Den's POV
"Bwisit ka talaga Kim Jongin! Pumunta ka na dun sa dagat tutal squid ka naman eh. Potek." Inis na sabi ko habang sinasabunutan yung sarili ko.
"Hoy gaga, anong ginagawa mo? Trying to kill yourself?"
Nilingon ko naman si Ceejay at binigyan ng isang tingin na nakuha niya kaagad.
"Ano ba kasi ang ginawa sayo ni Kai at parang gusto mo na siyang patayin?"
"Sa friday na kaya yung prom tapos sina Ellah at yung iba tinanong na ng kaniya-kaniya nilang boyfriend para maging ka-date tapos 'tong si boy negro ang sinabi sakin huwag na daw kami gumaya. Aba bwisit lang talaga." Sunod-sunod na sabi ko.
"Oh Den, chill ka lang naman. Grabe ah. Maski naman si Chan hindi pa ako binibigyan ng prom proposal kasi hindi niya rin bagay so yes, okay lang sakin."
Ewan ko kung bakit pero nagsimula naman ng tumulo yung mga luha ko.
"That's not the point Cee. All I ever want is to witness or experience a prom proposal. Is that too much to ask?"
Kinotongan naman ako ni Ceejay dahilan para lalong uminit ulo ko.
"Aish! Broken hearted na nga tapos ganyan ka pa. Grabe sobrang thank you. Bestfriend talaga kita. Tss." Sarcastic kong sabi.
Tumawa naman si Ceejay at kinurot ang magkabila kong pisngi.
"Init talaga ng ulo ng bestfriend ko! Hayaan mo na si Negro, tara na hinihintay na tayo nina Ellah sa may canteen."
Hinawakan niya naman ang kamay ko at hinila na papunta sa may canteen. Ugh. I hate being dragged even if it's by my own boyfriend or bestfriend. Tss.
"Hoy Den bakit ganyan nanaman pagmumukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa diyan eh." Baling sakin ni Ellah.
"Tanong mo diyan sa negrong katabi ng boyfriend mo."
Kumunot naman ang noo ni Kai at nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Are we going to talk about this again? Grabe Den I told you the reason already. Isn't that enough?"
"It will never be enough Kai! Minsan lang ako humiling tapos--ugh! Nevermind. Paulit-ulit nalang tayo."
Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at lumabas na. Narinig ko ang boses ng mga kaibigan ko pero wala yung sakaniya.
Kai's POV
Napamura nalang ako ng tuluyan ng makaalis si Den. Galit na naman siya.
"Hoy boy negro better explain. Ano ba ang pinag-aawayn niyo ni Denise ha?" Mataray na tanong ng mga kaibigan niya.
"She's jealous of you guys. Paano ba naman kasi yang mga boyfriend niyo, ginawan kayo ng prom proposal."
Isa-isa namang naglitanya yung mga kaibigan ko. Sabi nila kasalanan ko daw kasi hindi ko magawa.
"Alam niyo naman yung nangyari last prom diba?"
"Kai, hindi naman sayo gagawin ni Den yun eh. We all know she's different." Seryosong sabi ni Suho.
"I know but I--"
"Kai, alam mo bang dream yun ni Den? Even before you met her, pangarap na niya na talaga yon. She dreamed of being that person you asked for prom. Matagal ka ng mahal ng kaibigan namin." Pagpuputol sa akin ni Ceejay.
I stared at them, lahat sila tumatango maski ang mga kaibigan ko. How come she never told me that?
"Kung ako sayo Kai, magplano ka na. Kahit girlfriend mo na siya, pwede ka paring maunahan ng iba." Nakangiting sabi sa akin ni Chan.