Of All People

532 25 20
                                    

Kris's POV

Two weeks has already passed simula ng magkasagutan kami ng grupo at ng dahil sa sinabi ni Ceejay sakin, unti unti kong nabalik ang frienship namin.

"Bakit parang nagmamadali ka ata Kris?" - Tao

"Syempre, may date silang dalawa ngayon ni Ceejay eh." - Sehun

"Uy huwag mo naman ibuking Sehun, ang alam ng mga tao magbestfriends lang sila." Pabulong na sabi ni Luhan na alam mo namang gusto niyang iparinig sayo.

Binato ko sakanila yung mga scrap paper ko at inambahan ng suntok.

"Pwede ba, hindi kami magdedate at hindi rin kami magbestfriends okay. I'm just returning the favor." Nakakibit balikat kong sabi.

"Sus! Pinaganda mo pa. Ganon na rin yun noh." Natatawang sabi ni Chen habang nakaakbay kay Xiumin.

"Nako naman oh, binatang binata na ang baby natin sa grupo." - Lay

"Yuck Lay, anong baby ka diyan. Mas cute kaya ako kay Kris." Sabi ni Baekhyun habang nakatingin sa may salamin.

"Pwede ba. Nababakla ka nanaman sa sarili mo Baek." - Tao

"Aba ikaw, baka gusto mong mas itiman ko pa yang bilog sa dalawa mong mata?!" Asar na sabi niya dito.

"Subukan mo kung gusto mong ma-wushu." Pang-asar na sagot ni Tao.

Inambahan naman siya ng suntok ni Baek at natawa nalang kaming lahat. Kahit kailan talaga, isip bata ang dalawang 'to.

"Mukhang ang saya niyo ah." Napatigil kami sa pagtawa ng marinig namin ang boses niya.

"It's been a long time since the last time I heard your laughs." Nakasmirk na sabi niya habang nakasandal sa may pintuan.

"Bakit ka andito ha?" Cold na sabi ko dito.

"Sa pagkakaalam ko, classroom ko rin 'to. Hindi naman nasabi sakin na hindi na ako welcome dito."

Nagkatitigan kaming dalawa. Yung tipong nagsusukatan ng lakas. Akala niya magpapatalo ako? Asa naman siya noh. Tss.

"Tigilan niyo na nga yang dalawa. May kidlat nanaman diyan sa pagitan niyo." Pag-aawat ni Kai.

"Buti naman at nakadating ka Chanyeol. Akala namin hindi mo nanaman kami sisiputin." Rinig kong sabi ni D.O

What the fck? Alam nila na dadating siya ngayon? Ano 'to, kakaayos palang namin naglilihim nanaman sila?

"Oh bago ka magalit diyan Kris, tinawag namin siya para makapag-usap kayo." - Suho

"Para naman matapos na ang away niyong dalawa." - Xiumin

Napailing naman ako at tinignan si Chanyeol.

"Tingin niyo mapapatawad ko ang taong 'to? Ang taong umagaw sa babaeng pinakamamahal ko?"

Natahimik naman sila. Hindi rin sumagot si Chanyeol.

"Oo, siguro nga mapapatawad ko siya pero hindi pa ngayon. So if you may excuse me, kailangan ko ng puntahan si Ceejay."

Naglakad na ako palabas ng classroom at nilagpasan si Chanyeol.

Hindi pa ngayon ang tamang oras para magbati kami. Hindi pa ito ang tamang panahon para patawarin siya ng puso ko, lalo na't patuloy parin akong nasasaktan.

--

"Hoy. Kris makinig ka nga kapag kinakausap kita." Masungit na sabi ni Ceejay.

"Nakikinig naman ako ah. Ano pa bang klase ng pakikinig ang gusto mo?" Inis kong tanong.

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon