Ceejay's POV
Ilang araw na din ang nakalipas simula ng ikwento ko kina Denise kung anong nararamdaman ko para kay Kris pero hanggang ngayon, hindi ko parin masabi kay Chan ang totoo.
"Javs, para sayo." Nakangiting sabi niya sa akin sabay abot ng isang kerokeroppi na stuffed toy.
"Pasensya na ha? Yan lang ang nakuha ko dun sa catcher eh. I was supposed to get the hello kitty pero si kerokeroppi kang ang nakuha ko." Nahihiyang sabi niya habang kinakamot yung ulo niya.
"Cute naman si kerokeroppi ah? Thank you, Chan. Promise aalagaan ko 'to." Nakangiti kong sabi sakaniya pero bakit parang bawat ngiti na pinapakita ko sakaniya ay nagpapakamatay ang puso ko?
"Tara nood tayo ng sine. Gusto mong manuod ng The Fault in Our Stars diba?"
Tumango naman ako at hinawakan ang kaniyang kamay. Siguro mamaya ko nalang sasabihin sakaniya ang totoo. Kahit na mahirap, susubukan ko.
Bago pa kaming tuluyan pumasok sa may sinehan ay bumili muna si Chan ng makakain at maiinom. Pagdating namin sa loob ay wala pa masyadong tao kaya nakapili kami ng mauupuan.
While we were watching the movie, hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumingin sa katabi ko. Masyado siyang tutok sakaniyang pinapanuod habang nakakunot ang noo. Hay. Kaya ko bang saktan ang lalaking katulad niya?
Masyado na kaming natutok sa pinapanuod namin ng may marinig akong nag-aaway sa aking gilid.
"Ano ba! Umayos ka nga. May sarili kang pagkain."
"Bakit ba ang sama ng ugali mo? Nakakainis ka na ha."
"At ikaw pa ang nainis? Ako na nga ang nagbayad ng ticket at pagkain mo eh."
Kumunot naman ang noo ko at pilit na kinilala ang bahagi ng kaniyang mukha na nasisinagan ng ilaw. Nanlaki ang mga ko ng makilala ko kung sino siya...si Kris.
"Pwede ba Al tumigil ka muna. Manuod ka na nga lang." Sita nito sa kasama niya. Magkasama ulit silang magkapatid.
"Is there something wrong, Javs?" Napatingin naman ako kay Chan at umiling.
Binalik ko na yung atensyon ko sa may screen pero di ko maiwasang isipin kung ano ba ang dahilan kung bakit maaga silang umalis nung prom.
Pagkatapos nung movie ay hindi ko napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. It was almost as heartbreaking as the book. Napakagaling ng pagkagawa ng movie, it was light on the acting but heavy on the drama. Gets niyo ba? The way they delivered the lines was perfect.
"Oh Kris, ikaw pala." Gulat na sabi ni Chan ng makalabas kami sa sinehan.
Panandalian namang napatingin sakin si Kris at nginitian si Chanyeol. Oh how I missed that smile.
"Ah oo, kinulit kasi ako ng babaeng 'to eh." Inakbayan niya yung kapatid niya na halatang hindi sang-ayon sa nga nangyayari.
"Ah. Hi Rui! Ang tagal na din simula ng huli tayong magkita. Hindi ko napansin na ikaw pala ang kadate ni Kris nung prom." Nakangiting sabi ni Chan.
Tumango naman si Alex at ngumiti nalang, halatang ayaw niya ang mga nangyayari. What's her problem?
"Do you want to join us for lunch, Kris? Double date kahit na kakambal mo ang kasama mo." Pabirong sabi ni Chan.
Tumawa naman si Kris at sumang-ayon sa alok ni Chan. Ano ba Kris? Paano ko na sasabihin kay Chan na ikaw na ang mahal ko at hindi na siya kung eepal ka? Ugh. This is so frustrating.
At dahil hindi ko naman pwedeng sabihin yon eh natuloy ang "double date" na sinasabi ni Chan. It's kinda weird though, minsan kasi nahuhuli kong nakatingin sa akin si Alex.
