Time Boils The Rain

214 16 25
                                    

Ceejay's POV

Days, weeks, months and even years have already passed. Isa na akong ganap na architect.

Yung iba sa grupo ay nagsisimula na sakanilang mga napiling propesyon habang sina Chan, Al, at Suho ay pinagpatuloy ang kanilang pagdodoctor.

"Ceejay makakapagdinner ba tayo mamayang gabi?"

"Oo naman. Bakit mo natanong?" Nakangiting tanong ko kay Jake.

"Wala lang baka gusto mong isama mo sina Denise."

Sinukbit ko naman yung bag ko sa aking balikat at sumabay na sakaniyang paglakad.

"Basta ba libre mo game naman ang mga babaeng yon." Natatawa kong sabi.

Ngumiti naman siya at tumango. Eto ang gusto ko sa lalaking 'to eh, go siya sa lahat ng bagay na gusto ko.

Limang taon na ang nakalilipas simula ng makilala ko si Jake. Nasa bar ako nun at lasing na lasing. Nalaman ko kasing may anak na si Kris at Chanel kaya ayon, bumalik ang pagkagaga ko.

That's when an angel was sent by God and brought me hope. Si Jake ang nagsilbing sandalan ko sa mga oras na yon hanggang sa nakapagpalagayan na kami ng loob at minahal ang isa't-isa.

"Just text them, okay? Isama na din natin sina Chan." Oo kilala niya sila Chanyeol dahil siya ang nagpuno sa mga pagkukulang ni Kris.

Tumango naman ako at nginitian si Jake. Pinagbukas niya ako ng pintuan ng kaniyang sasakyan hindi tulad ni... Ah basta napaka-gentleman talaga ni Jake.

Habang nagdadrive si Jake, hindi ko maiwasan na titigan ang kaniyang mukha. Napakaswerte ko at minahal ako ng isang tulad niya. Sana naman siya na nga talaga ang nakalaan para sa akin.

(Please play the song on the side. I am begging you. LOL.)

Kris's POV

"Daddy I'm hungry." Nakapout na sabi sakin ni Hilyah.

Kinarga ko siya at kinurot ang kaniyang pisngi. Nagmana siya sa mama niya, napakatakaw.

"Hilyah nasa Pilipinas na tayo. You should try to speak in Tagalog."

"Daddy naman eh. You know naman na conyo ako." Natawa naman ako sa sinabi niya. Ang cute talaga ng anak ko.

Pitong taon na ang nakalilipas simula ng umalis ako ng Pilipinas. Nung unang dalawang taon, nagkaroon ako ng anak at nawalan ng isang asawa.

Chanel died because of giving birth to Hilyah. Mahina na pala ang puso niya kaya gusto niyang ikasal na sakin habang maaga pa. I learned to love Chanel again pero hindi na tulad ng dati dahil alam ng puso ko kung para kanino ba talaga siya tumitibok.

"Daddy! You're not making pansin naman to me." Malungkot na sabi niya.

"Ay sorry baby. Saan mo ba gusto kumain? What does your tumtum wants?"

"Hm..." Kunwaring pag-iisip niya. Ang cute talaga ng batang 'to.

"Ay ang tagal naman mag-isip. Hindi na kita papakainin." Pagkukunwari kong naiinip.

"Daddy naman eh! I want Jollibee! Sabi mo you'll make me taste maligayang manok when we get here."

Kinurot ko naman ang pisngi niya at kiniss. Mga term nga naman ng anak ko na natututunan sa bwisit niyang tita.

"Osige na. We'll go to Jollibee pero Hilyah hindi maligayang manok ang tawag dun okay? Nakakahiya ka."

Inirapan naman ako ng anak ko at nagcross-arms eh nagpakarga naman sakin. Bipolar tulad ng tatay. Eh ako yun diba?

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon