Ceejay's POV
"Hello! Ikaw si Scarlet diba?" Tanong ko dun sa babaeng pula ang buhok.
Humarap naman siya sa akin at ngumiti.
"Oo, ako nga. Is there anything you need?"
Halos mapanganga naman ako ng marinig ko yung boses niya. She's like an angel.
"Uhm. Hi! I'm--"
"Cecaniah Javier Perez." Nakangiting sabi niya.
"How did you know my name?" Taas kilay kong tanong.
She pointed at my left chest where my name plate was pinned.
"Oh yeah. Right." Natatawang sabi ko habang kinakamot yung ulo ko.
"Plus you're quite famous. Haha. Heard you're a good artist though sa Science Department ka."
"Ah. Yun ba? Haha."
Nagsimula naman siyang maglakad kaya sinabayan ko siya.
"Oo nga pala, Scarlet can we be friends?"
Tumigil siya saglit at tumingin sa akin.
"Are you sure? Sa loob ng isang taon ikaw palang ang nagtanong sakin niyan." Malungkot na sabi niya.
I smiled at her and nodded.
"Syempre naman noh! Sure na sure ako!" Naka-thumbs up na sabi ko.
Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin.
Paulit-ulit na "thank you" ang narinig ko mula sakaniya.
"After that incident happened, iniwan nako ng mga taong inakala kong mga kaibigan ko." Halos pabulong na sabi niya.
I hushed and hugged her back. Nakakaawa naman pala siya.
"Don't cry. Ang ganda mo para umiyak. Tara, ihatid kita sa classroom mo." Pag-alok ko sakaniya.
She nodded and wiped her eyes.
Habang naglalakad kami papunta sa classroom niya at napansin ko ang mga tingin ng mga kaklase niya sakaniya. It's like she's a bad person.
"Sabay tayong maglunch mamaya, okay Scarlet?" Naka-ngiting sabi ko sakaniya.
Nagnod naman siya at nagpaalam na sakin.
Such a sweet girl. I wonder why did her friends left her.
Naglalakad ako papunta sa may Department namin ng may makabunggo akong babae.
"Hala! Sorry. Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya.
Tumayo naman ako at pinagpagan yung damit ko.
"No worries. I'm okay." Nakangiting sabi ko.
"Whew! Akala ko naman may broken arm ka na or something."
Natawa naman ako dahil sakaniya.
"Uh. Why are you laughing?"
"Maka-broken arm ka naman kasi teh! Agad-agad?" Nakangiting sabi ko.
Nang marealize niya na medyo exaggerated nga siya, she ended up laughing with me.
"Grabe! Ngayon lang ako natawa ng ganto sa loob ng isang taon."
Huh? Bakit sa loob ng isang taon?
"What do you mean?" Tanong ko sakaniya.
"You see, I was stupid enough to leave a friend." Malungkot na sabi niya.
Nanlaki naman ang mata ko. Could it be?
"Si Scarlet ba ang tinutukoy mong kaibigan?"
Bakas sakaniyang pagmumukha ang gulat ng marinig niya ang pangalan ni Scarlet.