Ceejay's POV
"Sa wakas natapos na din!" Masayang bulaslas ni Chen pagkaupo niya.
"Kamusta naman ang exam bro? Nakakopya ba?" Nakangising tanong ni Baekhyun.
"Oo ah! Si Zoe ba naman yung katabi ko kanina eh. Syempre dahil sa sobrang gwapo ko, pinakakopya na niya ako."
"Kapal mo Chen. Kung hindi lang ako naawa sa magulang mo, I won't let you copy even the date today. Tss."
Tumawa naman kami at tinukso si Chen. Hindi na talaga siya nagbabago. He still carries his old high school habits.
"Oh, yung napag-usapan ha? We'll be leaving tomorrow morning." Nakangiting sabi ni Vanessa.
Isa-isa namang na-excite ang mga couples at nagsitwanan maliban kay Kris na nakakunot ang noo.
"Hey, is there a problem?" Nag-aalalang tanong ko.
"Si Al kasi, she needs us but we'll go to this trip. Nakakahiya naman kung magback-out tayo bigla diba?" Seryoso niyang sabi habang hawak hawak ang aking kamay.
Napakagat ako ng labi at tumango. Oo nga pala, she needs us now more than ever. Bakit pa kasi nasakto ang outing ng barkada eh.
Nanatili lang ako sa aking pagkakaupo ng makaisip ako ng isang paraan.
"Suho, pwede ba nating isama yung sister ni Kris? Tutal kabarkada niyo rin naman siya dati eh." Lakas loob kong sabi.
Naalarma naman si Kris pero umiling lang ako sakaniya. It's been a long time since huli silang nagkita-kita. Para naman silang walang pinagsamahan kung hindi sila papayag.
"Why not? Namiss ko din yon. Nung prom pa natin ko siya huling nakita though hindi na namin siya nakausap nun dahil ang awkward na." Naka-half smile na sabi ni Suho.
"Namimiss ko na din ang babaeng yon. Akalain mo, naging dalaga na." Natatawang sabi ni Tao.
Naging maingay nanaman ang buong barkada maliban kay Chanyeol na halatang nag-aalala.
Chanyeol's POV
"Chan, tara na! Susunduin pa natin si Al." Sigaw ni Kai mula sa driver's seat.
"Ah, oo." Mahina kong sabi at ni-lock na ang gate ng bahay na tinutuluyan namin.
Pumasok na ako sa loob ng van at umupo sa tabi ni Sehun. There was an empty seat beside me, hindi kaya para kay Rui 'to?
Nagsimula ng magdrive si Kai habang si Denise ay nasa may passenger seat. Dalawang van ang ginamit namin, sina Suho ang nagdadrive sa kabila.
"Saan na nga ba yung bahay nina Kris? Tae naman kasi ng babalung yon, dun pa sa kabila sumakay."
"Oy huwag kang ganiyan porket wala siya dito eh ginaganiyan niyo na siya." Suway ni Luhan pero halata namang pinipigilan niya ang tumawa.
Napailing nalang ako at tinuro yung bahay sa may kanan kung saan naghihintay si Rui.
When the van stopped, kusang gumalawa ang katawan ko at sinalubong si Rui.
"Thank you." Mahina niyang bulong at umupo na sa tabi ko.
"Hi ako nga pala si Denise, bestfriend ni Ceejay. Kilala mo naman na kami diba?"
"Ah. Oo, nameet ko kayo nung prom niyo." Nakangiti niyang sabi.
"It's been a long time, Alex! Ngayon lang ulit tayo lalabas na magkakasama." Masayang sabi ni Chen.
"Oo nga eh. It's been years simula nung huli tayong lumabas."
"Bakit ka kasi humiwalay ng school? Eh di sana masaya ka rin ngayon."