Fall

191 16 13
                                    

Kris's POV

Now that she's sitting inches from me, I think my heart is about to explode. Bakit ko ba yun tinanong? Mukhang wala naman akong makukuhang sagot sakaniya eh.

"Ah. Kalimutan mo nala--" naputol ang pagsasalita ko ng lumabas sakaniyang labi ang mga salitang ayokong marinig.

"I missed you--but I don't love you anymore."

Biglang sumikip ang aking dibdib. Eto nanaman yung sakit na naramdaman ko ng iwan ko siya, ng mawala si Chanel at ng makita ko kanina si Cecaniah sa piling ng iba. The feeling's so familiar that it's starting to kill me.

"I see. Can we have our closure then? Can I explain my side?" Sinubukan kong ngumiti kahit nangingilid na ang aking mga luha.

"If you want to." Mahina niyang sabi.

Pinikit ko ang aking mga mata at inalala lahat ng hirap na pinagdaanan ko sa loob ng pitong taon.

"Chanel died after giving birth to Hilyah." Paninimula ko at halata sakaniyang mukha ang pagkagulat.

"After she died I really wanted to go back here pero dahil nga hiniling ng magulang niyang magstay ako, hindi ko na sila natanggihan pa. Sanggol palang din kasi nun si Hilyah kaya hindi kami kaagad nakabalik dito sa Pilipinas."

I opened my eyes and smiled at her as I try to be strong despite of the aching feeling I am having right now.

"Five years ago, pauwi na ako dito sa Pilipinas pero hindi natuloy dahil kasi nga may mahal ka ng iba."

"If only you knew how broken I was for the past seven years Cecaniah, baka maintindihan mo ang side ko. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Iba na ang tinitibok ng puso mo." Natatawa kong sabi habang pinupunasan ang aking mga luha.

I closed the gap between us and hugged her real tight. Namiss ko 'to, sayang nga lang mukhang eto na ang huling beses kong mayakap ang babaeng mahal ko.

"I wish I was strong enough to lift not one but both of us, Cecaniah. And I hope you were strong enough to hold on." Pagkasabi ko ng mga salitang yon ay binitawan ko na siya at lumabas.

"Daddy! Are we gonna go home na po?" Malungkot na tanong sa akin ni Hilyah ng makasalubong ko sila ni Jake.

Lumuhod naman ako at ginulo ang buhok ng aking anak.

"You could stay here for the night. Susunduin ka nalang ni daddy bukas."

Ngumiti naman si Hilyah at niyakap ako. "Thanks daddy! Don't forget to drink your medicine okay?"

"I won't. Sige na, pasok na kayo sa loob ni Kuya Kurt mo."

Nauna ng pumasok ang dalawang bata habang kami ni Jake ay naiwan sa labas.

"Pare, alagaan mo siya ha?" Mahinang sabi ko sakaniya.

"Oo naman. Tulad ng napagkasunduan pare."

--

"Kuya, sigurado ka ba sa gagawin mo? Maawa ka naman diyan sa puso mo. Halos bumitaw na nga diyan sa dibdib mo eh."

Mahina ko namang binatukan si Al at umiling-iling. Eto nanaman siya sa pagiging nanay niya sakin.

"Ano ka ba? I've been handling their company for seven years tingin mo mababago ang lahat dahil makakatrabaho ko siya?"

Tumango si Al na parang aso at ininom ang gatas niya.

"Baliw ka talaga kahit kailan. Masaya na sa piling ni Jake si Cecaniah, mas mabuti pang si Hilyah nalang ang pagtuunan ko ng pansin at ang future niya."

"Okay sabi mo eh. Pero if ever na bumalik yung feelings niya sayo kuya, please pag-isipan mo."

"Oo na Alexandria. Huwag ng paulit-ulit please." Natatawang sabi ko.

Inirapan niya lang naman ako at inayos na ang mga papel na nakakalat sa lamesa. Haggard na haggard na ang kapatid ko sa medicine proper niya, isama mo narin ang pagiging full time mom niya kay Kurt.

"Oo nga pala, asan yung mag-ama mo?"

"Nasa kwarto ata ni Chanyeol. Baka tinuturuan si Kurt sa mga homework niya." Walang gana na sabi niya.

"Kailan niyo ba balak magsettle-down? Hindi ba kayo nahihirapan sa lagay niyo? May anak kayo pero hindi kayo kasal?" Bilang kuya ni Al, syempre concerned ako kasi alam niyo naman ang takbo ng utak ng mga tao, masyado silang mapang-uri.

"Wala kaming balak na magpakasal kuya--or rather, wala akong balak na ikasal sakaniya." Straight to the point na sabi ng kapatid ko, with matching taas ng kilay pa yan.

"Ayokong matali sa lalaking katulad niya kuya. Alam mo naman ang nangyari samin diba? Lahat ng iyon isang pagkakamali lang sakaniya."

Bigla namang nagbago ang itsura ni Al at nagsimula nanamang mamuo ang luha sakaniyang mga mata. Hinila ko siya palapit sa akin at hinalikan ang kaniyang noo.

"Huwag kang mag-alala, andito lang si kuya. Hindi kita hahayaang masaktan nino man hanggang sa humihinga pa ako."

--

"Daddy be sure to buy some pasalubong okay? Dapat po pag-uwi mo madami kang dala."

Binuhat ko si Hilyah at kiniss ang noo niya. I don't think I would last a day without this kid.

"Mamimiss ka ni daddy." Mahinang sabi ko sakaniya.

"I will miss you too pero you'll come back naman po diba? For now we have to be away from each other according to Tita Alex."

Ginulo ko yung buhok niya at niyakap siya ng mahigpit. Nakuha ng anak ko ang pagiging matalino niya kay Chanel. If only she can see our daughter right now.

"Kuya, tinatawag ka na ng flight attendant. Mag-iingat ka dun okay? Yang puso mo...paki-alagaan." Pagpapaalala sa akin ni Al.

Ginulo ko ang buhok niya at hinalikan ang kaniyang noo. Ang hilig niya talaga magpatawa.

"See you soon. Paki-alagaan si Hilyah habang wala ako."

Sumakay na ako ng eroplano at naupo sa designated seat ko. I was about to sleep ng magsalita yung katabi ko.

"Kris? Can you uhm--can you hold my hand? I'm scared."

Bumilis ang tibok ng puso ko. I reached for her hand and held it real tight. Nanlalamig siya. Natatakot nanaman siya.

"Don't worry, I'm here for you. Wala ka dapat ikatakot, Cecaniah."

Dahan dahan naman siyang ngumiti at tumango.

"Thank you. It's good to have my guy best friend back."

Nakaramdam naman ako ng kirot sa aking puso. Best friend. Oo nga pala, diyan kami nagsimula. Ayokong maniwala na dito rin ang wakas naming dalawa.

"Ngumiti ka naman diyan Kris. Tagal ko ng di nakita yang gilagid mo eh." Natatawang sabi niya.

Maiinis na dapat ako pero dahil mahal ko ang babaeng nasa harap ko eh napangiti ako ng wala sa oras.

"There you go! Paniguradong madaming maiinlove sayo sa pupuntahan natin." Nakangiting sabi niya.

Oh how I missed that smile. I could look at her for the rest of my life if she would only let me.

For the rest of the trip, magkausap lang kami ni Cecaniah. Takot kasi ang babaeng ito sa heights. Masaya naman ako kasi ako yung nagpapalakas ng loob niya pero bigla kong naalala si Jake at ang napag-usapan namin.

"Matulog ka na Cecaniah."

"Eh pero paano kung bumagsak tayo?" Natatakot nanaman siya.

I smiled at her and kissed her forehead.

"Kapag bumagsak ka, andito lang ako sa tabi mo."

--

Rei's Corner: Oh, nag-update na ako as promised. Huehue. Pasensya na sa kadramahan ko sa last UD HAHAHAHAHAHA. Have a blessed sunday! :)

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon