Twins

318 15 17
                                    

Kris's POV

"Bobo. Tinatanong kung anong gusto mong kainin tapos ang sinabi mo 'kahit saan.'? Yung totoo Ceejay? Paano ka napunta sa SCD?"

Tinignan niya naman ako ng masama at inambahan ng suntok.

"Imbes na gumaan ang loob ko sayo, lalo akong nakakainis. Bwisit. Magsama kayo ng ex mo."

"Sus selos ka lang sakanilang dalawa ni Chan eh." Pang-aasar ko.

Tinuloy niya naman yung suntok niya sakin pero wala eh, ang hina ng babaeng 'to. Di tulad ng kapatid ko. Shet. Amazona yun eh.

"Bakit ba kasi kayo nagbreak? Ako nanaman ang pinepeste ng ex mo. Kaibigan ko siya oo, pero konti nalang masasapak ko na yon. Tss."

Napatahimik naman ako dahil sakaniyang tanong. Dapat ko bang sabihin na siya ang dahilan kung bakit kami nagbreak ni Scarlet? Na hindi talaga mutual ang feelings namin nung nagbreak kami?

"Wala na tayong magagawa dun. We don't love each other anymore." Pagsisinungaling ko.

Napabugtong naman si Ceejay at tumayo na mula sakaniyang kinauupuan.

"Tara! Ilibre mo nalang ako ng fishball. Pampalubag loob man lang."

Nang hawakan niya ang aking kamay, parang may kuryente dumaloy sa buong katawan ko.

"Kuya tatlong order nga po ng fishball tapos--hoy Kris anong gusto mo?"

Nabalik naman sa katinuan ang pag-iisip ko ng kausapin niya ako.

"S-squidball nalang sakin. Dalawa lang." Sabi ko habang nakatingin parin sa kamay naming magkahawak.

"Oh ayon daw po kuya. Dalawang squidball."

Pagkatapos niyang sabihin yon ay binitawan niya na yung kamay ko. Tss. Kala ko pa naman mas tatagal pa yun.

"Bale twenty five pesos lahat ng kinuha niyo." Sabi nung nagtitinda.

Pinalo naman ni Ceejay yung kamay ko habang kinakain yung fishball niya.

"Magbayad ka huy. Sabi ko sayo ilibre mo ako eh."

Napairap naman ako at binigay yung bayad sa nagtitinda. Minsan panira ng mood 'tong si Ceejay. Kikiligin na sana ako eh--wait what? Anong kikiligin? Shet. Nagiging bakla na ata ako.

"Earth to Kris! Earth to Kris!" Rinig kong sigaw ni Ceejay.

Tinignan ko naman siya at tinaasan ng kilay.

"Hatid mo'ko samin." Utos niya sa akin.

"Wow ano mo'ko? Boyfriend?"

"Boyfriend agad? Asa ka naman. Bestfriend kita noh. Hindi boyfriend. Assumero 'to."

Binatukan ko naman siya dahilan upang mapahawak siya sa ulo niya. Kanina pa ako binabasag ng babaeng 'to ah. Huwag niyang ilabas ang galit niya kay Scarlet sakin. Tss.

"Ikaw naman di na mabiro. Sorry na. Hatid mo ako please." Pagpapacute niya habang hinihila laylayan ng t-shirt ko.

Madali naman niya akong napapayag kaya ang baliw ay tumalon talon na parang nanalo sa lotto.

--

Pagkahatid ko sakaniya ay napagpasyahan kong bisitahin ang kakambal ko sa bahay namin. Panigurado miss na ako nun.

"Saglit lang! Hindi ka naman makahintay eh." Rinig kong sigaw niya mula sa loob.

Andito ako sa labas ng pintuan namin, kanina ko pa kasi pinipindot yung buzzer.

"Aish ang kuli--kuya?!"

"Oh. Bakit ka naman nagulat diyan? First time mo makakita ng gwapo?"

"Wow. Kapal mo rin. Tss. Hoy pwede ba BenBen huwag mong ipasok yang sapatos mo? Kakalinis ko lang!"

Di ko naman siya pinansin at dumiretso na ako sa may sala. Humiga ako sa may sofa at binuksan yung tv.

Dinag-anan naman ako ni Al dahilan para mabitawan ko yung remote.

