Ceejay's POV
(Happy new year, love. How was your celebration?)
"Happy new year to you, too. Okay naman. As usual naghanda ng madami. Nag-inuman din mga pinsan ko."
(Oh. Uminom ka ba?)
"Hindi po. Ikaw ba? Kamusta ang celebration niyo nina Kris?"
(Okay naman. I had fun with those guys, as always. Nagkwentuhan lang kami at nagsindi ng lusis.)
Napangiti naman ako at napailing nalang. Kahit kailan talaga, ang childish ng grupo niya.
"Love, end ko muna ang call ha? May kailangan lang akong linisin."
(Okay love. Take care. I love you.)
I smiled and said 'I love you too' before ending the call.
New year, new life. Bagong simula 'to para sa amin ni Chanyeol. Sana lang, hindi na magkamali ang isa samin ngayon.
Habang naglilinis ako ng aking kwarto ay pumasok ang aking pinsan.
"Oh ate Cj, may kailangan ka ba?"
Umiling naman siya at nahiga sa aking kama.
"Narinig ko ang pag-uusap niyo kanina ni Chanyeol. Kayo na ba ulit?"
Napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin sakaniya.
"What's wrong with that ate?" Kunot noong tanong ko sakaniya.
Naupo siya at pinat yung space sa tabi niya.
Lumapit ako at umupo dun.
(Play the video on the side)
"Look, I know how much you love Chan. Pero kailangan bang masaktan ka ulit para lang matauhan ka? He hurt you once, sa tingin mo ba hindi niya kayang ulitin yon?"
"Ate, people make mistakes. Tao rin naman si Chan ah? Hindi ba pwedeng maging masaya ka nalang dahil nagkabalikan na kami?"
She sighed and held my hand.
"Remember those sleepless nights that you had? I was there because you're already like my little sister. Ayokong makitang masaktan ka."
"Ate, I understand you. Pero am I not old enough to know what's right from wrong? I trust Chan. Sana maibalik din yung trust niyo sakaniya." I said with pleading eyes.
Nagbugtong hininga naman siya at tumango nalang.
"Kailan mo planong dalhin siya ulit dito?"
"Hindi ko pa alam ate." Mahinang sabi ko.
"Be sure na andito tayong lahat kapag dinala mo siya, okay?"
Nagnod naman ako at tumayo na. Ayoko na kasing pag-usapan yung ganto. Hindi ko kayang nakakarinig ng masama tungkol sakaniya.
--
(They really hate me huh? Your family and friends.)
Napapikit naman ako ng marinig ko ang lungkot sakaniyang boses.
"Don't say that. You know that I love you. Sadyang, hindi ka pa nila kayang tanggapin ngayon."
(I know. You're love is always and forever will be enough for me. Nakakalungkot lang na hindi nila alam ang pinagdaanan nating dalawa.)
He paused for a minute at dun ko narinig ang pagsinghot niya.
(They tend to judge me like I'm a bad person. Oo, nagkamali ako Ceejay pero pinagsisihian ko yon. They don't know how hard it took me to have the courage to talk to you again.)
"Chan..."
(Let me talk first, okay?)
I nodded. Pretending that he's beside me.
(Minahal ko si Scarlet but not as much as I love you. Sadyang nandun siya nung mga araw na wala ka...)
Nagsimula namang tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya.
"I'm sorry, Chan. Hindi ko alam na napabayaan kita ng mga panahon na yon."
(It's okay. Kasalanan ko naman din diba? Naghanap ako ng iba. Hindi manlang kita inintindi.)
I wiped my tears away and hushed him. Never ko pa siyang nakitang umiyak or rather, narinig.
"Tama na Chan. I love you, yun lang ang mahalaga. Wag na nating ibalik ang nakaraan, please. Let's be happy okay?"
(We will. And I promise you that I will do my best to make you happen.)
Ngumiti naman ako at tumango-tango.
"I love you so much, Chanyeol."
(And I'll love you forever more, Ceejay.)
--
We spent the whole afternoon talking to each other. Kahit na sa telepono lang kami nag-uusap, parang ang lapit lapit niya sa akin.
We talked about our dreams and goals that we want to fulfill together.
Napuno ang pag-uusap namin ng tawa at kulitan. Si Chan kasi, puro biro.
(Ikaw ba si Yeol?)
"Ano nanamang kakornihan 'to Chan? Hahaha. O'sige na nga. Bakit?"
(Dahil sa-Yeol lamang ang puso ko.)
Pakiramdam ko ay lahat ng dugo ko ay napunta sa aking pisngi.
Bakit ba ganto siya ka-sweet? Nakakainis, pero at the same time napapangiti ako.
"Psh. Ang corny mo naman."
(Asus. Para namang hindi ka kinilig. Huwag ka nga, Ceejay. I know you all too well.)
Napairap naman ako at umiling-iling nalang. Kilala niya na nga talaga ako.
"Oo na. Kinilig na ako sa sinabi mo. Sino ba namang hindi?"
Narinig ko siyang tumawa mula sa kabilang linya. Ang tawa niya, napapagaan ang loob ko.
--
Rei's Corner: Para naman mahalin niyo rin si Chanyeol tulad ko. :)