Unshaken

91 5 1
                                    

Ceejay's POV

"Kris ang bagal mo bilisan mo na nga!"

"Oo na. Hindi ka ba makapaghintay?" Pagtataray nito sakin.

"Ang dami mo pa kasing seryemonyas. Malelate na tayo sa meeting niyan e."

Umupo na ako sa may dining table at nagsimula ng kumain. Nakakainis ang taong 'to, baka mawala pa ang investor dahil sakaniya.

"Can't you relax, Cecaniah? You're nagging too much."

Magsasalita pa sana ako ng hindi na ako pinansin ni Kris. Aba! Tignan mo ang babalu na 'to. Siya na nga may kasalan. Tss.

Imbes na awayin pa siya ulit ay kumain nalang din ako. Ayoko kasi sa lahat e yung babagal bagal. Nag-aaksaya lang masyado ng oras.

"Can you please pass the butter, Cecaniah?"

"Wala ka bang kamay?" Pagtataray ko sakaniya.

"Please naman Cecaniah simpleng pagpasa lang ng butter pag aawayan pa natin?"

Umirap nalang naman ako at binigay na sakaniya yung butter. Ako nanaman ang may mali. Bwisit.

"Cecaniah ngumiti ka nga, nagtataray ka nanaman. Mawala pa ang investors." Bulong sakin ni Kris habang kinakamayan yung ka-meeting namin.

Kakatapos lang ang meeting at sucess naman. Sino bang mag-aakala na magaling manloko 'tong si babalu at nakuha niya agad loob ng investors namin?

"Kung yung kaninang umaga ang kinagagalit mo, sorry na. Ililibre nalang kita. Saan mo ba gusto?"

Umaliwalas naman ang mukha ko ng marinig ko ang sinabi niya. Aba, libre niya daw e! Alangan namang mag-inarte pa ako diba?

"Gusto ko sa Mcdo!" Masayang sabi ko.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. Nagsitaasan ang mga balahibo ko dahil dun. Bwisit. Bakit ba ang gwapo niya kapag nakangiti?

Iniling ko ang aking ulo. Mali 'to! Hindi dapat ako magwapuhan kahit kanino maliban kay Jake. Para na akong nagtataksil neto 'e.

"Tara na. Balik na tayo sa bahay then after we change labas na tayo papuntang mcdo. I'll drive."

Pagkadating namin sa bahay ni Kris ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Inayos ko na yung damit na aking susuotin at nang papasok na ako sa may cr ay nagring ang phone ko.

"Hello?"

(Hi hon, how's your meeting?)

Bigla namang nawala ang pagod ko ng marinig ko ang boses ni Jake mula sa kabilang linya.

"Jakey! Buti naman at tumawag ka. Nakakapagod! Pero okay naman kasi na-close na namin yung deal and ililibre nga pala ako ni Kris sa Mcdo, okay lang ba?" Oo nagpapaalam ako sa boyfriend ko ng alam niya naman kung saang lupalop ba ako nagpupupunta.

(Haha nagpaalam ka pa. Sige enjoy ka ha? Wag mo naman ubusin ang pera ni Kris.)

Napairap naman ako dahil sa sinabi niya. Wala akong plano na magkautang sa babalu na yon.

(O'sige na Ceejay, I'll call you later when you get home. Take care, I love you.)

"I love you too." Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay wala na akong narinig mula sa kabilang linya.

Nagpahinga ako saglit at tinignan ang mga photos na nasa aking cellphone. Sa paghahalungkat ko, nakita ko ang mga picture namin nung college pa kami.

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon