Catcher

325 15 12
                                    

Ceejay's POV

"Kris naman eh! Hindi yan bagay kay Scarlet noh. Pumili ka naman ng mas maayos please. Yung tipong susuotin ng isang dalaga." Inis na sabi ko sakaniya.

Andito kami ngayon sa may mall at naghahanap ng ireregalo kay Scarlet. Malapit na rin kasi ang birthday ng babaeng yon.

"Eh ano pala? Itong dress?"

"Oo! Leche magmumukhang lola ang girlfriend mo sayo eh."

Hinablot ko yung dress mula sa kamay niya at pumasok na sa loob ng dressing room.

Magkasing katawan kami ni Scarlet kaya ako na ang sinama niya. Masyado daw kasing matangkad yung kakambal niyang si Al eh.

"Hoy Ceejay lumabas ka naman para makita ko diba."

Napairap naman ako at binuksan yung pinto. Napaka-impatient talaga ng taong 'to.

"Oh ayan na po Mr.Babalu, happy?"

Pagkatingin ko sakaniya ay nakita ko kung paano siya ngumiti ng makita niya ako. Alam ko namang si Scarlet ang naiimagine niyang nagsuot nito pero bakit parang bumibilis ang tibok ng puso ko?

"Ang ganda." Sabi niya habang nakatingin lang sa aking mga mata.

Hindi ko alam ang gagawin. Para ba sakin 'to o sadyang assumera lang ako?

I shook my head and crossed my arms.

"Titigan mo lang ba ako or papayagan mo na akong magpalit para mabayaran mo na 'to?" Pagtataray ko sakaniya.

Para naman siyang bumalik sa katotohanan at inismiran ako.

"Oo na. Magpalit ka na ng mabili ko na yan. Tss."

Binelatan ko naman siya at pumasok na sa loob. Pero sa aking pagpasok, napasandig nalang ako sa may pinto at napahawak sa aking puso.

Bwisit. Bakit ba ako kinakabahan ng ganto?

--

Pagkatapos niyang bilhin yung damit ay dumiretso kami sa may Etude House. Ito kasi yung paboritong brand ni Scarlet.

"Excuse me, meron ba kayong tinitindang set para hindi na ako mahirapan sa paghahanap?" Iritableng tanong ni Kris.

Umiling naman yung sales lady at sinabing kami mismo ang dapat pumili ng gusto namin.

Nagbugtong hininga naman si Kris at naghanap ng pwede pangregalo. Habang busy siya sa paghahanap ay lumapit sakin ang sales lady.

"Aba Miss, ang swerte mo naman at yung boyfriend mo ang namimili para sa'yo."

"Uhm. Hindi ko siya boyfriend eh. Bestfriend ko lang siya." Medyo awkward na sabi ko.

Halata naman sakaniyang mukha ang pagkagulat at agad na tumingin kay Kris pabalik sakin.

"Miss, bagay kayong dalawa!" Malakas na bulong niya na buti nalang ay hindi narinig ni Kris.

Hinampas ko naman siya ng mahina at umiling-iling.

"Nako girl, hindi ko pinangarap na maging girlfriend niyan noh. Atsaka may boyfriend na ako. Oh, ang gwapo diba?" Pagmamayabang ko habang pinapakita ang picture ni Chan mula sa phone ko.

"Pero Miss, mas bagay talaga kayo ng bestfriend mo. Swear." Pagpupumilit niya.

Sasagot pa sana ako ng tawagin na ni Kris ang atensyon ko. Agad naman akong lumapit sakaniya at tinanong kung bakit.

"Anong mas mabango? Itong raspberry o vanilla?"

Pinaamoy niya sa akin yung dalawang pabangong hawak niya.

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon