Responsibility and Fidelity

267 14 7
                                    

Ceejay's POV

"You did what?!" Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Chan. I'm lost for words.

"Bro isang buwan ka lang nawala tapos malalaman naming nakabuntis ka? Yung totoo?" Inis na tanong ni Baekhyun.

"Hindi ko alam okay? I was drunk and broken that time. Malay ko ba na capable akong gawin ang bagay na yon."

"Well duh. Bobo ka ba? Talagang magagawa mo yon kasi nga lalaki ka and to think na lasing ka ng mga panahon na yon." Napatigil naman si Kyle at bumugtong hininga nalang.

"Guys naman huwag kayong ganiyan. Frustrated na nga ako eh tapos ganiyan pa kayo." Sabi ni Chan habang sinasabunutan ang sarili niya.

Lumapit naman sakaniya si Kris at binatukan siya. "Gago. Kasalanan mo yan. Kilala mo ba kung sino yung babaeng yon?"

Hinimas naman ni Chan yung batok niya at tinignan si Kris. Nagshrug siya at iniling yung ulo niya.

"Tanga talaga neto. Ano ng balak mo ngayon?" Sita sakaniya ni Xiumin. Lahat kami nagulat dahil nagmura siya.

"Oh anong problema niyo?"

"Wala. Nagsalita ka kasi. For the first time." Tulalang sabi ni Chen.

"I'm not mute okay? Para namang himala ang nasaksikahan niyo." Natatawang sabi niya.

Natawa narin naman yung iba habang ako, si Kris at Chanyeol ay seryoso parin.

"Hanapin mo siya. Try to contact her. Baka sakaling sumagot siya."

"I tried that already Javs. Kaso wala eh. Hindi ko din siya mabosesan."

"Ano plano mo ngayon?"

Tinignan niya si Kris at nagshrug nalang. Ano ba kasing gulo ang pinasok ng lalaking 'to?

"Make sure you'll take the responsibility pag nakilala mo na kung sino siya." Seryosong sabi ni Kris.

"I will. Anak ko rin naman yon diba? Hay. Kahit naman mistake lang yon hindi naman ako gago para takbuhan yon noh."

Hinawakan ko naman yung kamay niya at nginitian siya. Eto yung side na gusto ko kay Chan, he knows when to be serious.

Someone's POV

"May magagawa pa ba kami ng daddy mo? Apo rin naman namin yang dinadala mo." Pag gigive-up ni mama.

"Stop crying my princess. It won't do you any good. Kakausapin namin ang mga teachers mo. Whatever happens, hindi ka titigil sa pag-aaral. Maghohome school ka na starting tomorrow, okay?" Seryosong sabi ni daddy habang pinupunasan ang mga luha ko.

Tumango naman ako at niyakap sila. I feel bad for my parents, they only want what's best for me pero ito ang sinukli ko sa lahat ng efforts nila.

"Kailan mo balak sabihin kay Chanyeol na siya ang daddy ng dinadala mo?"

"Hindi ko alam ma, hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sakaniya."

Hinawakan ni mama ng mahigpit ang kamay ko at tinignan ako ng malungkot.

"Sooner or later kailangan niyang malaman ang totoo."

I heaved out a sigh and smiled at them.

"I'll go to my room lang ma, dad." Pagpapaalam ko sakanila at umakyat na.

Umupo ako sa tabi ng bintana at tinignan ang mga taong naglalakad sa may kalsada hanggang sa nakita ko sila. Si Chanyeol at ang buo niyang barkada na kasama ang kaniya-kaniya nilang kasintahan.

Sinundan ko lang siya ng tingin at isa lang ang napansin ko--mahal niya parin si Ceejay. Kitang kita naman sakaniyang mga mata eh. Kung paano 'to kumikinang tuwing tinitignan niya si Ceejay.

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon