Fireworks

338 16 12
                                    

Kris's POV

Rinig na rinig ang mga paputok sa bawat sulok ng langit. Ilang minuto nalang ang natitira bago matapos ang taon.

"Oh dude, bakit mag-isa mo? May problema ba?"

Napatingin ako kay Luhan at napabugtong hininga nalang. Ano nga ba ang problema ko? Bakit ako nagkakaganito?

Umupo siya sa tabi ko at inabutan ako ng inumin.

"Malapit ng matapos ang taon, kailan mo balak pumili sakanilang dalawa?"

Napakibit balikat naman ako at napabugtong hininga.

Sino nga ba sa dalawa ang dapat kong piliin? Ang babaeng minahal ko o ang babaeng minamahal ko?

"I don't know dude. Ayokong masaktan ang isa sakanila. I love them both."

"Pero hindi sila pantay, Kris. You know who you love better." Seryosong sabi niya sakin habang nakatitig sa aking mga mata.

"Paano? Paano mo nasabi na siya? You should've seen what I did that time."

"I know you're hurt. But do you have the right?" Tanong niya pabalik sa akin.

F L A S H B A C K

"Kuya naman eh! Do I really have to do this for you?" Inis na sabi ng kapatid kong si Alex.

Yes, I have a sister. Magkaiba lang kami ng school na pinasukan dahil ayaw namin makita araw-araw ang isa't-isa.

Al's my twin though mas matanda ako sakaniya ng 9 minutes.

"Al naman, minsan na nga lang ako humingi ng favor sayo eh."

Hinablot niya naman mula sa akin yung regalo at pinalo ako.

"Aish. Fine! May magagawa pa ba ako? Lumayas ka na nga! I don't want us to be seen together by other people."

Natawa nalang ako sakaniyang sinabi at ginulo yung buhok niya.

I can't believe this tiny girl infront of me is my twin.

"Break a leg, shrimpy."

"Whatever dino." Pang-asar niya pabalik sa akin.

Naglakad naman ako palayo sakaniya at hindi nabura ang ngiti sa aking mga labi.

I'll confess to her before the sun sets.

--

"Oh ayan ha, nabigay ko na sakaniya yung regalo mo."

"Thank you, Al. Napakabait mo talagang kapatid!" Paglalambing ko sakaniya.

"Psh. Huwag ka nga, Kuya Kris. Kung hindi lang kita kapatid baka siningil na kita ng bongga."

"Asus at ano namang klase ng bayad ang gusto mo?"

"For you to come back home. Kahit naman tanggap namin na you're staying with your friends hindi ko parin malubos isipin na hindi ko na nakikita yang baba mo every morning."

Matutuwa na sana ako pero bigla itong nawala ng dahil sa huli niyang sinabi.

"Panira ka naman. I'll go home after graduation. Just like I promised." Nakangiting sabi ko sakaniya.

Ngumiti naman siya at ni-lean ang ulo niya sa may shoulder ko. Bale, nakaupo siya sa may table habang ako ay nakatayo. Oo, ganon siya kaliit.

"Al! Tara na, kain daw tayo sabi ni Neon." Tawag sakaniya nung kabanda niyang si Flame.

Tinignan naman ako ni Al and I just gave her an assuring smile.

Bumaba na siya ng table at kinuha yung bag niya. Nagpaalam na siya sakin at tumakbo papunta sa nga kabanda niya.

Napatingin ako sa aking orasan; 4:48 pm. Labing dalawang minuto bago ako magtapat sakaniya.

--

Malapit na ako sa may garden ng maaninag ko ang dalawang taong magkayakap.

Agad akong nagtago sa likod ng mga puno at pinagmasdan kung sink ba sila.

My heart started to beat faster ng makilala ko kung sino sila.

"I love you so much."

"I love you too, Chan."

Nang marinig ko ang mga salitang iyon, it's like the world stopped turning.

Kailan pa? Kailan pa sila naging close sa isa't-isa?

I felt betrayed for the second time by my own bestfriend pero sino ba saming dalawa ang mali? Siya o ako?

Hindi ko alam kung paano ako nakalayo sa lugar na yon but when I do, I just found myself on my knees while my tears were falling.

E N D O F F L A S H B A C K

A minute before New Year, pinalibutan namin ang campfire na ginawa ni Chan.

Hindi na kami nakisabay sa ingay na nakapaligid samin at napagpasyahan nalang namin na maupo lang at magkwentuhan.

"Guys, oras na." Nakangiting sabi ni Suho.

Tumayo sina Kai at inabutan kami ng tig-iisang lusis.

"Sabi nila, kapag naubos mo ang lusis matutupad ang pangarap mo."

Napatingin ako kay Chen. Confusion is written on my face.

Ngumiti naman siya sa akin at tumawa nalang.

"Wala namang masama na subukan yon diba?"

I shifted my gaze to the firework I was holding.

'Wala namang masama diba?' I thought.

"Wow! Kris naubos yung sayo!" Tuwang sabi ni D.O.

Napatitig naman ako sa hawak kong lusis at napangiti.

Ibig sabihin ba, matutupad ang hiling ko?

I stared at the sky as different colors of fireworks exploded in every direction.

"Woah! Naubos din yung kay Chan."

Napatingin ako kay Sehun na halatang natuwa sakaniyang nasaksihan.

Tumingin naman si Chan sa akin at ngumiti.

"Happy new year, bro."

Kahit na may konting kirot sa puso ko, sinubukan ko siyang ngitian. He's my bestfriend after all.

"Happy new year din, bro."

Tumayo siya mula sakaniyang pagkakaupo at niyakap ako.

"Naks naman! Huwag na kayong mag-aaway ha?"

Sabay naman kaming napatingin kay Xiumin na busy sa pagkain.

Nagkatinginan nalang kami ni Chan at natawa nalang. Natawa na din ang iba at napahiga nalang sa may buhanginan.

Ang wish ko? For us to find our own happiness.

--

Rei's Corner: HAHAHA so ano? Ayan na ha. Don't kill me or Chan. I love him. Okay. HAHAHA. Charing. Naniniwala din ba kayo dun sa theory about sa lusis? Hahaha. xD

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon