Acceptance Part 2

302 16 24
                                    

Ceejay's POV

"Buti naman at dumating kayo sa tamang oras."

"Che. Bwisit. Napuyat ako kagabi dahil katext ko si Kai tapos papapuntahin mo kami dito sa park ng ganto kaaga." Inis na sabi ni Den. Bakas sa mukha niya ang pagkabangag.

"Hayaan mo na yan si Den. Ano bang meron, Cee?" Tanong ni Ellah habang nagstestretch.

"Makakasama natin ngayon si Chan."

Nanlaki naman ang mga mata nila at sabay sabay na sinabi ang salitang "What" dahilan para mapatingin samin ang ibang tumatakbo.

"Aish! Ang eskandalosa niyo naman. Tss." Suway ko sakanila.

"Ano ba kasing nangyayari Cecaniah Javier Perez? Ano ang hindi namin alam?" Nakapamewang na tanong ni Vanessa.

"Ganto kasi yan girls, kami na ulit ni Chan. Natanggap na siya nina daddy kahapon at umaasa ako na kayo naman ngayon ang tatanggap sakaniya."

"May magagawa pa ba kami?" Mataray na sabi ni Zoe.

"Sayang, I was kinda shipping KriJay." Bulong ni Fam.

"Ako nga rin eh. Tss. Kahit na kaibigan natin si Scarlet mas may kilig factor kayo ni Kris." Dagdag pa ni Kyle.

Binatukan ko naman silang dalawa at inismiran.

"Pwede ba, kung ano-ano yang pinagsasabi niyo! May kaniya-kaniya kaming gusto noh."

"Sabi mo eh." Komento naman ni Sunshine.

Baliw talaga ang mga babaeng 'to. Hindi makuntento kung sino ang mahal ko.

"Hi guys, sorry natagalan ako. Binilhan ko kayo ng gatorade." Hingal na sabi ni Chan habang inaabot yung inumin nila.

"Naalala mo yung...mga paborito namin?" Tulalang sabi ni Den habang hawak hawak yung blue na gatorade niya.

Ngumiti naman si Chan at tumango.

"Bakit ko naman kakalimutan? Eh sa loob lang ng isang taon, alam ko na lahat ng gusto niyo."

Napangiti naman ako ng nakita ko ang pagkagulat at tuwa sa mukha ng mga kaibigan ko.

"Tara na nga. Magjogging na tayo. Naluluha na kayo diyan eh!" Pagloloko ko sakanila.

Isa-isa naman silang naglitanya ng dahil sa aking sinabi. Natawa nalang ako at napailing, alam naman nilang totoo ang sinasabi ko sadyang nahihiya lang kasi sila kay Chan dahil sa mga ginawa nila nuon.

Habang nagjajogging kami ay patuloy lang ang asaran ng mga baliw kong kaibigan sa isa't-isa. Napaka-ingay talaga ng mga babaeng 'to.

"Hoy Chanyeol bakit ata parang lumalaki ang arms mo?" Puna ni Zoe.

"Ay. Ano kasi sumasayaw ako." Nahihiyang sabi niya.

"Ikaw? Sumasayaw? Hindi nga? Seryoso ka?"

Binatukan naman ni Bianca si Frost dahil sakaniyang sinabi.

"Aray ko naman Bianca! Bakit ba basta-basta ka nalang nambabatok? Tss."

"Eh obvious naman na sa arms niya diba? Ibig sabihin seryoso siya dun."

"Oh kayo naman ang mag-aaway ngayon? Chill lang mga teh." Suway sakanila ni Vanessa.

"Huwag niyo naman akong pag-awayan. Taken na ako eh." Natatawang sabi ni Chan.

Agad naman siyang tinignan ng masama ng mga baliw kong kaibigan at dahan dahan na nilapitan.

"Aba Chanyeol baka gusto mong matikman 'tong kamao namin." - Den

"Yabang mo ah. Porket isang taon lang tayo hindi nagkasama." - Ellah

"Tignan natin ngayon kung may mukha ka pang ihaharap kay Ceejay." - Sunshine

"Kapal mo. Di hamak na mas gwapo sayo si Xiumin noh." - Vanessa

"Kahit pandak si Suho, mas pipiliin ko parin siya kaysa sayo yon eh." - Bianca

"Wala akong rason. Gusto lang talaga kita gulpihin. Wala naman akong ipapagmalaki kay Sehun eh." Natatawang sabi ni Kyle.

Napailing naman ako ng pagtulungan nila si Chan. Natawa nalang kami nina Famille at Zoe dahil sa kakulitan nila.

"Naglaro ang mga bata."

Napatingin naman sila kay Famille at ngumiti ng nakakaloko.

"Bata pala ah. Halika dito Fafa at ikaw ang pagtutulungan namin!"

Pagkasabi nito ni Chan ay agad nilang hinila si Famille sa may damuhan at kiniliti. Nainggit naman kami ni Zoe at sumama na sa mga kalokohan nila.

--

"Grabe Chan, sumasakit ang bilbil ko sayo!" - Zoe

"Ako pa ang sinisi mo sa pagsakit ng bilbil mo Zoe. Ew lang."

"Hoy Chan umayos ka nga. Tagbasin ko yang tenga mo eh. Tss." - Kyle

"Pwede ba yung baba nalang ni Sehun tagbasin mo?"

"Oy! Benta yun ah Chan!" - Vanessa

"Talaga? Magkano?"

"Bwisit ka." - Vanessa

"I love you too."

Pinalo ko naman siya ng mahina at napailing. Kahit kailan talaga, mahilig sila magbarahan ng mga trip.

"Asus! Nagselos naman ang girlfriend ko."

"Ayan kasi, malandi ka." Singit naman ni Den.

Tinignan siya ni Chan at binelatan. Ang dalawang 'to, lagi nalang nag-aasaran. Minsan nakakapangselos na talaga. Lol.

"Oy parekoy, yung girlfriend mo nagseselos na oh." Sabi ni Ellah habang kumakain ng fries.

Inakbayan naman ako ni Chan at kinurot ang aking mga pisngi.

"Nako marekoy, wala siya dapat ipagselos dahil siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito."

Naramdaman ko naman ang pagkapula ng aking mga pisngi at narinig ko ang samu't saring pang-aasar ng aking mga kaibigan.

That's the thing about Chan, nung nililigawan niya palang ako pati sina Den niligawan niya narin.

Kaya siguro kahit nagalit na sila sakaniya, madali lang itong nawala the moment they smiled to each other.

--

Rei's Corner: Si Kris nalang. OMG. Haha. Goodnight. :)

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon