Kris's POV
"Oh mamaya ha? May practice ulit tayo mamayang hapon." Paalala samin ni coach bago pa man kami pumunta sa may washroom.
Hindi ako sumabay ba maligo sa mga ka-teammates ko at nagpunas muna ng pawis.
While I was sitting on the bench, my phone vibrated.
"Hello?"
(Kris, don't forget to take your medicine okay?)
I smiled when I heard her voice. Ang sarap talaga pakinggan ng kaniyang boses.
"I will. Thank you for reminding me, Scarlet."
Narinig ko naman siyang tumawa mula sa kabilang linya ng tawag. Her laugh is music to my ears. Hindi tulad ni Ceejay na nakakairita ang tawa.
(Syempre naman noh. You're my friend.)
Nasaktan naman ako dahil sakaniyang sinabi. Oo nga, kaibigan nalang ako ngayon.
"Haha. Thanks anyway, Scar. I miss you. Bye."
When I ended the call, gusto kong ibato yung cellphone ko sa may dingding.
"Kris." Rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.
I turned to face the person who called me and saw Chanyeol.
"Ano nanaman kailangan mo? I'm not flirting with your girlfriend okay? Siya ang tumawag sakin." Inis na sabi ko.
Natawa naman siya at lumapit sakin.
"Wala naman akong pakialam kung kausapin mo siya eh. Hanggang ngayon kasi, you're the only one she loves."
My forehead creased to what he was saying. Ano 'to, some kind of game?
"Anong ibig sabihin mo ha?"
"We broke up. Sa totoo pa nga niyan, siya ang nakipaghiwalay sakin eh." Natatawang sabi niya.
Umupo siya sa tabi ko at yumuko.
"Never naman kitang napantayan sa puso niya eh. Ever since the day that incident happened, ikaw lang ang laman ng puso niya."
Nag-echo yung sinabi ni Chanyeol sa buong washroom. Wala na kasing tao. Kaming dalawa nalang ang nandito.
"Kris, alam kong iniisip mo na trinaydor kita. I'm really sorry about that. I just want to feel loved." Mahinang sabi niya.
Sinuntok ko naman siya at inoffer yung kamay ko sakaniya.
"Say that again at muling dadapo ang kamao ko sa pagmumukha mo. Mahal ka naman namin nina Tao ah. We've been by each others' sides since we were young. Tingin mo isang babae lang ang makakasira ng pagkakaibigan natin?"
Natawa naman siya at hinawakan ang kamay ko.
"Well, let me remind you the girl that you're pertaining to is your ex na mahal na mahal mo. Hanggang ngayon ang sakit mo paring sumuntok pero thanks bro. Pasensya ha? Nang dahil sakin nagkagulo ang barkada." Nahihiyang sabi niya.
"Kahit naman nagkaaway tayo, ikaw parin ang bestfriend ko. Twin towers nga diba?" Nakangiting sabi ko sakaniya.
Tumango naman siya at ngumiti. Ginulo ko yung buhok niya at inakbayan.
"Kris, alagaan mo si Scarlet ha? Minahal ko din ang babaeng yon."
"Hindi ko naman siya sasaktan eh."
Ngumiti siya at tinulak na ako sa may cubicle.
"Maligo ka na nga pare. Ang baho mo na."
Natawa naman ako sa sinabi niya at sinara na ang pinto.
It only takes a single punch to feel alright again. I'm so glad I have my bestfriend back. Ang kulang nalang ngayon ay ang babaeng aking pinakamamahal.
--
"Woah. Totoo ba 'tong nakikita ko? Magkasama kayong dalawa?" Gulat na tanong ni Sehun.
"Obvious naman diba? Isip din naman pag may time, Sehun." - Luhan
"Oh huwag niyong sabihin na kayong dalawa naman ang mag-aaway. Pag-uuntugin ko talaga kayo." Parang tatay na sabi sakanila ni Xiumin.
"Eh siya kasi eh! Inaagaw sakin si Kyle!" Sabay nilang sabi.
Natawa naman kami dahil sa away nung dalawa. Ang kulit lang nila.
"Hoy kayong dalawa pag nag-away pa talaga kayo puputulin ko yang legs niyo at iduduktong ko sakin at kay D.O." Sabi ni Chen na umupo sa tabi ni Chanyeol.
"Bakit ako nanaman ang dinamay mo?" Gulat na sabi ni D.O.
"Malamang kasi kayong dalawa lang naman ang maliit satin diba." - Baekhyun.
"Wow naman Baek, nagsalita ang matangkad. Eh kayong dalawa nga din ni Suho maliit eh." Natatawang sabi ni Chanyeol.
"Uy wag ka. Marinig ka ni Suho." Suway ko dito.
"Sus porket kasi matangkad lang kayong dalawa." - Kai
"Huwag kang mag-alala Kai, hindi naman sila magaling sumayaw eh." Sabi ni Tao habang kinakain yung Lay's ni Lay.
"Tao, tumigil ka nga sa kakakain ng pagkain ko. Buti sana kung pera mo pinambili ko neto." - Lay
Hindi naman siya pinansin ni Tao at nagpatuloy parin sa pagkain.
"It's good to be back, eh Chanyeol?" Nakangiting sabi ko habang nakatingin sa mga kabarkada namin.
"Oo nga eh. There's no group like ours." Natatawang sabi niya.
Lumapit naman samin si Suho at binulsa yung phone niya.
"Oh guys san tayo maglalunch? Libre ko dahil nagbati na ang dalawang higante."
Naghiyawan naman ang mga kasama namin dahil sa sinabi ni Suho. Para namang bago lang sakanila na nanlilibre ang taong 'to.
Ceejay's POV
"Ang saya mo ah." Natatawang sabi ko.
(Sino bang hindi? Okay na kami ng kaibigan ko Ceejay, can you believe that?) Bakas sa boses niya ang saya.
I smiled and looked at the stars. Ang dami lang bituin ngayong gabi, nakakatuwa.
(Hoy Ceejay sumagot ka naman!)
"Aray ko naman Kris! Ang sakit kaya sa tenga ng boses mo. Leche."
(Haha. Sorry naman. O'sige. Kailangan ko ng i-end 'tong call.)
"Sus. Ganyan ka naman eh. Sige na babye babalu."
(Gago. Goodnight.)
Pagka-end niya ng call ay napabugtong hininga ako. Buti pa sila ng bestfriend niya okay na. Kami kaya ng ex ko? Charot.
Kasi naman eh, hanggang ngayon mahal ko parin siya. Pasulpot sulpot nalang siya parang kabute.
Whenever he visits me, hindi ko mapigilan ang puso ko sa pagtibok ng malakas.
Oo nga pala, may sikreto ako pero please huwag kayong boka okay?
Crush ko na ata si Kris. Crush lang naman. Mukha kasi siyang badboy, ganon ang mga type ko pero walang tatalo sa ex ko. Gwapo na nga, masayahin pa. K. Landi mo Ceejay.
Bago pa man ako makatulog ay nagvibrate yung cellphone ko.
"Everything's alright now. I'll be with you soon, my love. I love you Javs. Please remember that. - C"
I smiled when I saw his text. He never fails to make me smile.
--
Rei's Corner: Hoot landi. HAHA pampagoodvibes mga babes! :)) sino kaya si "C" huehuehue