Ceejay's POV
"Sayang ang make-up mo kung nakasibangot ka. Ano bang nangyayari Cee?"
Napabugtong hininga ako at umupo sa may counter ng cr. Kasama ko ngayon si Den hindi ko na kasi kaya magstay sa loob ng venue.
"Den, mahal ko na si Kris."
Nanlaki naman ang mga mata ni Den at napasigaw nalang. Agad ko namang tinakpan ang bibig niya. Mamaya eh may makarinig pa sa amin.
"Anong kalokohan 'to Cecaniah Javier Perez? Kailan pa ha?"
"Pwede ba Den, shut your mouth for a while." Frustrated na sabi ko saka ni-lock yung pinto.
"Okay spill it. Gusto kong marinig every detail."
"Pwede bang minor details nalang muna? Gusto ko sanang lahat kayo nina Ellah ang maka-alam. You know, mamayang sleep over natin."
"May magagawa pa ba ako? Osige na. Give me some brief explanation." Mataray na sabi niya habang nakasandal sa may counter.
Huminga ako ng malalim at tumabi sakaniya.
"The day when Kai asked you to prom, umalis ako. Pumunta ako sa may roof top para magpahangin. Tapos nandun din si Kris. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa may tinanong siya."
Tinignan lang ako ni Den, signaling me to continue with my story.
"He asked me if it was wrong to love someone who was already in love with someone else. Hindi ako sumagot tapos tinanong niya ako kung ano daw ang gagawin ko kung ako yung tinutukoy niya. Ang sabi ko lalayo ako. We kissed and after that, he left."
Ilang segundo na nanahimik si Den hanggang sa nagtumitili na siya at pinapalo ako. Natulala nalang ako dahil sa reaksyon na pinakita niya.
"Ano ba Den! Ang sakit!"
"I knew it! Sabi ko na nga ba hindi na talaga si Chan ang gusto mo eh. KriJay talaga ang shiniship namin nina Kyle eh! Nakakaloka. This is so tweetable." Malanding sabi niya.
Kinurot ko naman yung tagiliran niya dahilan para mapatigil siya.
"Anong tweetable ka diyan? At anong KriJay ka diyan? Nako, kayo talaga nina Fam napaka-pasaway!"
"Asus! Kunwari ka pang naiinis. Kilig ka naman diyan. Tara na nga! Balikan na natin yung mga baliw at ang lalabs mong si Kris." Nakangising sabi niya.
Napailing nalang ako at unti-unting ngumiti. Akala ko naman hindi niya maiintindihan. I guess I was wrong.
Tinungo namin ni Den ang pinto palabas at masayang bumalik sa aming mga kasama. Napatingin nalang ako kay Kris na kausap si Tao.
Tahimik lang akong nagmamatyag ng maramdaman ko ang paghawak ni Chan sa aking kamay. Tighter than the usual.
Someone's POV
I waited for a few minutes after Den and Ceejay left. Grabe hindi na ako nakalabas sa cubicle simula ng magchikahan ang dalawang yon.
I'm not eavesdropping okay? Sadyang tinawag lang ako ni mother nature at naglabas ng pasig river. The next thing I knew, nandito na yung magbestfriend na 'yon.
Gusto ko sanang lumabas na dahil hindi naman ako pinanganak na chismosa pero ng marinig ko ang pangalan ni Kris, napatigil nalang ako sa aking kinatatayuan.
Nang lumabas ako sa cubicle na pinagtataguan ko--este pinaglabasan ko lahat ng ininom kong juice, para akong tanga na nagpasilip silip pa kung tuluyan na ngang umalis yung dalawa. Nang wala akong nakita, nakahinga na ako ng maluwag.