Over Again

202 14 5
                                    

Kris's POV

Andito ako ngayon sa building ng mga Archi. Kailangan naming mag-usap ni Ceejay. Kailangan kong sabihin sakaniya lahat.

Papayag kaya siyang makipagtanan sa akin? Joke lang. Baka patayin ako ng mga kaibigan niya at kapamilya. Pero seryoso, pwede kaya?

"Kris..." Nanginig ako ng marinig ko ang boses niya.

"Anong kailangan mo?"

"Wow naman. Diba sabi ko kapag nasa school tayo at harap ng madaming tao maging sweet ka sakin? Remember, I'm your fiancée."

"Pwede ba Chanel, walang tao ngayon dito. Tayong dalawa lang." Madiin na sabi ko sakaniya.

Napairap lang naman siya at tumabi sa akin.

"Ano bang ginagawa mo dito? Waiting for Cecaniah?"

"Wala ka ng pakialam dun, Chanel. Please lang iwanan mo muna ako."

Hindi naman siya sumagot. Nakarinig kami ng mabilis na pag-akyat sa hagdan. Hindi kaya si Ceejay na yon?

"Kiss me." Utos niya sa akin.

"No." Pagmamatigas ko.

"Do it or else." Pagbabanta niya.

Ayoko pero alam ko ang kaya niyang gawin kay Ceejay. Ayoko siyang mapahamak kaya kailangan ko 'tong gawin.

Dahan dahang lumapit sakin si Chanel at hinalikan ako sa labi. Napapikit nalang ako ng mata.

I'm sorry Ceejay, matanggap mo pa sana ako.

"Kris..." Narinig kong sabi niya. Lumayo sa akin si Chanel at tinignan si Ceejay.

"Ay sorry, hindi ko alam na may nakakita pala sa amin. Hi, ako nga pala si Chanel Gonzales. Ang fiancée ni Kris." Nakangiting sabi ni Chanel habang si Ceejay patuloy lang ang pagtulo ng luha.

"G-ganon ba? P-pasensya na. Aalis na ako." Mahinang sabi niya.

"Don't." Pagtitigil ko sakaniya pero nginitian lang niya ako. Isang ngiti na patuloy na sumasaksak sa aking puso.

"I have to, Kris. Congratulations. You finally found your happiness."

After she said those words, she left with my heart.

"So siya pala si Cecaniah? Hindi naman kagandahan. Yun ang pinalit mo sakin, Kris? Grabe. Wala pa siya sa kalingkinan ko."

"Huwag mong pagsalitaan ng ganiyan si Ceejay. Hindi mo siya kilala."

Tinaasan niya naman ako ng kilay at umiling-iling. Sobra na ang pinagbago ng babaeng nasa harap ko ngayon.

Nawala na ang babaeng minsan kong minahal. Nawala na ang Chanel na nakilala ko noon.

"Well I gotta go, Kris. Imimeet ko pa yung wedding planner natin. Alam mo na, I want our wedding to be memorable."

Al's POV

"Osige na. Mag-ingat ka pauwi kuya. See you later."

Inend ko na yung call at binuhat si Kurt.

"Hay nako Kurt, naaawa ako kay Tito Kris mo. Ang gulo ng buhay pag-ibig. Buti pa tayo noh? Ang saya nating dalawa."

Tinignan lang naman ako ni Kurt at walang sinabi. Malamang Alex, magulat ka nalang kapag sinagot ka niyang anak mo. Baka mahagis mo pa siya ng wala sa oras.

"Huwag mo namang gawing baliw yang anak natin. Maawa ka naman." Sabi ng isang boses mula sa aking likod.

Tinignan ko ng masama si Chanyeol at inismiran. Ano bang ginagawa ng dagang 'to sa pamamahay namin? Leche.

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon