Kris's POV
"Ikaw si Krypton diba? Nakita mo ba si Ceejay?"
Tumingin sakin yung lalaki at tumayo mula sakaniyang kinauupuan. Inayos niya yung salamin niya at lumapit sa akin.
"Wala siya ngayon. Nag-absent kasi may lagnat. What do you need?"
"Ah. Wala lang naman. Thanks anyway."
Tumalikod na ako naglakad palayo. Ilang araw na din simula ng hindi niya ako tinetext o kaya tinatawagan. Tss.
"Oh anyare sayo? Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa." - Baek
"Eh kasi naman si Ceejay. Hindi manlang nagtetext or tumatawag." Inis na sabi ko.
"Eh diba ayaw na ayaw mo nga pag nagtetext siya o tumatawag? Kulang na nga lang itapon mo cellphone mo eh." - Chen
"Kasi nga nasigawan ko siya nung isang araw eh hindi ko naman sinasadya. Ganon ba talaga katampuhin ang mga babae?" Frustrated na tanong ko.
"As far as I know, pag ganyan kailangan mo daw lambingin." Sabi ni Baek habang hawak hawak yung cellphone niya.
Lumapit naman sakaniya si Chen at binatukan.
"Ulol. Binabasa mo lang eh."
"Paki mo ba ha Kim Jongdae?! Sipain kita diyan eh!" Inis na sabi ni Baek.
"Tumigil nga kayong dalawa! Kayo ang pinuntahan ko para hingian ng advice pero nagkamali ata ako. Tsk."
"Aba bakit kasi kami ang tinanong mo diba. Wala kaming alam sa mga ganyan okay." Iritableng sabi ni Baekhyun habang hinahabol si Chen.
"Oo nga! Puntahan mo sina Suho sila ang may alam sa mga ganyan!" Natatawang sabi ni Chen.
Napakamot naman ako ng ulo at tumayo na mula sa aking kinauupuan.
Lumabas ako ng classroom at nagsimulang maglakad. Nakakainis talaga si Ceejay, ang OA niya kung yun lang ang dahilan ah.
"Oh Kris anong nangyari sayo?" Gulat na tanong ni Chanyeol ng makita niya ako.
"Dude kailangan ko ng tulong mo." Seryosong sabi ko sakaniya.
--
"Eh di puntahan mo sa bahay niya."
Napakamot naman ako sa aking ulo at umupo sa may rehas.
"Hindi ko alam kung saan ang bahay niya."
Binato naman niya ako ng cornick dahilan para ma-out of balance ako.
"Papatayin mo ba ako?!"
"Tanga mo kasi eh. Bestfriend mo tapos di mo alam kung saan ang bahay?" Sabi niya habang nakatingin sa may langit.
"Anong tanga ka diyan. Tss. Bakit ikaw? Alam mo ba?"
"143 Rich Gate 3." Diretsong sabi niya.
Napatigil naman ako at napatingin sakaniya.
What the--paano niya nalaman ang address ni Ceejay?
"What? May nasabi ba akong mali?" Naguguluhang tanong niya.
"Paano mo nalaman ang address niya?"
Natawa naman siya at umupo narin sa may rehas.
"Naalala mo yung nag-away tayo? Diba hindi muna ako tumira satin? So naghanap ako ng apartment tapos naging kapitbahay ko siya."
Tumango nalang ako at tumayo na mula sa aking kinauupuan.
"Mauna na ako dude." Pagpapaalam ko.
"Goodluck dude." Nakangiting niyang sabi.