Kris's POV
"Hoy Ceejay pansinin mo naman ako. Kanina pa ako nagsasalita dito ah." Inis na sabi ko sakaniya.
"Ah. Nakakikinig naman ako. Kausap ko lang yung kaibigan ko." Nakangiting sabi niya.
Inagaw ko naman sakaniya yung cellphone niya at binulsa.
"What the--"
"Shut it. Pag nagkekwento ka, nakikinig ako tapos ngayon na ako ang kailangan mag kwento hindi ka nakikinig. Sino ba kasi yung katext mo ha?"
Inirapan niya naman ako at pinatong yung paa niya sa may lamesa.
"Yung ex ko." Simpleng sagot niya.
Hindi ko alam kung bakit pero nainis ako ng sabihin niya yon. So uunahin niya pa yung ex niya kaysa ako na bestfriend niya? Tss.
"Whatever. So tutulungan mo ba ako o tutulungan mo ko?"
"Wow naman Kris. May iba pa ba akong choice? Tss. Ano bang gusto mong gawin ko sa Scarlet na yun ha?"
Kinuha ko yung bag ko at nilabas yung sketch pad ko. Hindi kasi ako magaling mag-explain so I'll do it through my sketches.
"Ano 'to? Hindi ko alam na may kapatid kang 3 years old!" Gulat na tanong niya ng makita niya mga drawing ko.
Binatukan ko naman siya at nagdrawing sa sketchpad ko.
"Bastos ka. Ako ang nagdrawing niyan. You don't know anything about art." Mayabang na sabi ko sakaniya.
"Excuse me? Ako ba ang sinasabihan mong hindi marunong magdrawing?"
"Oo. So shut up and listen to me."
"Psh. Bish." Rinig kong bulong niya.
I ignored her comment and explained what I have drawn.
"So ang gusto mong gawin ko ay kaibiganin siya?"
"Exactly. Dapat sabihin mo sakaniya lahat ng bagay na maganda tungkol sa akin." Nakangiting sagot ko.
"Fine. Whatever. Now can I have my phone back?"
Minock ko naman siya at binalik sakaniya yung cellphone niya.
"Ang liit liit mo tapos ang gamit mong cellphone Note 3. Yung totoo?"
"Paki mo ba? Sorry naman kung 5'5 lang ako ha. Ikaw ng 6 something ang height." Pagtataray niya.
"Alam mo ang taray mo. Meron ka ba?"
Tinignan niya naman ako ng masama kaya napataas nalang ako ng kamay. I flipped the pages of my sketchpad and started drawing.
She took a peak on what I was doing and gawked to what she saw.
"Kris, gusto mo magtake ng art lessons? Sa tingin ko kailangan mo ng ganon." Natatawang sabi niya.
Binato ko sakaniya yung lapis ko at sumimangot.
"Ang bastos mo talaga. Buti pa si Scarlet naaappreciate ang mga gawa ko. Tss."
"Pasensya ka. Bestfriend mo'ko at natural lang na sabihin ko ang totoo."
"Anong pinaparating mo? Na sinungaling si Scarlet?" Inis na tanong ko.
"Agad-agad? Hindi ba pwedeng talagang na-appreciate niya yan dahil mahal ka niya?"
Napangiti naman ako sa sinabi niya at nag-smirk.
"Syempre naman! Mahal na mahal ako nun." Pagmamayabang ko.
Napailing naman siya at tumayo sakaniyang kinauupuan.
"Oh paano ba yan, una na ako. May P.E pa kami eh."
Umayos ako ng upo at nilagay na yung sketchpad ko sa may bag.
"Sabay na tayo. Punta narin ako sa may lab."
Tumango naman siya at nagsimula na kaming maglakad.
Habang naglalakad, busy na busy ang kasama kong bubwit sa pagtetext. Sino bang kausap niya at hindi na niya napapansin ang daanan?
Patawid na kami ng kalsada pero hanggang ngayon hindi parin siya tumitigil sa pagtext.
Sa isang iglap, natumba na siya sa akin. Narinig ko ang malakas ng busina ng kotse.
"A-aray." Daing niya.
"Ayan! Puro ka kasi text! Kung hindi kita nahablot baka lasog lasog na yang katawan mo ngayon!" Galit na sabi ko sakaniya.
Tumayo siya mula sa aking ibabaw at pinulot ang kaniyang cellphone.
"Sorry. Hindi ko naman sinasadya eh." Mahina niyang sabi.
"Hindi sinasadya? Man, you could've died there Ceejay."
"Sinabi ko namang hindi ko na nga sinasadya diba?!" Sigaw niya sa akin.
I was taken aback when she shouted at me. Mabilis siyang tumakbo palayo sakin.
Gusto ko siyang habulin pero na-glue ako sa aking kinatatayuan.
Her eyes... They were filled with tears.
Ceejay's POV
Bwisit na Kris yun! Nagsorry na nga ako diba? Ano pa bang gusto niya?!
Tumakbo ako palayo sakaniya at dumiretso sa may ilalim ng puno.
"Nakakainis talaga ang babalu na yon."
"Why are you crying?"
Napatingin ako sa kabilang side ng puno at nakita siya nakatingin sa may langit.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. Umupo siya at niyakap ako.
"Huwag ka ng umiyak. Andito naman na ako eh."
Niyakap ko siya pabalik. Iba talaga ang dating ng boses niya sa akin.
"Hindi ka na ba aalis?" Naluluhang tanong ko sakaniya.
"Never naman akong umalis ah. I was always by your side kahit na hindi mo ako nakikita."
Napahigpit ang yakap ko sakaniya.
"Pwede bang ako nalang ulit? Pwede bang ako nalang ulit ang mahalin mo?"
"Konting hintay nalang Javs. Konting hintay nalang at malapit na akong mamove-on."
Pinikit ko ang aking mga mata at niyakap siya ng mas mahigpit.
Ngayon ko lang siya nayakap ng ganto simula ng iwanan niya ako a year ago.
Kung dati, puno ng sakit ang kaniyang mga yakap ngayon naman ay puno na 'to ng pagmamahal.
Unti-unti ng nawawala ang sakit sa aking puso dahil dito.
Konting hintay nalang diba? Makakaya ko pa naman eh.
"I love you, Chanyeol." Mahinang bulong ko sakaniya.
--
Rei's Corner: CHENen! Hahaha ang mahiwagang lalaki ay si Chanyeol. Fuhahaha. >:) dedicated to @justinjaine143 :)) love you girl! :*