Unshaken 2.0

112 5 3
                                    

Jake's POV

Hindi ko alam kung gano katagal ba akong tulala simula ng tawagan ako ni Kris. Sumisikat na ang araw ngunit hindi parin ako nakakakuha ng tulog. Masyado akong natamaan dahil sakaniyang sinabi.

'Nakapagdesisyon na ako babawiin ko na siya mula sayo si Cecaniah, Jake.'

Inis kong binato sa may pader ang aking mga unan. Bakit ngayon pa Kris? Bakit ngayong hindi ko na kayang mawala pa sa akin si Ceejay?

F L A S H B A C K

(Dude please do it for me. Kapalit narin ng ginawa kong pagligtas sa buhay mo noon.)

Naiinis ako sa sinasabi niya. May sarili akong buhay pero bakit ganto? Bakit kailangan kong maghirap habang siya nagsasaya?

(Please take care of Cecaniah for me, kuya.)

Napabugtong hininga nalang ako at pumayag sakaniyang pabor na hinihingi. Kahit na hindi ko kilala ang Cecaniah tinutukoy niya ay gagawin ko ang kayang kong gawin. Para sa kapatid ko, gagawin ko.

"O'sige na. Aalagaan ko ang girlfriend mo habang wala ka."

(Thank you kuya. Just promise me one thing.)

Inis naman akong napakamot sa aking batok. Ano nanaman ba ang gusto ng kapatid kong 'to?

"Oh ano nanaman yon Kevin?"

(Please don't fall in love with her.)

"Ikaw ba si Cecaniah?" Tanong ko sa babae na kanina pa umiinom sa may counter.

Tinignan niya naman ako at nang magtagpo ang aming mga mata, dun ko naramdaman ang naging mabilis na pagtibok ng aking puso.

"It's Ceejay, not Cecaniah." Halata sakaniyang boses ang lungkot.

Umupo ako sa tabi niya at binawi ang kaniyang iniinom. Akma niya naman 'tong aagawin ng hawakan ko ang kaniyang mga kamay at hilahin siya papalapit sa akin. I just hugged her and in no time, naramdaman ko nalang ang mga luha niya sa aking dibdib.

That day I knew that I would break my promise to my brother.

Niligawan ko si Ceejay. I feel so happy whenever I'm with her at alam kong yun din ang nararamdaman niya tuwing kasama niya ako. It's like I was meant to meet her, to make her smile and to make her feel my love.

Nung araw na sinagot ako ni Ceejay, yun ang naging pinakamasaya at pinakamalungkot na araw ng buhay ko. Pinakamasaya dahil makakasama ko na ang babaeng tinitibok ng puso ko at pinakamalungkot dahil nasira ang samahan na binuo naming magkapatid.

Second family kasi ni dad sina Kris at Al, kahit ganon man ay mahal ko ang dalawang yon. Iisang dugo lang naman ang dumadaloy sa katawan namin e. Kaya nung araw na alam kong nasira ko ang pangako ko kay Kris sinabi ko yun kay Alexandria.

Naalala ko pa ang mga salitang sinabi sakin ng nakakabata kong kapatid nun.

"Wala namang masama na minahal mo din si Ceejay e, kuya. Ang masama lang dun ay maling oras at panahon mo siya minahal."

Wala na akong narinig mula kay Kris simula nung naging kami ng babaeng mahal niya ng buong puso. Hindi ko narin sinubukang kontakin pa siya dahil alam kong sira na ang relasyon na meron kami bilang magkuya. Kaya nang araw na sabihin din ni Ceejay na mahal niya ako ay pinangako ko sa sarili ko na mamahalin ko siya higit pa sa pagmamahal na binigay sakaniya ng kapatid ko.

E N D   O F   F L A S H B A C K

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nakaramdam ako ng kaba dahil baka hindi ko pa pala nahigitan ang pagmamahal ni Kris kay Ceejay.

Ngayon na nga lang ako magmamahal ng ganto pero bakit parang ako pa ang magmumukhang masama? Bakit ako ang magmumukhang mang-aagaw? Bakit ako ang sobrang makakawawa kapag iniwan niya ako pero ako parin ang magmumukhang mali?

Para akong bata na umiiyak habang yakap yakap ang unan na natira sa aking tabi.

Bakit kailangan pang maging ganto kasakit magmahal?

--

Rei's Corner: Maikli lang to kasi POV lang naman ni Jake. Thanks.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon