Ceejay's POV
Halos malaglag yung puso ko sa may lupa ng nakita ko silang apat na nakatayo sa aking harap. De joke lang. OA ko naman kung ganon diba.
"So, dito na kayo titira? As in dito na titira sina ate at kuya?"
Tumango naman si Dad at ngumiti.
"Miss ka na daw ng mga kapatid mo eh. Sila ba? Hindi mo namiss?"
Tinignan ko naman sina Ate Aj at Kuya Ej na nakangiti sakin.
Nagkibit balikat naman ako at napabugtong hininga.
"Syempre namiss. Sino ba namang hindi makakamiss sa dalawang bwisit na yan?"
Bigla naman akong kinotongan ni Mama, dahilan para masubsob ako sa may lamesa.
"Aray naman ma! Nanay ba ang ganyan? Sinasaktan ang sariling anak?" Pagtatampo ko.
"Asus. Hindi mo bagay magtampo ang pangit mo."
"Lechen naman ma. Ina ba ang ganyan?"
"Pangit ka naman talaga. Akalain mong pinatulan ka pa ulit ni Chan."
Nagulat naman ako sa aking narinig. Sinabi sakanila ni Ate Cj?
"Oo, alam na namin ang totoo Ceejay. Kaya nga naisipan namin ni Kuya Ej na magstay na dito eh." Nakangiting sabi ni Ate Aj.
"Atsaka sayo na daw mismo nanggaling na nagbago na siya. Nagsisi na siya sa ginawa niya, eh di oras na para magkaroon ako ulit ng kapatid na lalaki!" Dagdag ni Kuya Ej.
Naramdaman ko naman ang paghawak ni Mama sa aking kamay kaya napatingin ako sakaniya.
"Ceejay, gusto naming malaman mo na tinatanggap na namin siya ulit. Hindi niyo na kailangan magtago pa. Kung pwede nga lang, papuntahin mo sana siya ngayon dito."
Tinignan ko naman sina Daddy at Kuya na nakangiti lang sa akin.
Ano bang ginawa kong kabutihan at naging ganto kabait ang pamilya na binigay sakin ng Diyos.
Niyakap ko naman sina mama at pinunasan ang luhang tumutulo mula sa aking mga mata.
"Thank you ma. Thank you." Paulit-ulit kong sabi.
Bumitaw naman na sa pagkakayakap si mama at nginitian ako.
"Tawagan mo na siya. Namiss na namin siya eh."
Tumango naman ako at dinial na ang number ni Chan.
--
"Nako hijo, mas tumangkad ka ata simula nung huli kitang makita!"
"Ay. Opo. Haha. Sumobra na nga po ata ang tangkad ko eh."
"Bro, baka matalo parin kita sa basketball ah!"
"Nako kuya, alam mo namang hindi talaga ako magaling dun."
Nagtawanan naman silang tatlo na para bang walang nangyari.
"Ma oh, si Ceejay pangiti-ngiti." Pang-asar ni ate.
"Hay nako Aj, nangangaelam ka nanaman. Hayaan mo na at inlove yang kapatid mo." Suway sakaniya ni mama.
Napailing nalang naman ako at tinulungan na sila sakanilang niluluto. Ngayon lang ulit naging maingay ang bahay na 'to.
"Hon, mauna na kami ng mga bata sa court. Isunod niyo nalang yan at magpicnic tayo sa may field."
"Inutusan mo nanaman ako, Javier. Osha mag-iingat kayo. Huwag niyong papahirapan yang si Chanyeol ha?" Paalala sakanila ni mama.
Nagpaalam naman na sila at nauna na sa may court.