"What the hell? Al naman! Ang bigat mo kaya!" Sigaw ko habang pilit siyang tinutulak palayo.

"Nakakainis ka kasi kuya! Sinabi ko ng hubarin mo yang sapatos mo eh." Inis ma sabi niya ng maitulak ko siya.

"Why are you so OC? Hindi ka naman ganyan nung umalis ako ah."

"That's the point kuya. Wala na kasing baboy dito sa bahay." Pagtataray niya.

Binato ko naman sakaniya yung throw pillow sa tabi ko. Tama ba namang sabihan ako ng baboy? Minsan talaga iisipin mo kung babae talaga 'tong kakambal ko eh. Tss.

"Aray ko naman kuya! Broken hearted na nga ako tapos binabato mo pa ako ng unan." Pagdadrama niya.

"Weh? Ikaw broken hearted? Kailan pa?" Pang-aasar ko.

"Kanina lang." Mahinang sabi niya.

Bigla namang nagbago yung mood niya kaya nawala yung ngiti sa mga labi ko. Nilapitan ko ang kakambal ko at niyakap siya.

"Kuya ang sakit pala talaga magmahal noh? Yung nagpakatanga ka na't lahat lahat tapos mapupunta lang sa wala." Bakas sa tono niya ang lungkot pero walang luha ang pumatak mula sakaniyang mga mata.

"Pwede ka namang umiyak eh. Bakit ayaw mong ilabas?"

Humiwalay naman siya sa aking yakap at tinignan ako.

"You'll call me gay if I cry."

Halos matawa naman ako dahil sa sinabi niya. Seriously? Yun talaga ang iniisip niya?

"Tanga neto. Tatawagin ba kitang ganon kung alam ko ang pinagdadaanan mo?"

Napailing naman siya at sinubsob yung mukha niya sa balikat ko. I patted her back and kissed her head.

"Sa pagmamahal Al, we make decisions that are either good for us or good for someone else. Nothing's right nor wrong. Sadyang nakasalalay 'to mismo sa tao."

Pagkasabi ko ng mga salitang ito ay naraman ko ang mainit na likido na pumatak sa damit ko. She's crying now. My little sister is still young and naive.

We stayed in our position for a few more minutes ng napagdesisyunan na niyang humiwalay na sa akin.

"Nagugutom ka ba or something kuya? Ipagluluto kita."

Tumayo naman siya at pumunta sa may kusina kaya sumunod na ako.

"You're going to cook? Baka naman lasunin mo lang ako Al."

Pinukpok niya naman ako ng sandok at sinungitan.

"I won't mind poisoning you kuya lalo na kung iinisin mo pa ulit ako. Tss."

At dahil binantaan na ako ng sarili kong kapatid ay nanahimik na ako.

Pinanganak kaming dalawa ni Al bilang fraternal twins kaya naman hindi talaga kami magkamukha pero yun lang ang pinagkaiba namin.

Kung cold guy ako, ganyan din si Al kaso mukhang pakonti-konti na siyang nagbabago katulad ko at pinapakita na kung ano ba talaga siya. A warm and loving person.

"Hoy kuya anong nginingiti ngiti mo diyan? Mukha kang ulol na aso."

Nawala naman yung ngiti ko sa labi at napangiwi nalang. Ang isang gwapong katulad ko, magmumukhang aso? You've got to be kidding me.

"Asa ka naman Alex Ruiz Wu! Porket nanominate kang Ms.Seiso Academy ganyan ka na?" Naka-grin na sabi ko.

"Kadiri ka kuya! Ugh. Alam mo namang ayaw na ayaw kong naririnig yan."

"Sus. Bakit ka naman nandidiri? Eh nakapaskil nga yung photo niyo ni Neon sa buong academy niyo." Dagdag ko pa para mas lalo siyang mainis.

"Lalasunin talaga kitang babalu ka!"

Naghabulan kaming dalawa ni Al sa loob ng kusina habang pinapalo niya ako ng sandok na hawak niya. Hindi ko mapigilan ang ngumiti habang hinahabol ako ng kapatid ko, atleast nakalimutan niya ang nararamdaman niyang sakit sa puso.

--

Rei's Corner: Oh pinapakilala ko nga pala ang kakambal ni Kris...si Nana! CHENEN! HAHAHA :((:

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon