Ceejay's POV
"Ceejay, tama na yan." Mahinang sabi ni Krypton. Andito kami ngayon sa may Ace, isang sikat na club.
"Back off Krypton, will you?" Walang ganang sabi ko sakaniya at ininom ang alak na nasa harap ko.
Bakit nangyayari sakin 'to? Dahil isang malaking gago si Kris. T*ngina ang sakit ng ginawa niya sa akin.
F L A S H B A C K
"Why are you this sweet to me?" Gulong tanong ko sakaniya. Andito kasi kami ngayon sa may park, kaming dalawa lang dito ngayon.
"Wala lang. Gusto kong maramdaman mo kung gaano kita kamahal." Mahinang sabi niya at hinawakan ang akin kamay.
Wala naman na akong nasabi pa at sinandal ang aking ulo sakaniyang balikat. The sky is filled with stars that shine differently.
"Cecaniah Javier Perez, I love you so much. Always remember that." Pagbabasag ni Kris sa katahimikan.
Before I could answer, he cupped my face and kissed my lips. Hindi ito ang first time na mahalikan ako pero kakaiba yung feeling. Bakit parang ang sakit ng halik niya?
Hinatid ako ni Kris sa bahay. Nagpaalam siya kay Kuya Ej kung pwede niya ba akong samahan hanggang sa makatulog ako. Sakto namang may pupuntahan sila ni Ate Aj kaya pumayag siya.
"Tulog ka na, Cecaniah." Nakangiting sabi niya sa akin.
"Huwag mo nga akong tawagin sa pangalan kong yan. Ang pangit." Naka-pout na sabi ko. Kanina niya pa kasi ako tinatawag sa ganiyang pangalan.
"I love your name, Cecaniah. Every little thing about you. Kahit na sabihin mong pangit pa yan, mahal na mahal parin kita."
Lahat na ata ng dugo ko ay umakyat sa aking pisngi dahil sa sinabi niya kaya tinalukbong ko ang kumot ko sa akin.
"Matutulog na ako Kris. Haha. Goodnight. I love you so much!" Masayang sabi ko habang nakatingin sakaniyang mga mata.
"Good night, Cecaniah Javier Perez. No matter what happens know that you'll always be the one who holds my heart." Mahina niyang sabi hanggang sa nakatulog na ako.
E N D O F F L A S H B A C K
The next day, hindi ko na nakita si Kris. Nabalitaan ko nalang na lumipat na siya ng department at iniwan na akong mag-isa.
"Fck that jerk." Galit na sabi ko.
"Ceejay, everything has a reason. Huwag naman mawala ang tiwala mo sakaniya."
"Anong rason ba yon Krypton? Tngina. Handa akong intindihin siya huwag lang ganto."
Hindi niya naman ako sinagot at uminom nalang. Sige huwag niyong sagutin ang mga tanong ko. Ganiyan naman palagi diba? Ako ang nagmumukhang tanga.
"Krypton, kung sinagot lang siguro kita noon baka masaya ako ngayon." Natatawang sabi ko. Baliw na ata ako.
"Kahit magandang pakinggan yang sinasabi mo, alam ko naman na mahal mo talaga si Kris. I'm not the right guy for you Ceejay. I'll never be the right one."
Hindi naman ako nakasagot pa at unti-unti ng tumulo ang mga luhang kanina ko pa tinitigilan.
I felt his arms wrapped around me. I burried my face on his chest as I cried my heart out.
"Ang sakit. Minahal ko naman siya ah? Is my love not enough to make him stay?"
Humagulgol ako ng iyak. Hindi ko alintana ang mga matang nakatingin sa akin. Ang sakit, sobrang sakit.