Kris's POV
(Seryoso? Hindi ka talaga galit ha?)
"Oo. Ang babaw naman nun para magalit ako."
(Sus. Eh obvious naman kanina na gusto mo na silang patayin.) Mapang-asar na sabi niya.
"Isa pang sabi mo niyan, magagalit na talaga ako." Inis na sabi ko.
(Achuchu. Ang bilis mo talaga mainis. Haha.)
"Heh. Sige na, bukas nalang tayo mag-usap. Magpapractice pa kami may presentation kasi kami bukas."
(Huh? Para saan? Ano bang meron bukas?)
"Sabihin mo nga, nag-aaral ka ba talaga sa school natin? Bukas ang annual talent showcase."
(Aba'y sorry naman. Science Department ho kasi ako diba? Osha. Sige na. Magpractice ka na baka mapahiya ka pa bukas!)
"Bastos ka talaga. Okay bye." Pagka-end ko ng call ay pumasok na ako sa loob.
"Ano na ang gagawin natin? Di naman pwedeng mapahiya tayo sa buong school noh." Sabi ni Kai habang nakaupo sa tabi ni D.O.
"Eh kung sumayaw at kumanta nalang kaya tayo?" Suggestion ni Baekhyun.
Umupo ako sa tabi ni Tao at humingi ng kinakain niyang chips.
"Pwede rin. Tutal twelve naman tayo eh di, gawin nalang natin yung kanta ng Exo yung Growl." Sabi ni Chen sabay plug ng phone niya sa speakers.
Anong sinabi niya? Twelve kami?
Inikot ko yung paningin ko at nakita ko si Chanyeol sa tabi ni Xiumin. Ang kapal din ng mukha ng lalaking 'to.
"Ako na maghahati ng parts. Ikaw Kai, Sehun at Lay pag-aralan niyo na yung sayaw tapos ituro niyo nalang samin mamaya." Utos sakanila ni Chen.
Tumango nalang naman sila at pumunta sa isang bakanteng kwarto dito sa bahay.
Kami namang mga naiwan ay nagpractice na nga kanta. Ayos naman yung kanta, kahit na konti lang yung rap parts.
"Kai manunuod daw ba sina Denise bukas?" Tanong ni Lay ng matapos kaming magpractice ng buong kanta.
Namula naman si Kai. Akalain niyo yun, nakita ko pag yung pagpula ng pisngi niya kahit hindi siya ganon kaputi.
"Oo daw. Isusupport daw nila tayo." Nakangiting sabi niya.
"Yun naman eh! Makikita ko na sa wakas ang Sunshine ng buhay ko." - Baek
"Corny mo." - Sehun
"Asus. Porket hindi ka lang napapansin ni Kyle eh ganyan ka na." Pang-asar ni Suho.
"Eh di ikaw ng may Bianca. Ipagyayabang mo pa eh." - Luhan
"Ang bibitter niyong lahat. Gayahin niyo nalang kami ni Vanessa, masaya." - Xiumin
Napailing nalang ako at naupo sa may sofa. Ang mga taong talaga 'to, walang ibang ginawa kundi maging magulo.
"Matulog na nga tayo. Maaga pa tayong gigising bukas. Mga bata pa talaga kayo." Suway sakanila ni D.O.
Kaniya-kaniyang reklamo naman sila pero sa huli, pumasok narin sila sa loob ng kwarto nila maliban saming dalawa ni D.O.
"Oh D.O bakit hindi ka pa natutulog?"
"Ah-eh, tatawagan ko pa kasi si Ellah. Alam mo na, tuwing gabi ko siya kinakantahan." Nakangiting sabi niya.
Tumango nalang naman ako at pumasok na sa aking kwarto. Almost all of them found their happiness, yet here I am wanting to get mine back.