One of the Boys

464 20 10
                                    

Ceejay's POV

"Ceejay can you explain what is written on the board?"

"Uh explain what sir?" Wala sa sariling sabi ko habang kinakamot yung ulo ko.

"Hay Ceejay, you're not listening again. Take your seat please. Be thankful that I'm in a good mood today or else you'll end up in detention." Iiling-iling na sabi niya.

Ngumiti nalang ako at naupo na. Grabe bakit ba ako nagspespace out ngayon ha?

"Hoy Ceejay, okay ka lang ba?" Bulong ng seatmate kong si Crest.

"Huh? Oo naman. Medyo kulang lang talaga sa tulog."

"Ayan, ang hilig mo kasing magpuyat. Nangangayayat ka tuloy." Pabulong din na sabi ni Krypton.

"Tama na nga, makinig na kayo kay sir at baka mapagalitan nanaman kayo." Saway ko sakanilang dalawa. Ewan ko ba kung bakit nasa science department ang dalawang 'to eh suki sila ng detention.

"Oo na ma'am. Pasalamat ka malakas ka samin." Sabay na sabi nila.

Napailing nalang ako at nakinig sa sir namin pero kahit anong pagfofocus ang gawin ko, tila nawawala ako sa tamang pag-iisip.

"Ceejay lunch naman tayo oh. Matagal ka na naming di nakakasama. Lagi nalang yung bestfriend mong si Kris. Nakakaselos na ha. Kami yung kasama mo simula pagkabata tapos ganto." Nagmamakaawang sabi ni Crest habang inaayos ko ang gamit ko.

"Pwede ba Javier huwag mo akong dramahan. Nagmumukha kang bakla eh." Natatawang sabi ko dito.

Naglakad palapit samin si Krypton at naupo sa aking tabi.

"Crest is right. Nang dahil sa Kris na yan kaya hindi mo na kami nakakasabay pauwi. Tell me Ceejay, is there something between the two of you?"

Tinignan ko naman siya at bakas sa aking mukha ang "wth are you talking about" look.

"Saan mo naman nasagap yan? Look, there's nothing between us Krypton. Bestfriends lang talaga kami ni Kris. Sorry kung hindi ko kayo nakakasama these past few days. Promise babawi ako ngayong araw." Paglalambing ko sakanila.

"Dapat lang talaga. Two weeks mo narin kaming nakalimutan noh. Tss." - Crest

Inakbayan ko naman si Crest at ginulo ang buhok niya. Kahit kailan talaga ang seloso ng lalaking 'to.

"Tara na nga. Gutom na ang alaga ko sa tiyan." Pag-aya ko sakanila.

Sabay kaming tatlo na lumabas ng classroom ng makita ko si Kris sa labas.

Tinignan niya sina Crest at Krypton mula ulo hanggang paa tapos sabay tingin sakin ng masama. Oh? Problema ng lalaking 'to?

"Ready ka na pala, tara na." Sabi niya sabay hila sa kamay ko.

"Hindi ako makakasabay, Kris. Kasama ko ang dalawang 'to ngayon."

Tinuro ko sina Crest at Krypton na halatang badtrip na sa nangyayari.

"Ah ganon? Sana naman sinabi mo para hindi na ako nagpagod pang pumunta dito sa building niyo diba." Cold na sabi niya sabay bitaw ng aking kamay.

"Promise sasabayan kita bukas." Medyo malakas na sabi ko dito.

"Don't even bother. Ayoko ng bumalik sa building niyong 'to."

Pagkatapos niyang sabihin yon ay umalis na siya. I heaved out a sigh and faced the two guys standing behind me.

"Pagbigyan niyo na, meron siguro. Tara na. Baka kulangin na tayo ng oras sa pagkain."

Tumango naman sila at sinabayan na ako sa paglalakad.

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon