3 Years Later
Gusto ko sabihin na madali at naging masaya naman ako kahit papano simula nang umalis sila Vince.
Pero hindi eh.
Para kasing may nawala sayo. Parang kulang. Babangon araw araw pero tila may hinahanap hanap.
Okay pa naman kami ni Vince, I think. Kami pa ata, hindi ko lang sure. Constant kasi ang communication namin. Kaso lang, this year sobra busy na ata nila. Minsan nalang kami makapagusap, halos once or twice a month nalang.
Sikat na kasi sila ngayon as an indie band sa America. Nakakuha na rin sila nang fan base. Mas madami nga ata nakuha nila dito na fans eh.
Masaya ako, pero syempre natatakot. Natatakot na baka may nakita siyang iba duon.
Ako naman, graduate na and starting my own business with Jack and Stacey. Nagtayo kami ng isang event booking na company - mostly weddings ang cinacater, alam mo na, mga hopeless romantic.
"Girl!"
"Oh? Jack, ano meron bakit andito ka pa?" 5pm na kasi. Magcclose na kami. Si jack and stacey palaging before closing umaalis. Ako naman taga linis at sara ng shop.
"Naalala mo yung client natin na sinasabi ko sayo?"
"Anong client?"
"Yung galing America na gusto isurprise gf niya?"
"Oh ano naman dun?"
"Nasa labas siya bes, habol lang daw. Kakaland lang kasi ng flight niya."
"Uhh, ano ba kelangan?"
"Di ko nga alam eh. Halika na." Hinawakan niya kamay ko at hinila ako palabas.
Paglabas namin ay nagulat ako.
Puno ng candles na korteng heart sa sahig at covered in rose petals ang walkway.
Papunta..
Papunta kay Vince.
"Vince..." Ang bulong ko.
Hindi ako makapaniwala, nasa harap ko ay ang lalaking tinitibok tibok ng puso ko. Hindi ako makapagpigil at tumakbo papunta sakanya at yinakap siya ng mahigpit.
"Vince, you're here." Ang sabi ko habang tumutulo ang luha.
"Sabi ko naman sayo diba maghihintay ako. Nakakatuwa nga eh akala ko ibbreak mo ko."
"Ano ka ba naman, wala kayang hanggan ang hintayan natin para sa isa't isa."
"I love you, Viv."
"I love you too, Vince."
At dito na nga nagtatapos ang lahat. Dito ko natutunan na kaya palang magintay, kaya maging patient kapag mahal mo.
Sana may natutunan kayo.
Til next time,
Viv.
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomanceOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...