Kris's POV
Ilang araw na ang nakakalipas pero hindi parin pumapasok si Ceejay. What happened to her? May tinataguan ba siya?
"Hoy Kris!" Sigaw ni Kai.
"Oh bakit?" Walang gana kong sagot.
"May naghahanap sayo sa labas. Si Scarlet."
Napatayo naman ako agad mula sa aking kinauupuan ng marinig ko ang pangalan niya.
Lumabas ako sa classroom at dun ko nakita ang isang napakagandang babae na nakangiti sa akin.
"Scarlet..." Mahinang sabi ko habang naglalakad ako papalapit sakaniya.
Nang magkaharap na kami, hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap na siya.
"Oh God, I missed you so much Scarlet."
Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik sa akin at ang pagbaon ng kaniyang mukha sa aking dibdib.
"I missed you too, Kris. I'm really sorry."
I hushed and hugged her tightly.
"Leave the past behind. We'll start anew okay? Hayaan mong manligaw ako ulit sayo."
"Baliw. You don't need to court me, kasi from the very start ikaw lang ang mahal ko."
Napangiti ako ng marinig ko ang mga salitang yon.
I let go of our hug and kissed her forehead.
"I love you so much, Scarlet."
"I love you too." Nakangiting sabi niya.
--
(Oh ayan ha, kinaibigan ko na talaga si Scarlet just like what you've told me.)
"Thank you talaga Ceejay! Anong gusto mo? Kahit anong gusto mo ibibigay ko."
(Happiness. Yun ang gusto ko Kris, maibibigay mo ba?) Malungkot na sabi niya.
"Ceejay..." Ano na bang nangyayari sakaniya?
(Asus! Hindi ka mabiro HAHAHA gusto ko ilibre mo ako ng buffet. Yung eat all you can.)
Napailing naman ako at natawa nalang. Kahit kailan talaga tiyan niya ang iniisip niya.
(Hoy huwag mo akong tawanan. Seryoso ako sa buffet na yon.)
"Oo na. I'll pick you up on saturday. Okay na ba yon Ms.Perez?" Natatawang sabi ko.
(Yun eh. Sige na tapos na chem namin mamaya na ang daldalan. Bye!)
Hindi na ako nakapagpaalam dahil inend niya na agad yung call.
"Mukhang good mood ka ah."
Inangat ko ang aking ulo at nakita si Chan na nakatayo sa harap ko.
"Sino bang hindi? Scarlet and I are back together." Masayang sabi ko.
Ngumiti naman siya at inabot yung coke in can na hawak niya.
"Balita ko nga. Huwag mo na siyang pakawalan pa, Kris."
"Oo naman. Second chance ko na 'to, naming dalawa. Hindi na dapat kami magkamali pa."
Tumango naman siya at umupo sa aking tabi.
"Chan?"
"Hm?"
"You had a girlfriend right? Before Scarlet. You never introduced her to us. Nasan na siya ngayon?"
"Ah yun ba?" Nilapag niya yung coke niya sa may tabi at nag-indian seat.
"Sabihin nalang natin na okay na kami ngayon but not quite. I love her so much that I ended up hurting her." Seryoso niyang sabi.