She's Back

216 12 7
                                    

Kris's POV

Bakas na bakas sa mukha ni Chan ang pagkagulat dahil sa aking sinabi. Well, who wouldn't right? Kahit sino naman magugulat eh.

Sa totoo lang ng nalaman ko kung sino ang ama ng dinadala ni Al ay gusto ko siyang sugudin at saktan hanggang sa hindi na niya makita ang skita ng araw pero pinigalan ako ni Al. Wala ng minahal pang iba ang kapatid ko kundi siya lang.

I thought making my sister attend a different school would seperate them pero kung nagloloko nga naman ang tadhana, pilit silang pinaglalapit.

Paulit-ulit nalang niyang sinasaktan ang kapatid ko habang ako, walang magawa.

"Kuya miss ko na si baby Kurt." Naka-pout na sabi ni Al.

"Ano ba yan Alexi Ruiz Wu, wala pang isang araw eh miss mo na agad."

"Ganon talaga pag may anak ka na." Pagmamayabang niya pero bakas sakaniyang mukha ang lungkot.

Lumapit ako kay Al at tinabihan siya. Maraming bituin ngayon sa langit.

"Alam na nga pala ni Chanyeol." Mahina kong sabi.

Wala naman akong narinig sakaniya. Nang tignan ko siya, nakasuot pala sa tenga niya ang earphones niya.

"Alexandria! Kinakausap kita." Inis na sabi ko. Potek naman kasi. Kung kailan may sasabihin akong importante tsaka niya ako hindi pakikinggan.

"Ano ba Kevin? Huwag na huwag mo akong tatawagin sa pangalan na yan kundi sasamain ka talaga sa akin." Kung nakakamatay lang ang tingin, baka kanina pa ako namatay.

"Di ka kasi nakikinig eh. Tss. I already told Chanyeol the truth."

Nakahinga naman siya ng maluwag at nginitian ako.

"Ganon ba? Atleast nalaman na niya. Hindi ko na kailangang itago pa."

"Pero mas maganda parin kung sayo manggagaling, Al. I mean, lahat ng nagawa mong ilihim sakaniya." Nakasibangot na sabi ko. Minock niya lang naman ako at tinawanan. Kahit kailan hindi nagmature ang babaeng 'to.

Silence took over. Ang alon lang na humahampas sa may dalampasigan ang tangi naming naririnig.

"Kuya, huwag na huwag mong sasaktan si Ceejay ha? Ako mismo ang makakalaban mo kapag pinaiyak mo siya." Hindi man siya sa akin direktang nakatingin, alam ko namang seryoso siya sakaniyang sinasabi.

"Oo naman. I never loved someone else more than Ceejay. Hindi ko ata kakayaning saktan ang babaeng nagmamahal sakin at minamahal ko ng sobra."

"Pangako mo yan ha? Kahit na bumalik siya, please kuya ipaglaban mo si Ceejay." This time, humarap na sa akin si Al at bakas sa kaniyang mukha ang kalungkutan.

Sumikip ang aking dibdib at niyakap siya. Ipaglalaban ko si Ceejay. Kahit na ikamatay ko pa 'to.

--

"Oh anong klaseng pagmumukha naman yan Kris?"

"Gwapo."

"Kapal mo gago." Tinignan ko naman ng masama si Luhan. Minsan talaga ang kapal ng lalaking 'to. Mukha namang babae. Tss.

"Kamusta na si Alexandria?" Mahinang tanong niya.

"Alam mo na?"

Tumango siya at naupo sa may dalampasigan. Naalala ko pa yung huling pag-uusap namin ni Luhan, yun yung panahon na naguguluhan ako kay Scarlet at Ceejay.

"Alam mo bang crush na crush ko dati si Alexandria? Kaya lang alam ko namang may gusto siyang iba. We used to be bestfriends. I tried reaching out to her ng naghighschool tayo but her words were shutting me out."

Nagulat ako sa sinabi ni Luhan. I know that they were bestfriends pero yung part na nagustuhan niya ang kapatid ko? Seryoso ba siya dun?

"Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Kalimutan mo na nga." Natatawang sabi niya. Minsan may saltik din 'to sa utak eh.

Hindi naman na ako sumagot. Para saan pa? Wala din ako sa mood na magsalita. Mahal ang laway ko.

"Oo nga pala, ang tagal niyo narin ni Ceejay noh?"

I smiled upon hearing her name. Takte ito nanaman yung puso ko, ang bilis nanaman ng tibok.

"Oo naman. Mahal na mahal namin ang isa't-isa at walang makakapaghiwalay sa amin." Pagmamayabang ko.

"Halata naman eh. Pero paano kung bumalik siya?"

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tinanong niya. Nawala ang ngiti sa aking labi, napuno ng kaba ang aking damdamin.

"Ano bang pinagsasabi mo? Matagal na siyang wala. Matagal na niya tayong iniwan." Seryoso kong sabi.

"Pero Kris hindi natin mapipigilan ang pagbalik niya. Alam nating lahat yon."

Nanginig ang buong katawan ko dahil sa takot. Hindi pa ako handa na makita siya.

Ceejay's POV

Ilang araw narin ang nakalipas simula ng manggaling kami sa resort. Back to normal nanaman ang mga buhay namin, except kay Alex na nag-aaral narin sa university na aming pinapasukan.

Alam na rin pala ng grupo ang tungkol sa anak nila ni Chanyeol. Nung una hindi sila makapaniwala pero ng makita nila si Kurt, nagbago ang mga isip nila.

"Al dalhin mo naman yung baby mo oh. Miss na miss ko na inaanak ko." Nakapout na sabi ni Baekhyun.

"Punta nalang kayo sa bahay this saturday. Ipagluluto ko kayo." Nakangiting sabi sakanila ni Al.

Nabalik na sa dati ang pagkakaibigan nila maliban kay Chanyeol. Masyado siyang formal tuwing nag-uusap sila.

"Sinabi mo yan ha? Dapat masarap luto mo!" Pasigaw na sabi ni Tao.

Natawa naman yung iba at pinapapalo si Tao. Kahit kailan talaga patay gutom ang lalaking 'to, well lahat naman sila actually.

"I love you." Napatingin ako kay Kris ng sabihin niya ang mga salitang yon. It was loud enough for me to hear it.

Napangiti ako at pinich ang cheeks niya. Hay bakit ba napakagwapo niya?

"I love you too."

"Promise me that you'll always stay by my side." Seryosong sabi niya.

Nakaramdam naman ako ng kaba. Ano ba 'to?

"Anong ibig sabihin mo?"

"Kahit anong mangyari, huwag mo akong iwan."

Ngumiti naman ako. Yung sapat lang para ipaalam sakaniya ang sagot ko.

Pero bakit ganto ang nararamdaman ko? Why do I feel like I'm about to lose the person I love?

Luhan's POV

Ito na ang kinakatakot ko, ang araw na masusubukan kung gaano ba kahalaga si Ceejay para kay Kris.

Looking at them now, they seemed so happy and in love pero lahat ng bagay ay hindi pwedeng palagi nalang maayos.

"Andito na siya." Seryosong sabi ko.

Nagbago naman ang ekspresyon ng kanilang mga mukha. Ito yung bagay na sobra naming kinakatakot simula pa man nuon.

"Paano ba yan? Isa sa atin ang matatali agad." Pabirong sabi ni Baekhyun kahit halatang kinakabahan siya.

Lahat naman kami mahal ang mga girlfriend namin eh, pero ang isa samin ay wala ng kawala. Maski si Chanyeol na may anak na, walang kawala sa responsibilidad na matagal ng ibinigay sa amin.

But if there's one person in this room na sobrang kinakabahan sa aming lahat ay walang iba kundi si Kris.

"I just hope she already forgot about the things we both promised." Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay bumukas ang pinto.

"Well if it isn't the famous Wolf 88." Naka-smirk na sabi niya.

--

Rei's Corner: Simula palang ng gulo guys. >:) HAHAHA

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon