Ceejay's POV
Two weeks before prom, nabalitaan nalang namin na wala na sina Scarlet at Kris.
Hindi na pala talaga nila mahal ang isa't-isa. Kinailangan lang nila ng proper closure and that's it. Wala na pala talagang "sila".
"Ceejay, ano sa tingin mo? Should I get the blue one or the pink one?"
Nabalik naman ako sa kasalukuyan ng tawagin ni Scarlet ang atensyon ko. Andito kasi kami ngayon sa isang boutique kung saan siya kukuha ng gown.
"Uhm. Yung pink nalang siguro. Nagmumukha kang princess pag ganon eh." Nakangiting sabi ko.
Tinignan niya naman yung gown at tumingin pabalik sa akin. Nginitian niya ako pero bakas ang sakit sakaniyang mga mata.
"A princess without a prince."
Nang marinig ko ang mga salitang yon ay may iba akong naramdaman. May gusto ba siyang iparating sa akin?
Tinalikuran na niya ako at lumapit sa may cashier para magbayad. Tumayo naman na ako sa aking kinauupuan at lumapit na sakaniya.
Pagkatapos niyang magbayad ay lumabas na kami at dumiretso sa isang salon.
"Oh! Scarlet, ngayon ka nalang ulit naka-balik dito. Bakit hindi mo kasama si Chanyeol? I missed that guy!"
Halos maestatwa naman ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang pangalan ni Chan. Ibig sabihin sinamahan na niya nuon si Scarlet sa lugar na ganto?
"Ano ba girl, matagal na kaming wala ni Chan. Etong kasama jkong si Ceejay ang girlfriend niya." Pagpapakilala sakin ni Scarlet.
Kahit na nao-awkwardan ako sa nangyayari, pinilit ko parin ang sarili kong ngumiti.
"Ay ganon ba? Sorry girl! Napakabungangera ko talaga as always. Ako nga pala si Lindsay."
Tinaggap ko naman yung kamay niya at dinala na niya kami sa aming upuan.
Habang inaayos ang aming buhok ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Lindsay kanina.
Kung kilala niya si Chanyeol, ibig sabihin lang nun ay lagi niyang sinasamahan si Scarlet pag pumupunta siya dito.
Nakaramdam naman ako ng kirot sa aking puso. Bakit ganon? Alam ko namang, ako ang mahal niya pero hindi ko maiwasan ang magselos.
"Hey Ceejay, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Scarlet.
"A-ah oo. Medyo naninibago lang kasi ako. Ngayon lang ako magpapagupit sa salon na 'to."
Ngumiti naman siya at inabot sakin yung book na binabasa niya. Nabuo naman ang malaking imaginary question mark sa taas ng ulo ko. Nang mahalata niya 'to ay natawa nalang siya.
"Basahin mo. Para naman medyo magrelax ka. Masyado kang stressed eh."
Ay. Oo nga naman, ano ba ang ginagawa sa libro Ceejay? Binabasa yan. Hay nako.
Kinuha ko naman 'to at sinimulan ng basahin. Medyo luma narin 'to pero it's a good read.
I was engrossed to what I was reading ng di ko na namalayan na ending na pala ako.
"Woah. Malapit ka ng matapos? Grabe ka naman pala magbasa Ceejay." Gulat na sabi ni Scarlet. Malapit ng matapos yung haircut niya at sa totoo lang, maganda talaga siya.
Napakamot naman ako sa ulo ko at natawa.
"Ang ganda kasi eh. Masyado akong na-hook."
Nakitawa narin naman yung mga stylist sa akin kaya pinagpatuloy ko na ang pagbabasa.