata sa kakaintay sa traffic.

"wala" sabi ko sakanya. Okay naman kami minsan nag aasaran, minsan close din. Pero syempre sa ngayon ayoko muna iopen up yung kay Vince. Natatakot ako kung ano iisipin ng mga tao.

"psh, kitang kita ko noh. Pero okay lang din naman. Basta legit to walang asaran, pag kelangan mo ko syempre andito lang ako."

Aww.

Eto yung mga times na talagang blessed ako na may kapatid ako. May mga bagay kasi na hindi mo masasabi sa parents mo, pero pag sa kapatid mas naoopen up mo. Ito yung isa sa mga ganun. Pero syempre quiet lang muna, ioopen up ko pag ready na ko.

Tumingin ako sakanya at nagsmile, "salamat Ranz"

"Aww, so bibilhan mo nako xbox sa pasko?"

Eto naman yung times na nakakaasar magka kapatid.

" Che.." tumingin ako sa labas, "andito na pala tayo. Sige baba na ko, bye. P.s. kainin mo xbox mo, hindi nga ako makabili ng sarili kong xbox, ikaw pa kaya bibilhan ko." lumabas ako ng kotse at naglakad na papuntang first class ko.

Ito pala yung kaklase ko si Stace, I wonder kung papasok siya ngayon. Yung text niya kasi may tonong galit.
Pumasok ako ng building, yess! May elevator.

Maaga ako ngayon, mga 10 minutes early. Syempre ayaw ko na maging late sa class ni Ms. Felix. Baka bagsakin niya na ko, isa nanamang reason para maground ako for life. Wala pa masyadong tao.

Most importantly, wala pa si Stace.

Umupo ako sa usual seat namin, gitna at pinaka gilid. Dun kasi iwas recitation, pag nasa harap kitang kita ka. Pag nasa likod naman halatang iniiwasan mo yung prof kaya natatawag sila madalas.

Nagbrowse nalang ako mga pictures sa instagram para pamatay oras, after ng ilang minuto, pumasok na si Ms. Felix. Mukhang hindi ata papasok si Stace. Text ko nalang siya.

To: Stacey

Asan ka? Andito na si Ms.

Pagkatapos ng ilang minuto, nag reply na siya.

From: Stacey

Hindi ako papasok

O-kay. Hindi ko alam irereply ko, at pinapatago narin ni Ms yung mga phone. Sige mamaya nalang. Tinurn ko sa silent phone ko para hindi mag ingay kung sakaling may magmessage.

Wala naman masyado ganap sa klase, discussion lang as usual. Next ko is break so pwede na kami magusap ni Stace. Chineck ko phone, merong 5 new messages. 2 kay Jesse,  at 3 kay Stacey. Chineck ko kay Jesse, normal goodmorning niya. Hindi muna ako nagreply, mas importante yung kay Stacey.

From: Stacey

Usap na tayo sa break

From: Stacey

Feel ko kasi kelangan mo malaman

From: Stacey

Andito ako sa Max's

Tinext niya venue mga 3 mins ago. I guess dun ako maglulunch today. Nag quick text lang ako kay Jesse, goodmorning and cinancel ko lunch namin.

Pag pasok ko sa Max's, wala masyado tao. Nasa pinakadulo si Stacey. May new look - bagong hairstyle, sexy clothes yung tipong nakaheels, mini denim skirt at halter top. Bawal sa school. Hindi naman ganun si Stace, same nga kami conservative pag dating sa fashion.

Umupo ako sa harap niya, at nag smile.

"Hi stacey. Kamusta ka na?" Ang sabi ko, just to relieve the tension. Awkward vibe na kasi pag upo ko palang.

"didiretsyuhin na kita Viv. Mystery guy ko si Jesse." Ang sabi niya sakin.

Wow.

Huh.

Hindi ko alam kung ano mafefeel ko. Hurt ba kasi hindi niya sinabi sakin, close naman kami. Kung alam ko, edi sana hindi ko na sinagot si Jesse. Or hurt ba for her kasi palagi niya napapanuod kami ni Jesse, lalo na si Jesse, maging sweet sakin.

"Alam ko biglaan, pero narealize ko na ayoko na sa sidelines. Hindi mo naman mahal si Jesse diba Viv? Alam ko may mahal kang iba."

"Stace.."

"Hear me out, I want to have a chance. Matagal ko na gusto si Jesse. Pls Viv."

"Stacey, honestly, hindi ko naexpect ito. Akala ko naiinis ka sakin or may problem ka pero hindi ko ineexpect na ito pala yun."

"Ano ka ba naman Viv, manhid ka ba? Hindi mo ba nakikita na palagi akong nasasaktan pag nag ppda kayo. Ilang walk out ko ba para marealize mo?" Ang sabi niya na may inis. Bigla nalang naging harsh ang pananalita niya.

"Stacey hindi ka nagopen up sakin, hindi ko alam kung ano yung problema mo nung mga times na nagwawalk out ka."

"tapos na yun Viv, please please be a good friend now. Let go of Jesse, Viv. Give me a chance to be loved by him"

Hindi ko alam kung ano irereact ko. Selfish ba na ikeep ko si Jesse? Or Selfish din ba na ilet go ko si Jesse para kay Stacey?

Either way may masasaktan. Pero looking at Stacey, I see myself. Yung ako kay Vince. Desperate to be noticed.

How to be a friend? Hindi ko talaga alam.

✔ Ex - LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon